Chapter 10: Determination

120 2 0
                                    

Author's Note:

Ipagpaumanhin ninyo kung hindi ako masyadong nakakapagupdate ha? medy busy kasi sa studies eh. but I hope maintindihan niyo. Pagokay na ang sched ko at may internet connection na kami, I promise, dadalasan ko na ang paguupdate! Promise yan !! oo nga pala !! Thanks sa mga bumabasa ha?? Keep on reading!! You are all my inspiration !! Thank you .. Balik na tayo sa story!!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Em-ei’s POV)

Nasa regular class na kami. Parang pagod na pagod ako ngayong araw. Nagugutom tuloy ako. (=.=)” Kanina, ang daming nangyari. Parang makita ko pa lang ang mga ituturo sa amin ng mga Sossy boys— well, Sossy Boys ang bagay na itawag sa kanila. Parang ang aarte kasi nila eh. Daig pa ang mga babae. Tsk. Anyways, ayon na nga, nalulula talaga ako sa mga pinagsasabi nila.

“Ems, wala ka bang napapansin?” tanong sa akin ni Celina. Katabi ko kasi siya sa upuan.

“Huh? Bakit?” o di ba? Tanong pa rin ang sagot ko? (^_^)\/

“Parang ang tahimik ni Jeselle ngayon. Parang hindi siya nanggugulo ngayon.” Sabi ni Celina.

 “Oo nga eh!” biglang singit ni Danica.

Sabay kaming napalingon ni  Celina dito.

“Ano ka ba Danica?!” bulong na sabi ni Celina. “Papatayin mo ba kami sa gulat?”

“Sorry naman.” Sabi ni Danica at tuluyan ng pumwesto sa likuran namin. “Kanina pa nga iyan ganyan eh. Tinatanong ko siya kung anong nangyari pero hindi naman niya sinasabi sa akin.”

“Ano kaya ang nangyari sa paghahanap niya kay Carlo?” tanong ni Celina.

“Oh, bakit napasok si Carlo dito?” tanong ko.

“Eh, hindi ba, nagkaganyan lang naman si Jeselle nung bumalik na siya galling sa paghahanap kay Carlo.” Sabi ni Celina.

“Oo nga no.” sabi naman ni Danica.

Oo nga. Ano nga kayang nangyari? Hmmm…

[Break Time…]

“Selle, what’s the problem?” tanong ni Jenelyn.

Hindi lang pala kaming tatlo ang nakapansin ng biglaang pagbabago ng ni Jeselle.

“Huh? Wala ah.” Sabi ni Jeselle.

“Wala,eh kanina ka pa buntonghininga ng buntonghininga.” Sabi naman ni Jonalyn.

Bumuntonghininga na naman ito.

“Est, ano ba talaga ang problema?” tanong naman ni Danica.

“Hinding hindi ko siya mapapatawad.” Bulong ni Jeselle.

“Ano?”  --Jonalyn

“Nakakainis siya!” –Jeselle.

“Sino?” –Jenelyn.

“Magsisisi siya!” –Jeselle.

“Sino nga?!” –Danica.

“Si Carlo.” –Jeselle.

”Si Carlo?!” –Danica, Celina, at ako.

Tinakpan naman ni Jeselle ang tainga niya. “Kailangan sumigaw?”

“Bakit? Ano bang ginawa ni Carlo? Gusto mo, Resbackan natin?” sabi ni Celina.

Bumuntong hininga lang si Jeselle. “Wag na. Nagkaroon kasi kami ng Deal.”

The Sossy Boys Meets The Basagulera GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon