"Kumain ka na ba?"
Napatingin ako kay Kiara sa tanong niya.
Hindi pa ako kumain...
"Oo tapos na. Ikaw ba?"
"Oo kanina sa canteen. Saan ka ba kumain? Bat di kita nakita ha?" Sumingkit ang mga mata niya at tumawa ako.
"Tapos na nga akong kumain, basta." Sagot ko sa kanya at inilagay ang mga notebook ko sa loob ng locker.
Napatingin ako sa inabot niyang burger at sandwich. Kumunot ang noo ko.
Hay nako Kiara,
Ngumiti ako sa kanya at kinurot ang pisnge niya.
"Thanks. Kilala'ng kilala mo talaga ako noh?"
Umirap siya at tumawa ako.
"Oo naman. Ako pa," Tumawa kami at pumasok sa classroom.
Umumpo ako at kinain ang burger na binigay niya. Maya't maya lang dumating na si Miss at tinapon ko na ang basura ko.
I'm already in Grade 11 Senior High school, dito sa East University. Bestfriend ko si Kiara simula pa nung Grade 7 ako. Kilala na nga siya ni Papa at kilala'n kilala na rin ako ng Mama niya.
Pagkatapos ng klase tumayo na ako at inilagay ulit ang mga gamit ko sa loob ng locker.
"Uuwi ka na ba?" Tanong ni Kiara.
Umiling ako.
"May trabaho pa ako, remember?"
"Ay oo nga pala! Ako uuwi na ako kukunin ako ni Mama, kasi sasamahan ko siyang mamalengke. Pwede kang sumabay samin," Sabi niya. Umiling naman ako agad. Ayoko no! Mag co-commute nalang ako, baka ma huli pa sila sa palengke.
"Wag na! May pupuntahan pa rin naman ako sa faculty, dahil kakausapin daw ako ni Mrs. Garcia." sagot ko.
"Okay, sige alis na ako ah. Tawagan mo ako pag naka uwi ka na. Babye!" Nag bye na ako sa kanya at pumasok sa room,
Nakita ko agad ang isa sa mga kaklase namin na si Geo. Nag liligpit ng gamit niya. Ngumiti siya sakin.
"Oh, baka makalimutan mo ah! Pinapunta ka ni Mrs. Garcia sa faculty." Sabi niya at tumawa ako.
"Oo na, oo na."
"Sige goodluck. Bye!" Sigaw niya at umalis. Naglakad na rin pababa sa faculty room.
Kumatok ako at pagpasok ko bumungad agad sakin ang table ni Mrs. Garcia. Lumapit ako sa kanya at umupo sa chair na kaharap niya.
"Good afternoon maam, gusto niyo daw po akong makausap?" tanong ko.
"Hello Ms. Deloso, yes I want to talk to you. I just want to tell you na ikaw ang top one sa lahat ng grade 11 students dito sa East University!" sabi niya habang naka ngiti.
Nanlaki ang mata ko. Oh my god! Tama naman ang narinig ko diba? Ako daw yung Top 1?!
"Thank you so much Ma'am! Thank you so much." Paulit ulit na sabi ko sa kanya.
Maiiyak na ata ako sa saya.
"Good job Ms. Deloso."
Yun ang huling sinabi ni Mrs. Garcia habang naka labas na ako sa faculty room.
Pag labas ko sa campus, may biglang umakbay sakin. Gulat akong napatingin kay Geo na naka ngiti habang naka tingin sakin.
Hinampas ko siya at tawang tawa naman siyang umiwas. Bwisit kala ko kung sino!
"Ano sabi ni Mrs. Garcia sayo?" tanong niya. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Top 1 daw ako sa lahat ng gradw 11 students!" Nanlaki ang mata niya at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik.
Pakiramdam ko ang saya saya ko ngayon.
"Oh ano? Congrats! Sabi ko na nga ba eh, sanaol Ada!" Sabi niya at tumawa kaming dalawa.
Pagkatapos kong makig chikahan kay Geo, sumakay na ako ng jeep papuntang 7 eleven sa North town.
"Manong para!" Sigaw ko at bumaba sa highway. Nilakad ko ang street na papuntang 7 eleven. Napahinto ako nung may nakita akong bagong coffee shop.
Always Coffee Shop....
Yan ang pangalan nung coffee shop. Tinignan ko ang relo ko at nakitang 6:30 pm na pala!
Nagmadali akong pumasok sa coffee shop at nag order. Tinignan ko ang menu nila at 430 pesos espresso! Amp.
"Excuse me..." Tawag ko dun sa lalaking nasa counter na nakatalikod sakin.
Humarap siya sakin.
Napaawang ang labi ko at parang huminto yung paligid. Napalunok ako at umiwas ng tingin. Bigla ata akong nahibang sa kagwapuhan niya, lalo na nung tumingin siya sakin at ngumiti.
"Yes Ma'am. Welcome to Always Coffee Shop, what do you want to have?" He asked habang nakatitig sakin. I bit my lower lip and sighed heavily.
"C-can I have a one espresso please?" Sabi ko. Ngumiti naman siya sakin bago tumalikod.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko bago humarap sa kanya ulit. Bigla nalang may tumawag sakin. Pagtingin ko sa phone ko nanlaki ang mata ko nung makitang tumatawag si Aika sakin. Siya yung nag wo-work ng 1pm-7pm. Dali-dali ko yung sinagot.
"Woi nasaan ka na ba? 7:10pm na." sabi niya.
"Sorry may binili pa kasi ako, hintayin moko. Papunta na ako diyan." Sabi ko at pinatay yung tawag.
"Name Ma'am?" He asked while writing something sa cup ko.
"Ada..." Sagot ko. Tumingin siya sakin at nung tumingin ako sa kanya, bigla siyang yumuko at isinulat ang pangalan ko sa cup.
"Here Ma'am Ada. 430 pesos lahat Ma'am." Sabi niya at kumuha ako ng pangbayad. Nanlaki ang mata ko nung wala ang wallet ko sa bag ko! Hala nasaan yun? Kumunot ang noo ko at na alalang nilagay ko nga pala sa locker ko.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at yumuko.
"Here, just take this. You can pay me tomorrow, or whenever you want." Sabi nung lalaki at nanlaki ang mata ko sa gulat. Kinagat niya ang labi niya at nagpigil na ngumiti.
"I heared your phone call earlier. Mukhang nagmamadali ka diba?" Tanong niya. Tumango naman ako na gulat parin ang mukha.
Ngumiti siya sakin at hinubad niya ang apron at cap niya. Doon ko lang napansin na naka suot siya ng black turtle neck na sweater at jeans.
Kinuha ko na yung kape ko at dali daling lumabas pero lumingon ako sa kanya nung nasa pintuan na ako,
"Thank you," I said while smiling at him. Tumingin naman siya sakin at ngumiti din.
"Goodbye..." sabi niya at kumindat sakin. Tuinulak ko ang pintuan at lumabas. Napahawak ako sa dibdib ko at hinabol ang hininga ko.
"What the hell?" I said.