"Hey" bati niya.
Bumungad sakin ang kanyang mamahaling pabango.
He's just wearing a simple short and sweater, mukha pa rin siyang modelo kahit simple lang kanyang suot.
Pinapasok ko siya at pinaupo sa sofa. Nilapag naman niya ang dala niyang paper bag sa coffee table.
I told him to wait for me and he immediately nodded. Kumuha ako ng kutsara at tinidor dahil alam kong hindi lang sundae ang dala niya.
"Ganitong oras ka talaga nag crave?" I chuckled.
"Yeah" maikli niyang saad.
Tahimik lang siya habang nilalabas ang mga pagkain sa paper bag. Nahihiya pa siguro siya sakin.
Na punta ang buong attention ko sa kanyang kamay na maugat at halatang malambot rin. Mas makinis pa ata yung kamay niya kesa sa legs ko.
"Not mind asking if your parents are here?" He finally ruin the silence between us.
"Tulog na ata sila" sabi ko.
"Hindi ba sila magagalit?" He asked.
"Hindi naman siguro, at saka bakit naman sila mamagalit?" Taas kilay kong tanong.
"Maybe because gabi na at lalaki ako?"
Napatingin kami sa pinto ng bigla itong nag bukas, at bumungad si azriel na parang naka kita ng multo.
"Sino ka?! anong ginagawa mo dito?!" Sigaw niya kay shin.
"Manahimik ka nga, gabi na oh" saway ko sakanya at tinuro ang wall clock.
"Ikaw ate, kung kelan gabi tsaka ka nagawa ng krimen... Isusumbong kita kila mama" pag babanta niya sakin.
"Edi isumbong mo, samahan pa kita" irap ko sakanya.
"Uh, hi do you want?" Alok ni shin sa kapatid ko.
"No, busog ako" pag susungit nito.
"Umakyat ka na nga!" Sigaw ko sakanya, dahil pa kasing kuda panira naman ng moment eh.
"Bakit anong gagawin niyo pag umalis ako ha?" Pinag krus pa niya ang kanyang kamay.
"Tanga, malamang kakain" irap ko.
"Susumbong talaga kita kay mama" pananakot niya.
"Tara nga at sasamahan nga kita" akala niya siguro matatakot ako. Eh ano naman kung malaman ni mama na may pumuntang lalaki dito, gwapo naman tong si shin.
"Tumatapang ka na ate" iling niya.
Pabalik balik lang ang tingin samin ni shin at halatang naririndi na rin siya sa ingay ni azriel.
"Umakyat ka na, wag mong intayin dumilim ang paningin ko sayo" sinamaan ko ng tingin si azriel.
"Nakakatak-"
Akmang susuntukin ko na si azriel agad naman siyang tumakbo pataas. Tarantado talaga tong lalaking to palagi nalang pina pakealaman ang buhay ko.
"Sorry" umupo ulit ako sa harap ni shin.
"Wow, grabe yung love language niyo mag kapatid" he laughed.
YOU ARE READING
Frame Of Mind (Sapience Series #2)
RomanceSapience Series #2 even her own mind she cannot understand, I can be the frame of her mind no matter how difficult it is to understand. "even if you are confused, I will continue to understand you, even if you can't read your own thoughts, I will c...