Hope you'll enjoy reading~ :))
Keira's Pov
Ako si Keira Mendoza... at ako ay nandito sa rooftop kasama itong 'boyfriend' ko soon to be ex...
Well I love him pero.. yun gusto makipag break.
Parang wala lang sa akin no?
Pero to tell you the truth, syempre nasasaktan na ako ngayon
Grabe ako masaktan no? Di man lang nagdadrama na umiyak!
Chos! Pangdrama lang yun sa tv!
Pero back na nga sa amin... ayun kasi iniiwasan niya ako nung mga nakaraan araw kaya ngayon eto ako... pinilit ko siyang kausapin..
Para once and for linaw na diba?
Sige maya na lang ulit.. iimik na ata siya eh
**
"Kei... kailangan ko lang naman ng space.." madrama niyang sabi
Yan na naman kami sa space na yan eh!! Ang tagal na niyan ah! Halos araw araw puro space na nga lang ibinibigay ko sa kanya kaya yan! Space na lang rin natatanggap ko kahit di ko na kailangan!!
"Try mo din kaya sa outer space no!? Grabe naman Nick! E ang tagal na yang space na yan ah! Puro space~! space! ano na? San na lulugar yung LOVE diyan ha!? Please naman oh... Why can't you give me a nice reason para pumayag ako na mag-break tayo ha? Shemay ka kasi alam mo yun?" sabi ko..
pero no tears yan ha. Purong galit ang nasa labas.. pero deep inside.. Syet!! kulang na lang dumugo na yung puso ko dito eh!!
"Oh sige! Wala na akong mafeel sa iyo okay! The end! Dati oo, feel ko ang love mo peroo.. iba na ngayon.." ibang reason na naman niya.. psh.
"Eh kung sampalin kaya kita para may mafeel ka na ulit? Ha? Shyeeett! Eto ba reason na sinasabi mo!? What the EFF lang ha!! nakakatanga lang eh! Alam mo un!? Kanina space lang hinahanap ngayon wala nang maramdaman? Nakakalokang reasons naman po yan ha!!" sigaw ko na.
Eh kanina space lang yung reason ngayon wala nang ma-feel? Bilis naman ata non. Ganon lang ako kabilis baliwalain!!?
"Binabalikan ako ng ex ko... at ngayon nararamdaman ko na may feelings pa ako para sa kanya.."
"Ano to!? Gaguhan lang!!? Sheettt! Ngayon yung ex mo idadamay mo!!? Hoy Nicks! Kung gusto mo magbreak up tayo... why don't you just give me a damn valid reason!!??"
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Quotes [One-Shot]
Short StoryIsang istorya tungkol sa dalawang tao. Isang notebook. At ang matinding away nila sa pamamagitan ng paggamit ng mga quotable quotes. Matutuloy kaya ang pagbe-break up nila? O baka naman trip lang nilang maglaro ng break-up break-up-an? Ito ay isang...