CHAPTER 21.5

105 1 0
                                    

CHAPTER 21.5

Mukhang ako lang yung nakadinig ng likha nyang tula, pero ang galing ah, nakagawa sya ng ganung tula sa ganung kaikling oras

"Ako nga pala si Jilted at ikaw?," sabi nya

"Ako, ako si Dark," sagot ko

"Dark, salamat ulet, di ko talaga alam yung gagawin ko kanina eh buti dumating ka,"

"Wala yun, basta iwasan mo nalang yung mga taong yun at wag mong ipapakita sa kanila na mahina ka dahil pagna-bully ka nila, at makita nilang kaya ka nila, uulit ulitin lang nila ulit yung ginawa nila sayo," pagkasabi ko nun may biglang pumalakpak sa likod

Lumingon ako at nakita ko si Fhane, dumating na pala sya at naka- P.E. uniform na rin sya, narinig nya siguro yung mga pinagsasabi ko kaya sya napapalakpak

"Fhane? kanina ka pa?" nabigla kong tanong

"Hinde kararating ko lang, pero tama yung sinabi mo ah, napabilib mo naman ako hehe," sabi nya

"Ay wala yun," napakamot ako ng ulo

"Sus, eh yun nga gusto ko sayo eh," sabi nya

Eek.. Eto nanaman si Fhane, nagpapapansin nanaman sa akin, pati tuloy itong si Jilted nakakahalata na

( swerte naman nitong si Dark ) ---> Jilted

"Teka nga, ba't di ka pumasok kanina," tanong ko kay Fhane para maiba ko lang yung usapan

"Ahm, kanina.." nakangiting si Fhane "tinanghali ako ng gising eh,"

"Huh, 8am naman yung pasok natin kanina eh," sabi ko

"Eeh, Basta na late na ako ng gising,"

( Nakakahiyang aminin pero napuyat talaga ako kakaisip dun sa kiss natin sa jeep kahapon ) ^///^ ---> Fhane

Waahh, kaya naman pala ehh, hindi nya talaga makalimutan yung kiss na yun, anong oras kaya nakatulog ang babaeng ito

"Wait Dark, ilagay ko lang itong mga gamit ko sa locker," sabi ni Fhane

"Ah ako rin magpapalit muna ng uniform," sagot ko pero nauna ng lumakad si Fhane dahil kausap ko pa si Jilted

"Oh pano, Jilted mauna na ako," sabi ko

"Sige ingat na lang at sayo ng girlfriend mo," sabi nya kaya napabalik nanaman ako

"Hindi ko girlfriend yun ah," sabi ko

"Ah ganun ba, liligawan mo palang ba?"

"Naku hindi, hindi sya ang gusto ko,"

"Pero gusto ka nya," bigla nyang sabi

"Huh?" tanging nasabi ko

"Ang pag-ibig parang utot na ipinadarama, hindi bibig ang nagbibigkas pero sa ibang paraan pinaparating, nasa sayo yun kung aamoyin mo ang utot nya o hindi, pero bakit ka magtitiis amuyin ang utot nya kung pwede ka namang lumayo," sabi ni Jilted na parang na-gets ko naman ang gusto nyang iparating

"haha, ang baho naman nun haha," sabi ko"bakit mo nasabing may gusto sya sa'ken,"

"Magkaklase tayo Dark, palagi ko nga kayong napapansin na magkasama eh, akala ko kayo talaga,"

"Naku akala mo lang yun,"sabi ko "pero paano ka naman makakalayo sa amoy ng utot kung nakakulong kayo sa iisang room haha," sabi ko

"Oo nga ano, mukhang kelangan ko pang magpraktis sa quotes haha,"

"Oh sya, malapit na magstart yung class, di pa ako nagpapalit ng P.E. uniform," sabi ko at humirit nanaman sya ng tula

"Maraming salamat muli, Sa iyong sandali, Sana sa iyong pagbalik, Tayo'y maging magkaybigang matalik,"

Haha, nagtula nanaman sya, another weird nanaman ang nakilala ko ngayon, pero mas weird pa sya kesa kay Jazer haha ^__^

Wednesday

12pm

Oo miyerkules ngayon, bukod dun wala ng ibang magandang nangyari kahapon, well ito na ang araw kung saan naka-set ang plano namin ni Jazer

Sabi nya handa na daw ang lahat at nakausap nya na rin ang kabilang grupo kung saan nakagrupo si Fhane

Wala si Papa Khant ngayon dahil may trabaho sya sa construction, ganun din si kuya Jay-R, araw araw naman ang trabaho nun kaya kami lang ni Mama syne ang nandito sa bahay

"Aalis ka ngayon?" tanong ni mama

"Opo," sagot ko habang nagsusuot ng sapatos

"May pamasahe ka?"

"Meron na po, binigay na sa akin ni papa nung lunes," sagot ko pero nakuha ko lang naman yun sa limos XD

"Oh sya pagkatapos mo dyan i-lock mo yung bahay, alis din ako,"

"Sa'n ka pupunta ma?"

"Dyan sa kapitbahay magbi-bingo, ano sa tingin mo," masungit na sagot nya

Oo nga pala, sa bingo lang pala umaasa si mama >__<

Kaaalis lang ni mama nung mag-text sa akin si Jazer, ang sabi kasi nya 1pm kami magkikita kita dun sa school, nagtext sya sa akin na wag akong magpapakita kay Fhane dahil baka sumabay nanaman sya sa akin pagpunta dun lalo na't kapitbahay ko sya, sinadya nya daw kasing paghiwalayin ang meeting place ng dalawang grupo bago kami pumunta dun sa SM, so hindi dapat sumama sa akin si Fhane

So hindi lang din isang grupo ang hawak ni Jazer, kundi dalawa haha, ibang klase, sino nga pala yung group leader ng grupo nila Fhane, hindi ko maalala haha

Teka, may mas mabigat pa pala akong problema, which is yung sa gagawin namin ni Charlotte, paano kaya ang mangyayari mamaya, magtatagumpay kaya kami ni Jazer para tigilan na ako ni Fhane

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon