15

99 17 2
                                    

Maghahapon pa naman at andami pang tao. May mga estudyante pa na pauwi na galing school.




Buong byahe ay nasa labas lang ang tingin ko. Iniisip ko parin kung tama bang pumunta ako kay Dlane.





"dito nalang po" nagbigay ako ng bayad sa driver at bumaba.





Napabuntong hininga ako pagkaalis ng taxi at tumingin muna sa building kung nasan ang penthouse ni Dlane. Dito daw kasi siya nagstay at hindi sa bahay niya kaya dito ako dumiritso.





Sumakay ako ng elevator at pinindot yung floor na sinabi niya sa text. Sa sobrang yaman niya ata'y kung saan-saan nalang siya nagiistay. Pera niya naman kaya bahala siya.





"uuwi karin pagkatapos nito" huminga pako ng malalim bago pinindot yung doorbell.




"you're here" halata sa mukha niya ang gulat habang mapupungay yung mata. Nakapantulog pa siya at magulo yung buhok. "i thought you won't come"




Iniwan niyang nakabukas yung pinto kaya pumasok ako at sinara ito. Humiga siya sa sofa habang nakasandal yung ulo niya at nakapikit.




"kumain ka na? Pumunta naman si miss Stella dito diba?" dalawang beses lang siyang tumango habang nakapikit parin.





Lumapit ako sa puwesto niya at nilapat yung palad ko sa noo niya. Mainit siya at pamutla rin.






"you'll take care of me?" maliit niyang binuka yung mga mata niya at tumingin sa gawi ko.






"pakakainin at paiinumin kita ng gamot tapos patutulugin bago ako umuwi" kumuha ako ng kumot na nasa gilid niya at kinumutan siya habang nakaupo.




"then I won't eat, drink my meds and I won't sleep for you to stay" pinikit niya ulit ang mata niya at supladong nakakunot ang noo.





Bumuntong hininga ako at umiling bago tumayo at dumiritso sa kusina. Chineck ko yung fridge niya at may laman naman.




Kinuha ko yung isda dahil lulutuan ko siya ng sinigang. Nilingon ko pa siya at nakitang nakahiga na siya ngayon sa sofa. Lampas pa yung paa dahil matangkad siya.




"pumunta si miss Stella diba? Pinainom ka niya ng gamot?" sinubukan kong magsalita dahil baka di pa siya tulog.




"yeah, umuwi rin siya kaagad" hindi nako sumagot at nagluto nalang.




Matapos kong magluto ay hinatid ko na sa kanya. Nahirapan pa siyang bumangon kaya inalalayan ko.






"ba't kaba nilagnat?" inabutan ko siya ng tissue dahil tumalo yung sabaw.





"ask youself" kumunot agad ang noo ko at tinagilig yung ulo ko.




"bakit ako?" tinuro ko pa yung sarili ko habang nakatingin sa kanya na kumakain. "may ginawa bako?"




"don't forget that you rejected me yesterday. I was about to follow you pero nakasakay kana ng taxi, I was left being soaked by the rain" nanlaki kaagad ako mata ko.





"eh ba't kasalanan ko? Inutusan ba kitang lumabas ng sasakyan mo kahit walang payong para lang sundan ako?" tumaas pa yung kilay ko sa kanya.





Hindi siya sumagot at binaba lang yung kutsara at uminok ng tubig. "I'm full"





Niligpit ko yung pinagkainan niya at nilagay sa kusina. Kumuha ako ng gamot doon sa may medicine kit na nasa gilid ng TV at pinainom sa kanya.




"ubusin mo yung tubig" sinamaan ko agad siya ng tingin kaya inubos niya yung tubig sa baso. "huhugasan ko muna yung pinagkainan mo, pumunta kana sa kwarto mo"





"I don't want to. I'll stay here" nagmatigas siya at kinuha yung remote ng TV at nanood.





Hinayaan ko nalang siya at dumiritso sa kusina. Hinugasan ko yung plato at binalik sa lagayan. Isang mangkok at plato, kutsara't tinidor at baso lang naman yun.




Pagbalik ko sa puwesto ni Dlane ay bored siyang nakatingin sa palabas sa TV. Hawak niya pa yung remote na halos mabitawan na niya.




"magpahinga kana sa kwarto mo" pinatay ko yung TV at pinatayo siya.




Binalot niya pa yung katawan at ulo niya ng kumot habang papasok kami sa kwarto niya. Nakanguso pa siya at maliit yung buka ng mata. Ang cute!




"I won't sleep" hindi ko pinansin ang sinabi niya at inayos lang yung kumot niya.




Sinara ko rin yung kurtina ng sliding door papunta sa balkonahe. Pinatay ko narin yung ilaw at aircon at iniwan yung lampshade.




"kelangan mong magpahinga, magaala sais na ng gabi" tinignan ko pa yung orasan nasa side table. "magbubukas ako ng ilaw sa may kusina para kapag nagising ka mamayang madaling araw ay hindi ka mahirapan"




Hindi siya sumagot at nakatitig lang sakin. Kumuha ako ng upuan at umupo malapit sa kama niya. Nakatitig parin siya sakin at walang imik.




"maglalagay din ako ng gamot sa ibabaw ng ref dahil baka magising ka na mainit ka, inumin mo" hinaplos ko yung buhok niya at napapikit-pikit pa siya. "sa susunod wag kang
magpapaulan para di ka magkasakit"






"it's your fault, you rejected me" napangiti ako sa sinabi niya at hinaplos ulit yung buhok niya.





"I didn't reject you because I want to, it's because I have to" hinaplos ko yung noo niya at tumingin sa mapupungay niyang mata. "let's stay like this for now. Let's love each other without letting anyone know, even ourselves. Kasi yun lang yung kaya kung ibigay"




Nakapikit na yung mga mata niya kaya napangiti ako at hinaplos lang yung buhok niya. "then I'll be contented with it" maliit niya binuka ang mga mata niya at tumingin sakin. "because you are enough for me"




And for the second time, I get to hear another comforting words from the man I never knew I love...

















Mi GustasWhere stories live. Discover now