Mariella's POV
"Ma! dito na po ako!" Sigaw ko pagkauwi ko ng bahay.
Habang pauwi kaming tatlo kanina nina Joshua at June ay may nakita kaming sasakyan sa may 7/11, sabi ni June ay mamahalin daw ito. Lamborghini daw yun na kotse, ngayon lang ako nakakita ng ganun sa personal grabe ang ganda ganda. Sino kaya may ari nito?
"Oh anak nandito ka na pala" Sabi ni Mama galing sa kusina.
"Kamusta araw mo sa school? Napagod ka ba? Kamusta yung prof niyo na kalbo? pinag iinitan pa rin ba kayo nun?" Sunod sunod na tanong niya.
"Hindi Ma, hindi naman namin masyado pinapansin yun" nakangiti kong sabi kay Mama.
Napansin ko na maraming labahan nanaman ang meron sa sala.
"Ma, magpapagod ka nanaman. Andami ng mga labahan na yan ah" sabi ko at itinuro sa kanya ang mga yun.
Halos gawin na ni Mama ang lahat para lang sa pag aaral ko. Araw gabi ay naglalaba ito para lang sa mga gastusin namin dito sa bahay at para na din sa mga gagastusin ko sa pag aaral. Labandera si Mama kaya hindi na kami tinuring kapamilya ng mga kamag anak niya. Mayayaman eh, ayaw daw nila sa labandera lang. Samantalang si Mama ang nag paaral sa kanila dahil si Mama ang panganay. Maagang namatay sila Lolo at Lola. Mga walang utang na loob.
"Kaya ko pa maman anak staka kailangan na nating makabayad ng inuupahan" Sabi niya. Oo nga pala, ilang buwan na rin kase kaming hindi nakapag bayad ng upa. Galit na din ang may ari ng bahay.
"Maghahanap ako ng paraan Ma" sabi ko at niyakap ito.
Kumain kami ni Mama ng hapunan at pagkatapos nun ay tinulungan ko maglaba si Mama. Wala naman kaming assignment ngayon kaya ayos lang. Kailangan naming matapos tuh ngayong gabi ng hindi magpupuyat dahil bawal yun kay Mama.
Kaumagahan ay nagising ako dahil may biglang tumunog ng malakas sa sala. Agad akong bumaba para sana silipin yun pero nakita ko si Mama na naka handusay sa sahig. Agad ko namang itong dinaluhan. Ramdam ko ang mga butil ng luha sa pisngi ko.
Lord si Mama nalang ang meron ako, parang awa mo na po.
"Ma, umayos ka. Gumising ka" Sabi ko kay Mama pero wala pa rin.
"Tulong po! Tulong!" Sigaw ko.
Ilang segundo lang ay may mga kapitbahay namin ang pumasok sa bahay at gulat na gulat sa nasaksihan nila. Tinulungan nila akong dalhin si Mama sa labas at sa tricycle para dalhin sa hospital.
"Maraming salamat po Mang Jose, kung hindi po kayo dumating ay baka po kung ano na ang nangyari kay Mama" umiiyak kong sabi sa kanya.
"Naku ining, yan na ang tulong kapalit sa mga kabutihan niyong mag Ina" sagot naman niya sa akin. Na lalong kinaiyak ko.
Nagpaalam na si Mang Jose na uuwi na kaya naiwan akong mag isa sa hospital. Ang sabi ng doctor ay sa subrang pagod daw kaya nahimatay si Mama. Nalaman ko din sa mga kapitbahay namin na naglaba pa pala si Mama kahit pa tulog na ako dahil madaling araw daw ay nakita nila si Mama sa harap ng bahay namin na naglalaba.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako dito. May chat sa akin ang dalawa kong kaibigan sa gc namin.
"Ate ko bakit hindi ka pumasok?" tanong ni June.
"Gaga baka kinidnap na ni Nixon" si Joshua.
"Tangina mo talaga Joshua, nasa hospital ako. Pasabi sa prof natin na hindi ako absent ako dahil may emergency sa bahay" reply ko sa kanila.
Nag react pa sila ng wow sa chat ko. Mga baliw talaga.
"Anyari?!" Reply nila.
"Mamaya ko nalang sasabihin, dadaan ba kayo dito?" reply ko.
"Oo ate ko, dadaan kami diyan" sagot ni June.
Nag heart react lang ako bago patayin ang cellphone at itago sa bulsa.
Laban lang Ma, kaya natin to.
Umalis lang ako saglit sa hospital para bumili sa labas ng makakain ni Mama paggising na siya. Dahil gipit kami ah bumili lang ako ng isang mansanas at isang orange. Para may makain man lang si Mama.
Pagbalik ko sa room sa hospital kung nasaan si Mama ay napansin Kong gising na ito. Kaya agad agad akong pumasok pero nagulat ako dahil may isang basket ng mga prutas sa side table ng higaan niya.
"Anak saan ka galing?" Nagtatakang tanong ni Mama sa akin.
"Sa labas Ma, bumili ako ng prutas para sana ay may makain ka na prutas paggising" sagot ko dito. Tumango naman siya.
"Kanino galing itong mga prutas Ma?" Nagtataka kong tanong kay Mama. Baka ay may nobyo si Mama.
"Wag mo akong pag isipan na may nobyo Ella. Hindi ko din alam pero tumikim na ako ng orange, masarap" nakangiti niyang sabi sa akin.
Nagtataka man ay hinayaan ko nalang dahil baka hulog ng langit ang mga iyon. Naisip ko na baka nagkamali ng binigyang pasyente ang nagbigay pero may napansin ako na papel sa gilid ng basket kaya kinuha ko ito at tinignan.
"This is for Tita, and for you Ella. Don't worry for the bills, I got you sunshine. Tell Tita that she should be more careful and not abusing her body to death" iyon ang nakalagay dun, walang sinabi kong kanina galing. Dahil sa pagtataka ay napunta ako sa lobby ng hospital para itanong sa mga nurse doon kung magkano ang ang babayaran namin.
"Bayad na po kayo ma'am" Yan ang sabi ng nurse kaya lalo pa akong nagulat.
Maghapon akong nagtataka kung sino ang nagbigay ng prutas at nagbayad ng hospital bills namin. Dahil wala nman kaming kakila na kayang bayaran ang hospital bills ni Mama. Wala kaming kilalang tutulong samin ng ganun.
Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang chat ni June na otw na daw sila. Kaya binigay ko ang room number ni Mama.
"Hi Ella!" Nasa di kalayuang sigaw ni Joshua kaya ngumiti ako dito.
"Kamusta si Tita? ano sabi ng doctor?" Tanong ni June.
"Andun sa loob si Mama, subrang pagod daw kaya siya hinimatay" sagot ko sa kanya.
Pumasok sila sa loob para kamustahin si Mama, si June ay umiiyak pa dahil sa nangyari.
"Wag mo na pong ulitin Mama Marie at baka kung mapano pa kayo" iyak na sabi ni June kay Mama.
Minsan ng naging katulong si Mama kina June at Joshua. Magkambal silang dalawa. Mayaman ang mga ito kaya minsan kapag short kami ay sila ang tumutulong sa amin.
Ikwenento ko sa kanila ang tungkol sa basket ng prutas at sa hospital bills. Pinakita ko din ang sulat. Nagulat naman sila dahil tinanong ko pa sila kung sila ba ang nagpadala at nagbayad pero hindi daw.
Umuwi na ang dalawa dahil gumagabi na at kailangan na talaga nilang umuwi dahil may kailangan pa daw asikasuhin sa bahay nila. Wala naman daw assignment kaya makakatulog ako ng mahimbing ngayong gabi. Nandito pa rin kami sa hospital dahil sa isang araw pa daw makakauwi si Mama.
______________________________________
04/17/24Chapter 3 ✅
Overthink malala si Lola Ella kung sino nagpadala e.