CHAPTER 21

854 33 1
                                    

Chapter 21: Leehinton Festival



I DON'T know what to feel today, masaya ako dahil sa celebration ng Leehinton Festival but at the same time I'm sad dahil sa nangyari sa 'min ni Liam, halo-halo ang nararamdaman ko kaya para akong lumulutang sa ere ngayon.

We planned for what we gonna do when this day comes. Marami kaming plano supposedly. Magpapa-late kami ngayong umaga at pupuntang mall, babalik sa Leehinton at ita-try lahat ng mga pagkaing paninda ng kapwa namin estudyante, magpapakulong sa jail booth, ita-try ang marriage booth and many more. Just by thinking about it makes me feel sad even more dahil alam kong hindi matutupad lahat ng 'yon.

Mapait ako napangiti dahil ang araw na kinae-excite-an ko ay hindi na mangyayari ang mga dapat na mangyari.

Our school is lively right now. Kaliwa't kanan ang mga magjowang naghahawak kamay. Napasimangot na lang ako dahil parang nang-iingit pa ang kalikasan. Pati yata ibong lumipad ay by partner. Mas lalo lamang nangasim ang mukha ko dahil sa tanawing iyon.

Bumungad na ang mga bandiritas sa may kulay mint green at itim na naglalaman ng salitang, 'Happy 23rd Leehinton Festival' na nagpangiti sa 'kin pero ang ngiting iyon ay bigla na lang nawala sa mukha ko nang maaninaw si Liam hindi kalayuan.

If I was not mistaken, he was staring on me. Bigla itong naglakad papunta sa direksyon ko kaya dali-dali akong umalis sa kinatatayuan at lumihis ng direksyon para hindi ako nito maabutan.

Wala akong lingong naglakad papalayo kaya hindi ko nakitang tumakbo pala si Liam papunta sa 'kin. Naramdaman ko na lang ang mainit nitong kamay na humawak sa braso ko na naging dahilan nang pagtigil ko.

"Ash. . ."

Sa tawag palang niyang iyon ay gusto ko nang umiyak. The tone of his voice was so sad na naging dahilan para mangiligid ang luha ko. I hate this! I really hate this!

Mariin akong napapikit saka muling dinilat ang mga mata. Nanatiling nakatalikod ako kay Liam at wala akong balak na lingunin siya.

"Ash kausapin mo naman ako, oh, please? Ash."

Napapikit ako nang hawakan nito ang braso ko. Nagdulot iyon ng bolta-botaheng kuryente na kahit kailanman ay hindi kayang tapatan ng sino man. Halos manginig ang tuhod ko at pilit ko na lang nilalabanan ang panghihina ng tuhod ko.

Pilit kong kinakalma ang sarili, isang tabig na lang talaga ay susuko na ako sa pagmamatigas kay Liam.

"Ash naman, kausapin mo ako."

"Ash! Buti na lang nakita kita, tara pinapatawag tayo ni coach," biglang tawag sa 'kin ng kasama ko sa ballet. Kumaway siya sa akin at pinaypay ang kamay papunta sa kaniya.

Parang nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. I should thank Lita for that I was able to escaped Liam's presence.

I glaced at Liam na sana ay hindi ko na lang ginawa. Namumula ang mata nito at parang nagmamakaawa ang mga titig sa akin. Ang desisyon kong takasan siya sa mga nangungulong na tingin ay bigla natibag. Magsasalita na sana ako pero tinawag ulit ako ni Lita.

"Tara na, Ash," masayang aniya na hindi ko napansing tumakbo pala siya sa direksyon ko. Hinila niya ako ng tuluyan kaya hindi ako nakapagsalita man lang sa harap ni Liam.

Tangay ang kamay ko ay nanatiling nakatuon ang mga paningin ko kay Liam. Naputol lang iyon nang magkwento si Lita kung gaano siya ka excited para mamaya. Hindi ko na rin magawang lumingon pa kay Liam pero sinakop niya naman ang isipin ko.

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni coach buong oras. Nakaupo lang ako sa isang sulok tangay ng maraming isipin. Naputol lang iyon ng may maramdaman akong natapon sa akin.

Falling to the Campus Playboy (Leehinton Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon