Chapter 17

26 4 0
                                    


Nanatili akong nakatulala kay Calamity na ngayon ay nililinisan na ulit ng doctor. Hindi naman ganoon kasama ang pagka-tama ng bola sa kaniya. Nag alala lamang talaga ako. Natatakot din ako kapag nakakakita ng dugo mula sa kaniya. Naalala ko pa ng isang beses na nahulog siya sa hagdan, mula sa anim na hagdan pababa. Sobrang daming dugo noon, hindi agad ako nakakilos. Kung hindi lang dumating noon si Diego ay siguradong hindi na nadala sa ospital ang anak ko.

Nilingon ko ang pinto nang pumasok doon si Alvin kasama si Claude. May mga dala sila na mga mineral bottled water at ilang biscuits.

Ang unang tinignan ni Claude ay ako. Agad nanlaki ang kaniyang mga mata. Nag iwas agad siya ng tingin, na animong alam niyang may kasalanan siya. Kinuha ni Alvin ang ilang plastic na dala niya at umalis na para bigyan ang doctor at si Calamity.

Tumanggi ako ng bigyan niya ako. Nanghingi siya ng tawad dahil hindi daw niya nabantayan ng ayos si Calamity. Pinaliwanag ko naman sa kaniya na aksidente lamang ang lahat.

"Makakaasa kang hindi na ho iyon mauulit."

Tumango ako sa kaniya, kaya agad siyang tumalima at lumabas para puntahan si Diego at Andrea na nasa labas.

Tinignan ko naman si Claude, naiwan siyang mag isa doon kaya naglakad ako papunta sa lugar kung nasaan siya, I crossed my arms in my chest.

"Claude, Can we talk?"

Narinig ko ang pagsinghap niya. He looked at me, then nodded. I know he's guilty. Alam niya ang kasalanan niya.

"Baby, what you did earlier was wrong. Do you know that?"

Muli niyang binalik sa kakambal ang tingin. "He hit my sister, Mom. Then he denied about it. I will never be happy with that."

Hinila ko ang isang monoblock na nasa likuran ko at tinatapat iyon sa gilid niya. Nang makakilos ako at nakaupo na ay hinawakan ko ang kaniyang baba, at tinapat ang mukha niya sa akin.

"Anak. It was an accident. Hindi din naman sinasadya nung bata na batuhin ang kapatid mo."

Hindi siya sumagot. Binaba niya a ang titig kaya napabuntong hininga ako.

"What's bothering you?" Hindi parin siya sumagot kaya sinundan ko ang titig niya. "Anak, Momma is asking you. What is it?"

Kita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi, naging mapula iyon. Masyado ata siyang guilty para gawin yan.

"I-I...." Rinig ko ang pagbuntong hininga niya bago muling tumingin sa baba. "I had promised you that I will protect my sister but I failed..... I'm sorry, Mom."

Napangiti ako. This is what I like about him, even in a young age he knows how to be true to his words. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi at pinagpantay ang aming titig.

"I told you, it was an accident." I said. "And even if it's not an accident, I will never blame you... So, stop blaming yourself."

"Still.... I'm sorry po."

"It's fine. Naka-usap ko na yung bata."

Tumango siya at ngumiti ng pilit. Tinignan niya ang kakambal na ngayon ay masayang kausap na ang clinical doctor.

"Anak, makinig ka." He looked at me because of that. "Hindi mo kailangang gumanti. Hindi mo kailangang manakit."

"But, he hurt, Calamity. Momma, I was mad that time. Kaya nagawa ko po iyon." He said in his slang accent.

Ngumiti ako sa kaniya. "Kahit na..... Hindi porque nasaktan ka o may nasaktan, eh gaganti kana. You were just mad kaya nagawa mo iyon. Think before you make an action, Zyrenz Claude. Hindi mo kailangang manakit."

After the Unwanted MistakeWhere stories live. Discover now