CHAPTER 25

1.7K 45 2
                                    

Divine Grace Salazar-lewis POV

Halos isang minutong katahimikan ang namagitan sa aming lahat.

"Ano na naman bang kasinungalingan ang pinagsasabi mo talagang wala kang kwentang anak sinira mo ang buhay ko, wala kang kwenta sana dina kita pinanganak" bulyaw ni mama saakin dahilan upang bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

PAK

Nagulat ako ng sampalin ni Darren ang mama namin.

"Ikaw ang walang kwentang ina sana binigay mo nalang siya kay daddy kasi responsible siyang magulang kaysa sayo sinira mo ang magandang kinabukasan ni ate" cold na wika ni Darren.

"Ibibigay ko talaga kaso hindi yan kinuha ng grandma mo kasi nga alam nilang wala yang kwenta, kaya buhay ko ang sinira mo wala ka talagang kwenta wala. Sinira mo kami ng asawa ko napakamakasarili mo maayus kami pero ng malaman niyang anak kitang gaga ka hindi na siya umuwi at diko na alam kung nasaan na siya iniwan niya na kami" wika ni mama at nakaluhod na  dahil sa pag iyak.

"Huwag mong sisishin kay Divine ang lahat ikaw din naman ang may kasalanan ng lahat mas minabuti mong ilihim ang nakaraan mo kaya nag dudusa ka ngayon" wika naman ni daddy.

PAK

Malakas na sampal ni mama kay daddy.

"Huwag mong isisi saakin ang lahat duwag karin iniwan mo rin ako at ako ang nag dusa sa panlalait ng ibang tao gagong Chinese ka dahil okay lang sainyo kahit kapamilya pangasawahin niyo alam mong hindi pwede dito pero ano? Pinilit mo pinilit tapos iiwan mo ako sa gitna ng laban your a TRAITOR DARIEL you are! tapos ngayong buo na ako saka kayo mangugulo anong klase kayong tao? Ayaw niyo kong sumaya" umiiyak na hinakit ni mama kay daddy.

"I'm sorry" mahinang wika ni daddy.

"Mabalik na ng sorry mo ang lahat? Tangina hindi kahit kailan hindi" umiiyak na wika ni mama.

"Pinaglaban kita Diane pero sadyang hindi naayun ang tadhana saatin kinausap ko ang mga magulang mo pinapili nila ako lumayo tayo malayo sa kapamilya natin oo madali lang yun balak kitang idala sa China pero aalis tayo dapat wala na ang anak natin sa sinapupunan mo para mawala ang kahihiyan na ginawa natin hindi ko kaya yon Diane, hindi ko kayang idamay ang anak nating nasa sinapupunan mo na ipagkait ang liwanag at mabuhay sa mundong ito kaya mas pinili kong lumayo pumunta ng China na mag isa para manatiling buhay ang anak natin I'm sorry" naiiyak na wika ni daddy.

"Kaya hinayaan mo ako, hinayaan mo kong mag isa alam mong strict ang parent ko dimo alam ang pinagdaanan kong hirap sa kamay nila" galit na wika ni mama.

"Alam kong mali ako pero masama bang magtiwala sayo kaya iniwan ni mama si Divine sayo kasi si Divine nalang ang naiiwan tanda ng pagmamahal ko sayo kasi nag tiwala kami Diane na aalagaan mo ang anak nating babae dahil yun ang alala ng pag mamahal natin na kailanman man ay hindi kayang baguhin ng sino man pero nag kamali ako Diane sana hindi nalang ako nag tiwala sayo di sana hindi miserable ang buhay niya sa kamay niyo" seryosong wika ni daddy.

"Bakit masama bang kalimutan ka? Gusto ko ng time para sa sarili ko kaya iniwan ko ang lahat ng may ugnayan sayo" wika ni mama.

"Kaya sinama mo si Divine don ang iniwanan siya sa kalupitan ng magulang mo?" wika ni daddy.

Nakita kong umiyak na yumuko si mama gusto ko itong yakapin kahit ganoon si mama mahal na mahal ko parin ito hindi rin kasi basta basta ang pinagdaanan niya.

"Napakamakasarili niyo po" naiwika ni Brix.

"Diko siya kayang tingnan dahil naalala ko ang pag iwan ni Dariel saakin, ayaw ko sa kaniya kamukhang kamukha niya ang daddy niya kaya gusto kong maging malaya sa masakit na alala ng nakaraan" wika ni mama habang umiiyak.

"Habang binubuo mo ang sarili mo sinisira mo ang sarili mong anak tita di niyo po ba alam na di nakapagtapos ng high school ang anak niyo siguro alam mo yon tita dahil yun ang alam na reason ni Divine para makapunta rito para pakasalan ako, pero sana alam niyo rin po bang natutulog siya katabi ng mga alaga niyong baboy, kumakain siya kahati ang mga baboy, mga peklat niya tanda ng pananakit ng magulang mo, mga masasakit na salita na dapat kayong dalawa ni tito ang makatanggap tangina habang kayo pilit niyong binubuo ang sarili niyo samantalang ang asawa ko ay pilit na binabanggon ang sarili na di alam kung matatapos ito, kasalanan niyo pong dalawa alam kong wala akong karapatan na makialam sa inyo pero asawa ko po hindi ko kayang gigising ako sa madaling maririnig ang hikbi niya dahil binabangungot siya ng nakaraan niya, hinayaan niyo siyang damhin niya ito ng mag isa, alam ko pong di rin ako mabuting asawa sa kaniya sinaktan, binalewala ko siya halos nga mapatay ko siya, pinalayo ko sa kaniya ang mga kaibigan niya dahil gusto kong iwan siya ng lahat yung maramdaman niyang nag sisi siya na pinakasalan niya ako, diki alam na ako pala ang magsisi sa huli diko alam kong ilang sorry na ang nasabi ko sa kaniya para lang mapatawad niya ako sa pagiging makasarili ko, sana kayo rin. Hindi pa huli ang lahat tita para itama niyo ang mali niyo na pilit ginagawa ni tito, aminin niyo lang sa sarili niyo may mali kayong ginawa sa anak niyo ay madali ng bumawi she is kind" mahabang wika ni Ezekiel habang pinapatahan ako sa pag hikbi ko.

"Gusto kong magkaayus muna kami ng asawa ko" wika ni mama.

Umalis ito at naiwan si Jacob na nakayakap na saakin kaya agad akong lumuhod at niyakap ito pabalik at doon humagulhul ng iyak.

Sa daming sinabi ni Ezekiel pero mas inuna parin ni mama ang sarili niya para mabuo siya sabagay sino ba ako para piliin niya ako, ako lang naman ang bunga ng masama niyang nakaraan na pilit siyang humahabol.

Napakasakit parin pala kahit paulit ulit na ang mga nangyayari nasasaktan parin ako dahil nag eexpect pa kasi ako na sa pagkakataon na ito ako naman
Pero mukhang malabo parin.

Nasasaktan ako dahil sa katangahan ko bakit di pa ako na natutu kahit sanay na sanay na ako.

ANG BALIWALAIN AKO NG AKING SARILING INA.

Umiyak ako ng umiyak habang nakayakap sa step-brother.

"ATE KITA, MAY ATE AKO" masayang wika nito habang lumuhang saakin.

Tinanguhan ko ito at hinalikan sa noo mag sasalita na sana ako ng diko  namalayang nahihirapan na akong huminga.

"Di a-k-o ma-ka-hi-nga" utal utal kong wika.

"DIVINE" yun nalang ang huli kung narinig bago ako lamunin ng kadiliman.

To be continued:

MY HEARTLESS HUSBAND ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon