Pagbilan ng Yelo
By: Android17
Ako nga pala si Marlon. Edad bente otso na. Nag ttrabaho bilang isang call center agent dito sa may Makati. Sa may bandang Paseo, yung lugar na kinalikahan ko. Halos kilala ako ng karamihan na isang silahis. Kung tutuusin ay bata pa lamang ako ng nalaman ko na isa akong bakla. Siguro dahil na rin sa norms ng society ay madali na akong natanggap ng pamilya ko. Lalaki pa rin ako kumilos. Hindi pa rin ako nahahalata na silahis
Siguro ay nasa 5'7 lamang yung height ko. Moreno na balat. Payat pero may hulma ang katawan. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero may itsura naman. Kahawig ko nga daw si Rj Bagatsing.
Natuto rin akong mag gym kaya masasabi kong maganda na rin yung tindig ng katawan ko. May malapad na mga balikat at may maliit na baywang. Korteng V Shape ika nga. Ok na rin yung braso ko at may kaunting umbok na rin ung chest ko.
Karaniwan na sa akin na gawing umaga ang gabi at sa gabi ang aking umaga. Ito kasi yung normal na schedule ng mga nag ttrabaho sa call center. Kaya naman masasabi ko na isa akong '' Creature of habit '' yung tipong bawat kilos ko ay may takdang oras.
Mula sa pag kain ko ng 9am, 12 pm, 3pm and 6pm. Ang pagligo ko ng saktong 10 am. Pagalis ko ng bahay ng 7pm. Paglalaro at panunuod ng Netflix inoorasan ko din. Oo, literal na ganyan talaga ako. Para sa akin kasi ang pag gawa ng sariling schedule sa daily routine is a sign of maturity and being efficient. Pero sa akin lang naman yun, ewan ko lang din sa inyo. Hahaha
Nag iisang anak lang ako nila mama at papa. Miracle baby nga daw nila ako. Di naman marangya ung buhay namin. Nag ttrabaho sila sa isang factory dito malapit sa amin. Kaya karaniwan ay naiiwan akong mag isa sa bahay tuwing umaga.
Sa pag ggym ko, nagkakaroon ako ng sense of achievement lalo na pag nakikita ko na gumaganda lalo ung katawan ko at nag kakaroon ng improvement. Sabihin na natin na may pag ka ''Narcissist '' din ako. Yung tipong GGSS ( Gwapong gwapo sa sarili ). Iba kasi nagagawa ng may magandang katawan dahil lalong tumataas ung self confidence at tumataas din yung market value ko sa mundo ng kabaklaan. Again, sa akin lang naman yun. Hahaha
Gusto ko yung pakiramdam na nakahubad palagi sa loob ng bahay. Lalo na kapag walang tao. Minsan naglalakad ako ng hubo't hubad o kaya pag medyo nahihiya ay nag bbrief lang. Lalo na pag nakikita ko ung hubad na katawan ko sa malaking salamin sa bahay. I feel proud sa laki ng improvement ko. Literal na GGSS nga kasi ako hahaha
So eto na nga, bumili ng bagong ref sila mama. Yung inverter. So dahil tatlo lang naman kami sa bahay. Napag desisyunan nila na mag tinda ng yelo. Para di sayang yung lamig at kuryente. Oo ganyan, dito sa kalye namin. Business to. Haha
Every 10 am ng umaga nag start na ako maligo para bago matulog eh medyo maaliwalas ung pakiramdam ko. Pagkapasok ko ng banyo ay nag simula na akong magbuhos at mag sabon. Kusot dito, kusot duon para matanggal ung alikabok sa katawan. Maya't maya pa ay may narinig ako
'' Pag bilan, may Yelo po kayo ? '' sigaw ng nasa labas
Nung una ay di ko pinansin pero ng marinig ko na medyo malakas ang pagtawag. Duon ko lang naaalala na nag paskil nga pala sila mama sa labas ng '' Ice for Sale ''. Sa isip isip ko nga , ay totoo nga na business owner na kami ! haha
So lumabas ako ng may sabon pa ung buhok ko tapos nag tapis lang ako ng tuwalya sa baywang. Tapos sumigaw din ako sa labas ng '' Ilan ? '', syempre di na ako nag tanong ng '' Ano yun? '' eh di naloko na , ano to feeling sari sari store lang ?
Nilagay ko sa lumang plastik yung dalawang yelo tapos tinungo ko na ung pinto. Pagbukas ko, nagulat yung bumibili sa ayos ko. Ikaw ba naman na lumabas ng may sabon pa ung katawan mo tapos nakatuwalya ka.
BINABASA MO ANG
Pagbilan ng Yelo
RomanceIto ay isang maiksing istorya lamang at kasalukuyang walang kasunod. Maraming Salamat sa inyo :)