Chapter 37: A Song For You (The Second Song)

332 6 0
                                    

Nick's POV

Pagkaalis nila Spencer, nag-aya na rin agad umalis si Paul. Baka daw kasi masermunan pa siya lalo ni Lance kung di pa siya uuwi. At since nagtext na rin si Jerry na umuwi na ako, pumayag na akong umuwi kami.

"Hoy Nick, sabi mo kay Lance ihahatid mo ko! Kaya ihatid mo ko. Baka makahalata yun" sabi ni Paul. Takte, tinatamad lang magdrive toh eh. -_-

"Oo na. Oo na. Tara na nga" sabi ko at pumasok na sa kotse ko.

Wala naman na masyadong kotse sa daan since gabing gabi na kaya mabilis lang kaming nakarating sa condo nila.

"Magpakita ka kay Lance! Kunyare lasing talaga ako" utos niya. Napapoker face nalang ako at bumaba na din ng kotse.

Pagkaakyat namin sa floor nila, nagulat kami nang may makita kaming isang babae sa tapat ng unit nila! Agad na napangiti yung babae nang makita si Paul at tumakbo siya papayakap kay Paul.

"Are you freakin' drunk lady?! F*ck get off of me!" sigaw ni Paul dun sa babae. Tinignan siya nung babae, mukhang lasing nga toh. Medyo amoy alak din eh.

"Prince Lance?" malungkot na tawag niya sa pangalan ni Lance. Lasing nga toh, akalain ba namang si Lance si Paul?

At dahil isa sa pinakaayaw naming mga Angels ang ginawa niya, mas nag-init ang ulo ni Paul sa kanya. Kaya nasigawan siya nito.

"Are you stupid?! Mukha ba akong manwhore sa paningin mo?! I'm Paul Posadas! Not Lance Posadas!" oo nagpapanggap kami minsang kakambal namin, same with Badboys, pero ayaw na ayaw naming pinagkakamalan kaming sila lalo na kapag hindi naman kami nakaayos ng tulad ng kakambal namin!

"Pre, lasing lang yung tao, wag mo na patulan" awat ko sa kanya.

Sinamaan niya ng tingin yung babae pero nakinig din naman siya sakin. "Move" cold na sabi niya at itinabi yung babae sa daraanan niya.

"No! Sasama ako sayo! Hindi mo na nga sinasagot yung mga texts at calls ko sayo kaya pumunta na ako dito eh! Tapos magpapanggap ka pang kakambal mo?!" yumakap uli yung babae sa likod ni Paul.

"F*ck! Hindi nga ako si Lance! Bumitaw ka na at inaantok na ko!" mabilis na tinanggal ni Paul yung pagkakayakap nung babae tapos natataranta ng binuksan yung pinto ng unit nila. Pero makulit yung babae at sumusunod pa rin.

"Miss, bawal ka dito. Tumigil ka na bago magalit ng tuluyan si Paul" sabi ko sa kanya habang hawak ang braso niya at hinaharangan siya para di makalapit kay Paul na nasa likod ko pero tinabig lang niya ang kamay ko at nagtuloy tuloy sa paghawak kay Paul.

Naabot niya si Paul pero tinatabig ni Paul yung kamay niyang pilit na humahawak kay Paul.

Nabuksan na ni Paul yung pinto. Tinulak ako nung babae kaya napigilan niya si Paul sa pagpasok.

"Bawal ang mga baliw dito! Layas!" sigaw ni Paul pero waepek dun sa babae. Lumakad na sila papasok kaya sumunod nalang ako.

Pilit pa ring hinahawakan nung girl si Paul pero tinatabig niya lang yung kamay nito. Buti nalang at si Paul toh, kung nagkataon na Badboy ang kasama ko ngayon at nakainom pa, malamang nasaktan na tong babaeng toh. Gentlemen pa rin ang mga Hearthrobs kahit nakainom at wala na sa mood eh.

"I said get out!! Bawal ka--" natigil sa pagsigaw si Paul nang pagpasok namin, nakita namin sila Princess at Lance na naghahalikan!

Napanganga nalang ako at yung makulit na babae pero si Paul na abnormal, nakangiting malapad lang. Adik ampota! Kanina sigaw ng sigaw tapos ngayon kung makangiti parang wala ng bukas oh!

"Prince Lance!" sigaw nung babae tapos tumakbo na siya papayakap kay Lance. Laking gulat namin nang halikan siya nung babae!

Napatakbo nalang si Princess papalabas ng unit nila Paul.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon