Chapter 27

670 35 0
                                    

Cameron Pov

Kung nagtataka sya kung bakit ako tumakbo? Well mas mahal ko pa buhay ko, bwisit kasi si Ella ehh pero hindi ako thankful doon dahil alam kong nagsusumbong si Liam kay Arian na ginagawa nya na ngayon kaya naman mas binilisan ko pa ang pag takbo

"DUMUGIN!!" Malakas na sabi ni Liam, ano ba naman yan!

Carmella Pov

Nung umalis sila ay naghintay pa ako ng ilang minuto at nandito na din si Sir Alex pero hindi pa din sila nadating, bakas sa mukha ni Sir and pagkainip kaya naman ay nagpaalam na muna ito na umalis, siguro hahanapin niya sila kaya naman ako tamang kain lang kasi alam ko namang pagdating nila ay hihingi sila hehehe aminado naman akong madamot akong tao para bigyan sila, ano sila gold at may libreng snacks pa? Sila na din ang nagsabing mayaman daw sila pero nung sinabi naman ni Cameron na kuripot naman ay nakatanggap sya ng batok galing sa kanila kahit alam naman nating totoo naman.

After kong kumain ay ang saktong pagbukas ng pinto at pumasok naman ang mga loko, Si Cameron naman ay halatang pagod na pagod kakatakbo habang si Liam naman ay nakangiteng papunta sa akin. Ano kaya nangyari?

"Diba mas cute ako? Wag ka na mahiya umamin" Nakangiteng tanong naman ni Liam, ang weird talaga nila

"Ummm oo cute ka" Sagit ko na nagpalapad ng kanyang ngite

"Pero wag mong pangarapin na gwapo ka ahh" Dagdag na sabi ko gamit ang mapangasar kong tono

"Pero atleast cute pa din ako" Sabi ni Liam kaya naman napamaang nalang ako, ang hangin talaga netong bata na toh, sarap pektusan eh. Wala pang nalilikhang ingay ng pumasok si Sir Alex sa pinto na mukhang pagod na pagof

"Section C saan nanaman ba kayo galing??" Tanong ni Sir Alex

"Ahh Sir hinatid po namin sila Ace at Lucas palabas ng school, may emergency daw po kasing nangyari" Nakangiteng saad naman ni Cayden, Aish buti nalang talaga at may irarason sila kasi kanina nung lumabas sila para habulin si Cameron ay lumabas din sila Lucas at Ace pero nagpaalam  naman sila na bored na daw sila, I mean si Lucas lang nagpaalam naiinip na daw kasi si Ace kaya aalis na daw sila

"Okay nandito lang naman ako para sabihing may meeting sa gymnasium" Saad naman ni Sir Alex bago may iabot kay Cayden na papel o kung ano man yon, ang mahalaga ay bumenta ang rason nila kay Sir.

"Eto oh, paki bigay nalang kay Ace pagdating sa darating na event" Saad ni Sir bago nya kunin yung gamit nya bago sya umalis kaya nung makaalis sya sa room ay nagdiwang naman abg lahat maliban kay Ethan na tahimik lang sa kanyang pwesto at kay Cameron na natutulog ng mahimbing, pinagod ba naman ata nila

"Bakit laging si Cayden yung parang boss nya pag wala yung dalawa??" Natanong ko kay Liam pero Putangina wrong move kasi may gulat sa expression nya na nakatingin sa akin ng biglang......

"SiCarmellaMayCrushKayCayden!!" Mabilis na sigaw ni Liam na kahit sino ay hindi sya maintindihan pero alam kong mali sinabi nya, tarantado sya eh, agad ko namang tinakpan ang kanyang bibig at pinandilatan ng mata pero walang epekto eh

"Ano yon?" Tanong ni Jake

"Si Cayden daw ehh" Sagot naman ni Kris

"Oi ano nanaman yung issue??" Tanong ulit ni Josh

"Wala hehehe pinaguusapan kasi namin yung type ko" Nakangite kong sagot

"eh ano naman?" Tanong naman ni David

"Hehehe yung masipag then hindi nagrereklamo, malinis din sa paligid---- Anong ginagawa nyo??" Tanong ko habang tinitingnan silang lahat ng may pagtataka

"Syempre maglilinis" Sagot naman ni Liam na parang nag eenjoy pa sa ginagawa kaya naman napa face palm nalang ako lalo na ng makita ko yung mukha ni Cayden na namumula habang binabasa yung ibinigay ni Sir kanina.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na silang mag linis kaya naman napag pasiyahan namin na pumunta na sa Gymnasium at sakto naman daw ang pag punta namin kaya naman pumunta na ang Section namin sa pwesto namin kung saan naka assign pero nagpaunahan sila sa pagpunta doon habang ako ay chill mode lang habang dinadama ang hangin, syempre iniiwasan ko din ang Section A since ayaw ng KUYA ko sa gulo o away pero alam naman nating kahat na hindi iyon maiiwasan pag maldita yung kakaban, kagaya ngayon nakatingin sa akin ng masama si Lilith habang nakataas ang kilay habang yung kasama nya naman ay takot sa aura ni Lilith ngayon.

"Well look who is here naa" May galak na halatang plastic na sabi ni Lilith habang ako ay tahimik lang

"How was your week? Nag enjoy ka ba sa hospital?" Nangaasar na tanong ni Lilith, Aish tangina nya

"Syempre naman, ang saya doon" Sagot ko na may ngite

"Hindi ko kasi kita mukha mo doon, kaso no offense ahh pero parang sumama na yung kulay ng ulap, paano ba naman kasi sinasabayan mo sa pakapalan ng make up dyan sa mukha mo ang ulap. Hahaha may competition bang nagaganap sa inyong dalawa?" Dagdag ko pero bakas sa boses ko ang mapang asar na tono kaya naman bago pa man sya maka react ay naglakad na ako paalis at sinundan ang Section C na mukhang ako nalang yung hinihintay

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon