Pluma

16 4 2
                                    

Pluma by: ANDB798

Nakasulat dito mga salitang nakakahanga,
Na kahit ang isang tulad ko'y di makapaniwala.
Makata, malalim,
Pero kayang maintindihan ng taong kay hinhin.

Nakasaad rito mga pano't bakit,
Pati ang mga titik na di masungkit,
Na kahit sa simpleng sakit,
Hindi maisulat mga letrang pikit.

Tungkol ba ito sa pagmamahalan,
Baká? Ewan?
Siguro ito'y tungkol sa sakit,
Sakit na aking nadama nang ipadala mo ang plumang kay rikit.

Nakasulat sa librong malalim,
Lahat ng iyong sakit na nadanas sa kanyang piling.
Wala akong nagawa,
Kaya't sa letra na lamang pinadala'ng mga isip na nakikita.

Sa huling pangungusap nakasaad,
Hindi na makaramdam ng saya ang iyong puso.
Patawad dahil sa sulat nalang napunta,
Ang aking nadama habang wala ka.

Dumating sa punto na sumusuko ka na,
Iyong sinabi na kuhanin sa ilalim ng mesa,
Ang iyong sulat na kay ganda,
Na nakalagay pala sa luma mong pluma.

070122

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon