"How do you see yourself after 10 years, Ms. Salvejo?" Ask by my prof.
Napaisip ako, Ano nga ba ang mangyayari sa'kin pagkatapos ng sampung taon?
"I don't know, Sir" The whole class laugh at me but I just smile.
"What do you mean?" I answered confidently. "We don't know the life, sir. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin. Gaya ng sabi niyo last time, hiram lang ang buhay natin pwede itong kuhain kahit ano mang oras kaya hindi ko makita ang sarili ko after 10 years kasi malay ba natin, Pwede tayong mamatay ngayon, bukas o sa mga susunod pang araw." I sit after.
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko kaya naman napangiti ako. "As expected, Ms. Salvejo."
Nang matapos ang klase ay sabay sabay kami nagpunta sa cafeteria nang bigla na lang ako hilahin ni Gelaine, kaibigan ko.
"Bhie, May darating daw na transferee bukas." Tumaas ang sulok ng labi ko ngunit agad din itong napalitan ng ngiti.
'Ang bilis talaga makasagap ng balita ng babaeng 'to.
"Oh, Babae o lalaki?" "Hindi ko alam pero sana lalaki para gwapo at makita ko lang siya buo na ang araw ko" Mamula-mulang aniya nito.
Pabirong umirap na lang ako at pumunta na ng cafeteria.
Paupo na sana ako ng bigla na lang ako nabangga.
"Ahhhh!!" Napatingin ang mga tao sakin at nanlaki ang mata ng makita ang uniform ko.
"Ang init, ang init!" Hindi ko mapigilang maiyak ng makitang namumula na ang balat kong natapunan ng kape.
"Hoy!" Nang humarap ito ay ipinosisyon ko ang kamay ko at binato sa kaniya ang tasa ng kape.
Nanlaki ang mata nito at bigla na lang napaupo ng tumama sa ilong niya ang baso. Shoot!
Kinwelyuhan ko siya at binulungan. "Gago ka lalaki, tandaan mo 'to pag nakita kita ulit babasagin ko na 'yang mukha mo." Ngumiti ako at kunyaring pinagpagan ang damit niya pero ginamit ko yun para sipain ang bayag niya.
Andaming natawa pero karamihan ay nagulat why? 'Di nila Ine-expect ako kasi pinakamabait dito sa school.
Agad akong umalis dun at nagpasundo na sa driver ko. Bwisit! Ang hapdi hapdi sa balat.
Nakita kong may bisita pero hindi ko na ito pinansin at umakyat na.
Palagi namang may bisita dito. Hindi naman kasi gusto ng magulang ko na nag B-business trip kaya dinadala nila dito sa bahay yung mga katrabaho nila kaya nga ang laki ng bahay namin kasi may isang floor pa sa taas para lang sa work nila.
Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin at natulog na.
"How's school? Mataas pa ba ang grades mo? Balita ko may binatuhan ka ng tasa kahapon." Pinanliitan niya ako ng mga mata.
My hands began to shake. Magagalit na naman si Mama, Ako na naman ulit ang sisisihin niya sa lahat.
"Anong sinabi ko sayo Yuri? Ang sabi ko galingan mo sa School mo at wag kang gumawa ng kahit na anong Gulo! Your records should be clean kasi pag-aaralin ka namin sa Prestigous School sa ibang bansa-"
BINABASA MO ANG
ENOUGH FOR YOU
RomanceYuri, Story The background cover came from the Pinterest and was just edited by the Author.