"I resign! Narinig mo? I resign!" sigaw ni JC sa boss niyang pervert na nasa loob ng opisinang kahit pa naka-lock ay rinig ng mga tao sa labas. Ilang buwan din siyang nagtiis sa kabastusan ng boss niyang yun na kung anu-anong gustong ipagawa sa kanya.
Kahit pa gwapo siya, nandidiri ako sa kanyang hayup siya.
May nangyari na sa kanila noon para maisalba niya ang posisyon sa trabaho at para makamit ang promotion na ipinangako nito sa kanya.
Worst decision ever.
Nagmadali siyang kunin ang mga gamit at lumabas sa JMC building. Napahinto siya sa tapat ng isang store na may malaking salamin. Tiningnan niya ang sarili. Inaanalyze kung biyaya pa ba ang malulusog niyang dibdib at makurbang katawan na halos pinagpasapasahan na ng kung sinu-sino. Malapit na siyang maiyak nang lumabas ang isang lalaki.
Hindi masyadong gwapo pero pwede na.
Tila nag-flashback naman ang masasalimuot niyang experience sa iba't-ibang lalaki.
Hmp! Bura bura bura!
"Hello Ma'am, do you wanna book a trip? May mga special promo kami."
"Hindi, hindi." Hindi niya halos naintindihan ang sinabi ng lalaki. "Wait, trip?"
"Yes, Maam." Nasa tapat pala siya ng isang travelling agency.
Bakit may salamin?
Namalayan na lang niya na nakapasok na siya sa loob.
"Marami pa pong spaces sa mga group tours namin. May kasama po ba kayo?"
Nakatulala pa rin siya. "Ha? Wala. Alone."
Forever alone.
"Where do you want to go, Maam?"
"Kahit saan basta malayo." Kailangan ko ng break.
"Meron po kaming scheduled tour sa Palawan, Zamboanga, Bohol..."
Inabot nito sa kanya ang folder na may pictures at details ng mga tours at muntik na niyang maihagis nang makita ang presyo. "W-wala bang mas mura? Hindi kakayanin ng budget ko to. Kaka-resign ko lang."
"Ito Ma'am," Nilipat nito ang pahina.
Quezon? Medyo malapit pa rin. Zambales? Pumunta na ko dyan. Oh! Oh! "Ito!"
"Okay, Ma'am. Upo po muna kayo at idi-discuss natin ang details ng tour."
Malaki ang ngiti niyang umupo habang iniisip ang mga gusto niyang gawin at mga kaya niyang gawin ngayong malaya na siya. Isa lang ang rule. No boys.
__________________________________________________________
Nagsimula nang sabayan ni Lovely ang kinakanta at tinutugtog ng mga kabarkada: si James ay hawak pa ang stick at animo'y nagdu-drums, si Dan ay nagbi-beatbox, si Carly ay ginagaya ang tunog ng base guitar, si Terrence at Lloyd ay nakikikanta rin. Nilingon nito ang tahimik na kaibigang si Aeron.
"Dude, you know at some point, mabo-bore ka rin sa buhay and you'll eventually join us." Ngumiti lang ito,
"Hayaan mo na," sabi ng boyfriend na si Terrence, "ganyan daw talaga pag introvert."
"Hey, bad!"
"That's not an insult. It's a fact."
Alam yun ni Aeron. Alam na alam niya. Sa katunayan ay marami siyang alam. Hindi siya nerd. Hindi siya mahilig magbasa ng libro katulad ng stereotype na introvert. Mahilig siya makinig ng music pero hindi rin siya emo. Ayaw niya lang makipag-usap. Hindi siya magaling sa small talks o kahit mahabang kwentuhan. Matagal na niyang kabarkada ang mga kasama at ito lang din ang mga nakakaintindi sa trip niya.
BINABASA MO ANG
A Sagada Love Story
AdventureA boring title with an exciting content. Isa itong parte ng tinatapos kong mahabang nobela. Naging fan ako ng sarili kong likha kaya nais kong ibahagi agad ang parte ng aking gawa. Nawa'y magustuhan ninyo. (Di pa masyadong edited kaya malaya ang kri...