"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo, anak?" muling tanong ng Senora sa kaniyang anak. Nasa loob ng silid ni Celestine ang Senora Calesa upang tulungan itong mag-impake nang kaniyang mga kagamitan. "Ina, ika-sampung tanong mo na iyan sa akin.." natatawang sambit ng dalaga. Halos dalawang araw na siyang tinatanong ng kaniyang ina tungkol dito. Naisin man niya na manatili sa puder ng mga magulang ngunit kinakailangan niyang matutong tumayo sa sariling mga paa at matutong mamuhay mag-isa."Pasensya na sa aking inaasal, anak. Labis lamang akong nalulungkot sapagkat dalawang araw nalang ay magtutungo ka na nang Maynila. Tiyak na mangungulila ako sa iyong mga lambing at yakap." paliwanag ng Senora. Agad tumulo ang luha nang Senora na agad naman nitong pinunasan ngunit hindi ito nakatakas sa paningin ng kaniyang anak. "Tiyak na mangungulila rin ako sa iyong masasarap na luto at alaga. Kahit pa makatikim ako nang ibang kare-kare sa Maynila, ang luto mo pa rin ang aking babalik-balikan."
Napangiti ang Senora sa sinabi ni Celestine. "Aba, dapat lang!" natatawang saad ng Senora at tsaka ipinagpatuloy ng mag-ina ang pag-aayos sa bagahe nang dalaga.
Kinabukasan, nagtungo sa bayan ang tatlong magkakaibigan upang mamasyal. Ito na ang huling pasyal nila sa bayan sapagkat sila'y ba-byahe na pa-Maynila bukas. Kumain sila sa kanilang paboritong kainan; ang Ihawan ni Mang Berting.
Nang maihain na sakanila ang kani-kaniyang order ay nagsimula na silang kumain at magkwentuhan. Kanilang binalikan ang kanilang mga masasayang alaala sa bayan ng San Francisco na kanilang hindi malilimutan. Ikwinento rin ni Carla ang kaniyang naging karanasan sa kaniyang unang pag-ibig.
"Ako'y kinikilig parin sa paghawak ni Elio sa aking kamay! Napakalambot ng sakaniya habang akin naman ay magaspang ngunit..." humagikhik muna ang dalaga bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Ang sabi niya ay gusto niya parin iting hawakan buong magdamag.." tumili si Riessha sapagkat maging ito'y kinilig din sa kwento nang kaniyang kaibigan habang si Celestine naman ay nakakunot ang noo.
"Anong nakakakilig roon? Hinawakan niya lang naman ang iyong kamay.." nagtatakang tanong nito. Sinubuan naman siya ni Riessha nang kanin na naging dahilan upang tumahimik ito at nguyain ang sinubong pagkain ng kaibigan. "Palibhasa kasi ay hindi mo pa nararanasang umibig kaya ka ganiyan!" pabirong wika ni Riessha. Tumawa naman si Carla at tsaka nagkwentong muli.
Napailing si Celestine sa sinabi ni Riessha. Ni isang beses ay hindi pa nga nito naranasan na umibig sapagkat hindi niya naman ito pinagtutuunang pansin dahil siya'y bata pa. Ngunit, sa tuwing nagkwekwento ang dalawa niyang kaibigan tungkol sa mga karanasan nito ay napapaisip siya kung ano ang pakiramdam ng magmahal.
"P-Paano niyo nalaman na kayo ay u-umiibig na pala?" tanong ng dalaga. Napalingon naman sakaniya si Carla at Riessha tsaka ngumiti nang mapanukso. "Hmm, bakit? Ikaw ba ay may napupusuan na Celestine?" tanong ni Riessha sabay tusok sa tagiliran ni Celestine. "Mukhang nagdadalaga na ang ating kaibigan, Riessha." natatawang wika ni Carla at tsaka nakipag-apir kay Riessha. Muling napailing si Celestine. Dapat talaga ay hindi na niya ito tinanong ang mga ito sapagkat aasarin lang siya.
"Hay nako, ewan ko sainyo." napabuntong hininga siya at tsaka pinagpatuloy ang pagkain. "Kapag ang iyong puso ay bumibilis ang tibok sa tuwing nakikita siya, isa iyong senyales na naiibigan mo siya!" wika ni Riessha sabay tingin kay Celestine at kinindatan ito. Inirapan niya naman ang kaibigan at tinawanan lang siya nito.
"At kapag hindi siya maalis sa isipan mo, ay nako, delikado ka na!" wika ni Carla sabay tawa. Muling umirap si Celestine sa kawalan. Wala talaga siyang makukuhang matitinong sagot sakanila kung hindi puro kabaliwan!
Pagkatapos mamasyal ay nagtungo naman sila sa may tabing dagat. Doon ay inilatag nila ang kanilang dalang sapin at inilabas ang dalang gitara't mga pagkain.
YOU ARE READING
The Art of Love
RomanceIsang masayahin at palangiting babae. Iyan ang isa sa mga katangian ni Celestine. Siya ay mayroong mataas na ambisyon para sa kaniyang sarili at sa minamahal na pamilya. Ngunit sa isang iglap, naglaho lahat ang kaniyang mga pangarap dahil sa isang k...