KABANATA 40

29 2 0
                                    

Triggered warning: Suicide

Agad hinanap ng mga mata ko si Astrid,dahil simula pa kanina'y hindi man lang sya nagsalita,o nag tangkang lumapit samin..dun ko lang din napansin na kanina pa pala sya nakatingin samin na blanko ang muka,ang mga mata'y nagsasabing nagtagumpay sya.

Anong nangyari sa kapatid ko?nalason naba talaga ng kasinungalingan ang utak nya..bakit hirap na hirap syang paniwalaan ako?ganito naba ako kasamang kapatid sakanya..

Gusto kong makausap ng masinsinan si Astrid,gusto kong malaman ang dinadamdam nya,dahil pagkatapos ng pagu-usap nayun kakalimutan ko ng may kapatid pa ako kahit masakit sakin.

"Vien,please..wag kayong mag-away ni Astrid,hindi nya alam kung--," hindi kona pinatapos si Chester sa pagsasalita ay marahas kong isinarado ang pinto ng kwarto ko,tiningnan si Astrid ng puno ng galit.

"Mukang alam muna ang kung anong meron samin ni Chester..well ako naman talaga ang nauna sumawsaw ka lang..kung hindi ka papansin sa klase nyo edi sana matagal ng kami,alam mo Vien bata palang mang-aagaw kana ng atensyon,si Papa,si Tita Lira,Cassy,lahat-lahat!Vien!"

"Kase naiintindihan nila ang nararamdaman ko Astrid.." Sabay landas ng luha ko,kaya ba ganyan sya sakin?kase dahil sa atensyon..

"Anong nararamdaman Vien!?e ang saya-saya nga ng buhay mo diba?kaya ka nakakatawa ng ganyan,nakakangiti ng ganyan kase masarap ang buhay mo dahil maraming anjan para sayo!nung iniwan moko parang pinatay mo lang din ako...sobrang sakit ng nararamdaman ko Vien kase..kase yung ate ko iniwan ako dahil sa lalaki.." Sabay punas sa mga luha nya,akmang lalapitan kona sya para yakapin ngunit umatras sya.

Kahit anong galit koparin talaga sakanya andito parin yung care ko sa kapatid ko,at yun ang kinaiinisan ko dahil ang bilis kong magpatawad,konti galaw lang okay na,pero pag-ikaw ang nagka-kasalanan ilang araw kapa bago patawarin.

"Sana ikaw nalang ako Astrid!nang malaman mo kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko noon at ngayon.." Nanghihina kong saad.

"Masaya kana ba?nagawa muna yung mission mo..nasaktan muna ako..kulang paba?meron paba Astrid!." Namamaos kong sigaw.

"B-bakit nyoko niloko?" Sunod kong tanong,agad naman syang napatawa at tumingin sakin ng deretsyo.

"Gusto kong maranasan mo kung pano masaktan Vien." Madiin nyang sambit.

"Matagal na akong nasasaktan Astrid!sinasarili ko lang kase ayaw kong maging malungkot ka para sakin,ayokong kaawaan moko at ayaw kong sa akin lang ang atensyon mo Astrid!pa'no ang kasiyahan mo kung sakin ka lang nakatingin diba?" Sabay tingin ko sakanya, ngunit umiwas lang sya ng tingin.

"Bakit si Chester?,"sinusubukan kong hulihin ang mga mata nya ngunit pinipilit nya itong iiwas sakin,"sa lahat ng iba Astrid!Bakit sya?!bakit yung nanjan palagi sakin ang kinuha mo!" Sa sobrang panghihina ay tuluyan na akong napaluhod sa harap nya,at umiyak ng umiyak.

"Kung alam mo lang Astrid lahat ng pinagdaanan ko,kung alam mo lang..." Bulong ko.

"Kahit minsan ba Astrid inisip morin ba ang kalagayan ko?kahit minsan ba tinanong mo sakin kung okay lang ako?kahit minsan lang sana isipin mo naman yung mararamdaman ko pag nakita ko toh,ngayon pa talaga?"Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon,sobrang sakit..yung dibidb kong paulit-ulit na tinutusok,yung ulong sobrang bigat ng dinadala,yung buong pagkatao ko parang unti-unting nilulunod sa mga nangyayari ngayon.

"A-ate.." Paos na sambit ni Astrid,ngumiti ako ng mapait pero huli na toh.

"Kung alam ko lang na gagawin mo sakin toh,sana hindi nalang ako nagpakapagod,magkapatid tayo Astrid e dapat magtulungan tayo pero tangina..Gumawa ako ng isang pagkakamali..pagkakamaling isinugal ko lahat..," agad akong tumayo at mabilis na hinila ang buhok nya palabas ng kwarto,nang makita ito ni Chester ay pilit nyang tinatanggal ang pagkahawak ko dito,ngunit hindi ko ito pinansin,yung sigaw ni Astrid ay parang blanko narin sakin..marahil manhid na ako,hindi ito yung Vien e,pero inubos nila ako..

Nang maitulak kona si Astrid sa labas ng condo ay agad kong hinarap si Chester.

"I never want to see you again,simula ngayon tapos na tayo,at kakalimutan kona ding may kapatid ako..nakakadiri kayo." Huling sambit ko bago padabog isara ang pinto,agad akong napatakip ng bibig at dahang-dahang umupo sa malamig na sahig.

Matapos kong umiyak ng umiyak ay nanghihina akong tumayo patungong kusina,yung katawan ko parang onti nalang bibitaw na hindi ko 'to nararamdaman dati pero ngayon parang mas pinahihirapan ako,nang makarating ako sa kusina ay agad kong dinampot ang kutsilyo..mas mabuting tapusin ko nalang,kesa mahirapan pa sa mundong ito.

Nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok ay dali-dali akong pumasok sa kwarto at ni-lock ito,napasandal ako sa pinto at dahang-dahang umupo sa sahig habang hawak parin ang patalim.

"Reena.." Agad akong napayuko ng marinig ang boses ni Triton,gusto ko mang lumabas at yumakap sakanya ay hindi ko magawa dahil hindi na kaya ng mga paa ko,pagod na ang buong katawan ko,ang puso ko,ang utak ko.

"T-triton..hindi ako naging masamang anak,hindi..hindi ako naging masamang tao,pero bakit pinaparusahan nya ako ng ganito?ba..bakit ako?!" Pag-sisisi ko sa panginoon.

"Reena..buksan mo 'tong pinto pag-uusapan natin yan okay?pleaseee.." Mahinahon nyang sambit,sunod-sunod akong umiling kahit hindi nya ako nakikita.

"Napapagod na ako tonton.." Bulong ko,sapat na para marinig nya.

"Please wag kang mapagod mamahalin pa kita.." Agad naman akong napangiti dahil hindi parin talaga nawawala ang pagmamahal nya sakin.

"I'm already tired of thinkin' at all,madami pang katulad ko masyado na akong madaming ginawa sa mundo..kailangan ko ng magpahinga.." Nanghihina kong sambit,habang ang mga luha ay dahan-dahan na namang lumalandas.

"Si..tita lira tonton,pasabi sakanya magpalakas sya okay?mahal na mahal ko sya,kayong lahat..," maya-maya pa'y nakarinig na ako ng kalabog sa pinto,alam kong si triton yun na pilit na sinisira ang pinto,"salamat sa mga masasayang araw na nakasama ko kayo..si Mimina,tonton please pasabi sakanya mami-miss ko sya..at ikaw tonton mahal na mahal na mahal kita.."

"Czereena Vien!open the door!please..I'm begging.." Ramdam ko ang panginginig sa boses nya pero hindi kona ito pinansin at tinitigan ang hawak kong patalim kasabay nun ang dahang-dahang paghiwa sa pulsuhan ko..ni tulis ng patalim ay hindi ko narin maramdaman kaya napangiti ako kasabay nun ang unti-unting pag pikit ng mga mata ko.

The person who's important to me,and the person who makes me happy and strong,Betrayed me..

TRITON POV:

"Tito Charlie,may anak po kayo?"Confuse kong tanong sa driver namin,mabait si Tito Charlie kaya sa tuwing uwian naming tatlo lagi nya kaming pinapakain ng ice cream,we call our drivers tito while the maid is tita,turo kase samin yun nina Mommy at Tita Cristine ang mommy ni Neil at Nicole.

"Oo hijo,dalawa silang babae ang panganay si Czereena,ang bunso ay si Heirra." Sagot ni Tito Charlie habang nakangiti,kaya ngumiti din ako kase gusto ko ang ngiti nya.

"I want to see Czereena!" Masayang sambit ko sa dimalaman na dahilan,agad namang tumawa si Tito Charlie at ginulo ang buhok ko.

Ang ganda kase ng pangalan nya kaya ayun,i want to see her.

"Tito Charlie,eto po yung bahay nyo?" Tanong ko,agad namang tumango si Tito Charlie na may ngiti sa labi.

Kaya dali-dali akong bumaba at tiningnan ang kabuoan nito,agad naman akong namangha sa dahil sa simple,magandang kulay,at parang buhay na buhay.

"Sorry tonton hindi ganun ka ganda at kalaki ang bahay namin.." Agad naman akong napanguso dahil sa sinabi nya, kaya pinaningkitan ko sya ng mata.

"Hindi naman po mahalaga ang magandang bahay o malaki,ang mahalaga may natitirahan ka.When I grow up,I will also build a house like this." I smiled widely.

"Manang-mana ka talaga sa Mommy at Daddy mo,parehong mabait."

When we entered their house,I immediately noticed the girl eating chocolate..Siguro naramdaman nya ang presensya namin kaya napatingin sya sa gawi namin,at dun ko nakita ang ngiting nagpatigil ng mundo ko.











That Night(That Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon