Pagkatapos ng kanilang munting salo-salo ay nagpahinga na sa kaniyang silid si Celestine. Kinagabihan, tumawag naman sakanya ang kaniyang lola na naninirahan sa Espanya kasama ang kaniyang nakababatang kapatid."Congratulations, hija. You never failed to make us proud." pagpuri nang kaniyang lola sakaniya. "Thank you, mamita. Where's my brother, Tom?" tanong niya at agad niyang narinig sa kabilang linya ang pagtawag nito sa kaniyang nakababatang kapatid na pitong taong gulang pa lamang.
"¡Hermana! ¡Hermana!" (Sister! Sister!) sabik na tawag ng kaniyang kapatid sakaniya. "Hola, mi querido hermano" (Hello, my dear brother)
Ang pamilya Aguilar ay may lahing Pilipino-Español. Ang ina ni Celestine na si Senora Celesa ay isang purong espanyol na napangasawa ang negosyanteng pinoy na si Senor Augustin. Unang tumira ang pamilya Aguilar sa Espanya sapagkat doon nagkakilala at nagkamabutihan ang Senor at Senora. Doon rin ipinanganak si Celestine. Nang lumago ang nasimulang negosyo nang Senor at naging matagumpay, bumili agad ito nang isang malawak na lupain sa bayan ng San Francisco upang doon gumawa nang mansyon at doon manirahan kasama ang nabuong pamilya. Ang Senor Gustin ay may magagandang plano para sa kaniyang minamahal na asawa't anak. Nais nitong maibigay ang lahat ng kinakailangan at gusto na siyang hindi nagawa sakanya noon ng kaniyang mga magulang dahil sa hirap ng buhay.
Ang manggahan na siyang negosyo nang Senor ay mas lalong lumago. Sila ay nagsimulang magbenta nang mga prutas na mangga na ibinabagsak at ipinagbibili sa mga pamilihan hanggang sa nagbenta na rin sila nang produktong gawa rin sa mangga na kanilang tinawag na "dried mango", "mango ice cream", at ang pinakasikat na "mango ice candy" na siyang pinakatinatangkilik ng bawat mamamayan ng San Francisco dahil ito'y abot kaya at ubod ng linamnam.
Ang lupain sa Guimaras na pinamana sakaniya nang kaniyang ama bago ito pumanaw ang siyang naging dahilan ng kanilang marangyang buhay ngayon. Noong una ay hindi alam ng Senor kung ano ang gagawin sa pinamanang lupain sakanya hanggang sa bigyan siya nang suhestiyon ng kaniyang nakatatandang kapatid.
"Anong maaari kong gawin sa lupang iniwan sa akin ng itay, manong Hermano?" tanong ng binatang si Gustin.
"Mabuti pa at taniman natin iyan ng mga puno nang mangga." tugon nito sakaniya.
Napaisip naman si Gustin sa suhestiyon ng kaniyang kapatid. Ano naman ang kaniyang gagawin kapag namunga na ang mga tinanik na puno nang mangga?
"At ibenta mo ang lahat ng bunga sa pamilihan. Hindi ba't magaling kang pumili nang matatamis na mangga? Itanim natin iyon at tiyak na tatangkilikin ang ating mga mangga. Nasisiguro kong patok na patok ang mga manggang matatamis at masasarap sa ating mga kababayan lalong lalo na sa mga turista." dugtong pa nang kaniyang kuya. Sumangayon agad si Gustin sa naisip nang kaniyang kuya. Batid niyang magandang plano ito upang kumita nang malaking halaga.
"Ako ay pumapayag sa iyong suhestiyon, manong Hermano. Sa susunod na linggo at tataniman na natin ang lupain at tayo ay magiging magkasosyo sa negosyo." nakangiting saad ng binata at inalok ang kanang kamay sa kaniyang nakatatandang kapatid upang makipagkamay. Agad naman itong tinanggap ng kaniyang kuya at niyakap siya.
Ang lahat ng paghihirap nila nang kaniyang kuya Hermano ay nagbunga. Lahat ng suliranin ay kanilang nalagpasan at ngayon at pareho nilang nabibigyan ng magandang buhay ang kani-kanilang pamilya.
"Mamá dijo que eres el valedictorian de la clase en tu escuela. ¿Es eso cierto, hermana?" (Mamita said that you're the class valedictorian in your school. Is that true, sister?) tanong ng kaniyang nakababatang kapatid na agad niyang tinugon ng isang matamis na oo. "¡Guau! ¡Felicidades, hermana! ¡Promesa, también seré el valedictorian de clase en nuestra escuela!" (Wow! Congratulations, sister! Promise, i will be the class valedictorian in our school too!)
YOU ARE READING
The Art of Love
RomanceIsang masayahin at palangiting babae. Iyan ang isa sa mga katangian ni Celestine. Siya ay mayroong mataas na ambisyon para sa kaniyang sarili at sa minamahal na pamilya. Ngunit sa isang iglap, naglaho lahat ang kaniyang mga pangarap dahil sa isang k...