Chapter 1

31 3 5
                                    

Crossing His Borderline
Chapter 1 | Deathachment

AFTER ten years she just got back to her mom's hometown. The smell of pandan plants penetrated her nostrils, and went down her throat. She feels like she's eating the pandan plants by the smell of it.

Her mother's last wishes forced her to go back to this place. La Carlota is the last place she wanted to stay in. Pinakawalan niya ang isang malalim na paghinga, not minding how loud it sounded.

Bumukas ang pinto, "Iha, mabuti naman at nagising ka na." Bati sa kaniya ni Manang Linda, ang mayordoma ng mansyon na pagmamay-ari ng ninuno ng kaniyang ina.

Hindi niya na iwasan na ngumiti. "Manang, kumusta ka na?" Buong lakas na bati niya sa butihing mayordoma. "Mas lalo ka yatang bumata?" Dagdag pa na wika niya rito.

Lumawak ang ngiti nito bago lumapit sa kaniya. "Ikaw talagang bata ka, napaka-bolera pa rin." Sabi nito sa kaniya, na kaniya namang ikina-ngisi.

"Totoo nga, Manang." Pangungumbinsi niya rito.

Marahan siya nitong kinurot sa tagiliran nang makalapit ito sa direksyon niya. "Naku! Binobola mo na naman ako." Ani nito sa kaniya. "Bumangon ka na riyan at nakahanda na ang pagkain sa hapag." Dagdag pa na sabi nito at inalalayan siyang pumanaog sa kaniyang kama.

Marami silang napag-usapan habang pababa sila ng hagdan at patungo sa kusina. Nang nakaupo siya sa silya ay nilagyan siya ng matanda ng plato sa kaharap niyang hapag. Nilagyan din nito ng pagkain ang kaniyang plato at tinimplahan pa siya niyo ng paborito niyang tsaa, ang lemon tea.

"Maupo ka, Manang at sabayan mo akong kumain." Pagyaya niya sa matandang kaharap. Tinaasan siya nito ng kilay.

"Tapos na kaming kumain, Iha." Wika nito sa kaniya. Kapagkuwan ay kumunot ang noo nito at biglang lumiwanag ang mukha. "Maiiwan muna kita rito, may kinakailangan pala akong sabihin kay Paeng." Sabi pa nito sa kaniya at dali-dali nitong tinungo ang pinto ng kusina. Ipinagpatuloy naman niya ang pagkain.

Pinag-iisipan niya kung alin sa huling kahilingan ng pumanaw niyang ina ang uunahin niyang gawin. The first time she heard those wishes, she thought those things were absurd, but then some odd events kept on occurring, and now she's curious as to what kind of world her mother had when she was alive.

A lady of her age appeared right in front of the kitchen's door. Their gaze met, the lady first dropped her gaze at the floor.

"My name is my Mayz, apo ako ni Manang Linda." Pagpapakilala nito sa kaniya. She just stared blankly at her.

Tinanguan niya ito bilang sagot. "I'm Berlin." She just simply replied back at her.

"I just came here to tell you that all the documents are ready for you to sign. It is on the table inside of the study room. Kindly review it before signing. If you find something off or if you want to change something , just let me know and I'll edit it." Mahabang lintaya nito sa kaniya.

"Sure." Sagot niya rito kay Mayz. "Anyway, have you eaten your breakfast already?" She asked her.

Mayz slowly nodded, "I ate my breakfast with Manang Linda." Pormal na sagot nito sa kaniya.

"Okay then." She murmured and continued eating. Mayz left her in the kitchen.

She was putting on the lid of the orange juice she emptied when Manang Linda came in.

"Tapos ka na bang kumain, Iha?" Tanong ng matandang mayordoma ng mansyon sa kaniya. Tango ang naging sagot niya rito.

"Nagkita na ba kayo ni Mayz, Iha?" Muling tanong nito sa kaniya, tango ulit ang naging sagot niya rito. "Kung may kailangan kang malaman tungkol sa hacienda, sa loob ng kabahayan, at sa lugar na ito ay maaari mong lapitan si Mayz, Iha." Dagdag pa na bilin ng matanda sa kaniya.

Crossing His Borderline (Werewolf Collaboration Under PaperInk Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon