1.LXXVII: About You

674 30 8
                                    

Hindi agad nasagot ni Mr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi agad nasagot ni Mr. Smith ang tanong ko dahil saktong bumaba na ng hagdan ang mga kaklase ko. Paglabas namin ng bahay ay sinara ni Gunner nang mabuti ang pinto. Gano'n din ang ginawa niya matapos naming lumabas ng gate. May spare key naman daw ang mama niya.

Paglabas namin ng masukal na pathway ay nakasakay din kami ng karwahe matapos ang ilang minutong paghihintay. Kulay kahel na ang langit at palubog na ang araw. Sabi ni Mr. Smith, kailangan daw naming makarating sa railway station bago tuluyang dumilim.

"Manong, bakit po dito tayo dadaan? Malayo po ito mula sa railway station," sambit bigla ni Gunner nang mag-iba ng direksyon ang karwahe.

"Pasensya na. May inaayos kasi ro'n sa kabilang daan. Ito lang po ang puwedeng daan papuntang railway station. Pasensya na po talaga," sagot ng kutsero.

"Bababa na nga lang sa puwesto si Duke Harald, nag-iwan pa ng problema," komento ni Ryker.

"Mukhang maraming aayusing problema ang mama mo, Gunner," ani Klein.

Bumuntonghininga si Gunner, "Mukhang gano'n na nga."

"Mr. Smith, ayos lang ba 'to? Baka gabi na tayo makarating sa railway station," usisa ni Xavier.

"Wala naman akong magagawa. Nandito na tayo. Masyado nang malayo kung babalik pa tayo," sagot ni Mr. Smith.

Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa tuluyan nang lumubog ang araw pero nasa daan pa rin kami.

Napansin kong parang antok na ang mga kasama ko. Dumungaw naman ako sa bintana ng karwahe at napansin kong wala nang makikitang kabahayan sa dinadaanan namin. Kalsada pa rin naman ngunit mapuno na ang tabing-kalsada at mukhang kami na lang ang nasa labas.

Mayamaya lang ay naramdaman namin na parang yumayanig ang karwahe. Nakakapagtaka dahil hindi naman malubak ang daan.

"Manong, anong nangyayari?" tanong namin. Mukhang nagising ang diwa ng mga kasama ko dahil dito.

Ilang sandali pa ay inihinto ng kutsero ang karwahe. Napansin naming bumaba ang kutserong goblin at tiningnan ang mga gulong ng karwahe.

"Nako, mga bata. Nasira pala 'yong isa kong gulong," balita sa'min ni manong mula sa bintana.

Bumaba naman si Mr. Smith para makitingin.

"Naku, mukhang hindi nga kakayanin ng malayuang biyahe ito," sambit ni Mr. Smith habang nakatingin sa gulong.

"Wala po ba kayong extra-ng gulong?" tanong ni Gunner.

"Wala, eh," sagot naman ni Manong.

Napabuntonghininga na lang kami. Pagkatapos ay nagsibabaan na rin kami sa karwahe. Tiningnan namin ang nasirang gulong. Mukhang nasira 'yong pinagkakabitan ng gulong at no'ng mismong karwahe.

Mukhang na-stranded kami sa isang daan na walang kahit sinong makikita, ni wala ring kabahayan na makikita kahit saan.

"Paano na 'to? Kailangan nating makarating sa railway station," pag-aalala ni Ryker.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon