Chapter 26

681 37 0
                                    

Carmella Pov

"Hindi ka sasama and final na yon" Yang mga katagan na yan ang nagpawala ng aking ngite habang may nararamdaman na isang lapastangan na nagpipigil ng tawa sa likod ko

"But Kuya pagisipan mo pa po TSAKA bakit si Kuya Arian opwedeng sumama tapos ako hindi?" Pagmamaktol ko habang nakasimangot, ang unfair kasi ehh

"Look Ella, iba ang sitwasyon mo kay Arian plus puro lalaki pa yung makakasama mo, puro tarantado pa" Pagpapaliwanag ni Kuya Sevy na mukhang desidido na hindi ako pasalihin kaya naman tinalikuran ko sya bago pumasok sa sarili kong kwarto

"Kainis" Bulong ko sa aking sarili bago ko ipalipas ang oras sa loob ng aking kwarto pero hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako habang yakap yakap ang sarili ko

........

Nagising ako sa tunog ng katok na nanggagaling sa pintuan ng aking kwarto kaya naman tumayo na ako para silipin kung sino iyon, tsk si Kuya Arian lang pala and may hawak pang pagkain ahh ang sweet naman

"Oh eto bata, wag ng maiyak ahh bawi nalang next pfft- bawi nalang next time, kumain ka na muna" Saad ni Kuya Arian na parang may kinakausap na bata pero halatang pinipigilan nya ang pagtawa kaya naman kinuha ko nalang yung pagkain, sayang din kasi yung effort nya sa pagluluto at sabi nga nila, masamang tanggihan ang grasya pero sinipa ko muna sya bago ko saraduhin yung pinto tsaka ito i lock gamit ang isang kamay ko

"Fuck shit, Ella masakit!" Daing na sigaw nya pero wala akong pake ang lakas nyang mangasar eh makabawi nga

"Okay lang yan bata, sabi ko kasi eh parang kagat lang ng langgam" Natatawang sabi ko na parang may kausap na bata na takot sa turok, napatawa naman ako ng may narinig akong padabog na paglalakad paalis hahaha mukhang naasar ahh, asar talo kasi pero natanggal yung saya ko nung naalala ko yung event huhuhu gusto ko talagang sumama kaso bawal

Pagkatapos kong kumain ay nagiisip naman ako kung paano ako makakalabas para mahugasan tong plato na ito, ayoko namang makita si Kuya Sevy kasi tinalikuran ko sya kanina at mukha din namang galit si Kuya Arian, well galit talaga sya kaya naman naghintay pa ako mag 11 ng gabi at sinisigurado ko sa sarili ko na tulog na silang lahat.

Dahan dahan lang ang hakbang ko na lumabas sa aking kwarto hawak hawak ang hugasin sa aking kamay bago ako pumunta sa kusina at hinugasan ang mga yon pero bago pa man ako bumalik ulit sa kwarto ay nagluto muna ako ng pancit canton at kumuha ng midnight snacks. Naluto naman agad yung pansit canton kaya naman bumalik na agad ako sa kwarto ko dala dala yung pagkain na hinanda ko bago ko buksan yung laptop ko para manood ng movie hanggang sa umabot na ang madaling araw ay hindi pa din ako nakakatulog kahit nakatapos na ako ng isang movie at nakinig sa music ay wala pa ring epekto sa akin kaya naman kinuha ko yung phone ko at naglaro ng random app like online games na ml basta ayon na yon.

So ayon, kakapuyat ko pumasok ako sa school ng walang tulog, buti sana kung hinatid ako ni Kuya Arian pero mas nauna pala yung loko, tapos si Kuya Sevy namna ay nag aalalang nakatingin sa akin siguro dahil iniisip nya na umiyak ako buong gabi? Tsk hindi naman ako iyakin at isip bata, minsan nga mas isip bata pa sila sa akin kaya hindi nila ako masisisi kung bakit ako ganon kasi may pinagmanahan ako.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng room, ganon na ba ako kalutang?? Dahan dahan kong binuksan ang pinto pero ang unang bumungad sa akin ay ang tili ni Liam, minsan nagdududa na ako kung bakla ba sya o hindi eh

"OMG!! Anong nangyari dyan sa mukha mo-?! Nagka eyebags!!" Maarteng tili ni Liam kaya nanan dahil sa ingay nya ay nakatanggap sya ng batok galing kay Ethan na halata yung inis sa mukha hahaha nagising sa ingay ng bata

"Hindi kasi ako pinayagan sa event" Pabulong ngunit naka nguso kong sabi bago ako pumunta sa upuan ko

"Pero hindi ako susuko ng basta basta lang, at alam ko sa sarili ko na masasabi din ni Kuya Sevy na papayag sya na makadalo ako sa event" Determenado kong saad kaya naman nakarinig ako ng palakpak galing kay Liam

"That's the spirit!" Masayang sabi ni Liam kaya naman napangite nalang ako

"Yung booth daw hahaha sila Luke at Cameron na daw bahala hahahaha" Natatawang sabi sa amin ni Jake, ano kaya yon?

"Oi gago narinig ko name ko? Ano yon?" Nagtatakang tanong ni Cameron na halatang kakagising lang sa ingay Hahahaha ang cute nya halata din kasing puyat kaya naman hindi ko mapigilan yung sarili ko na pisilin yung pisngi nya pero nagtaka naman ako ng biglang tumahimik yung buong paligid

"What?" Nagtatakang tanong ko ng mapansin na nakatingin silang lahat sa direksyon namin habang si Cameron naman ay tumayo bago tumakbo

"Hayop ka Ella!! Kung gusto mo gumawa ng problema wag mo naman i share sa akin!!" Pasigaw na sabi ni Cameron bago sya mawala sa paningin ko pero mas lalo akong nagtaka ng tumayo din ang iba tsaka sya hinabol. Ano problema nila??

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon