ASHLEY CARRACIO
"Ashley! Gumising ka na dyan, ala una na o, pupunta na dito si Dyosa ligo na." Gising ni mama sakin. Grabe parang kakapikit ko pa lang 1pm na agad? Haaay! So dumiretso na ako sa CR para maligo, pero habang naliligo hindi ko mapigilang hindi kumanta.
Feeling ko kasi ang ganda ng boses ko sa CR e, bakit ba?!
"Bakit nga ba mahal kita kahit 'di pinapansin ang damdamin ko, 'di mo man ako mahal eto pa rin ako nagmamahal ng tapat sayo."
"Bakit nga ba mahal kita kahit na may mahal ka pang iba ba't baliw na baliw ako sayo hanggang kaylan ako magtitiis o bakit nga ba? Mahal kitaaaaaaaaa!"
"Hoy! Ashely bilisan mo nga dyan magalit pa sayo si mama e!!" Nakakagulat naman si Ate, kumakanta pa e. So binilisan ko na baka umusok lahat ng pwedeng umusok kay Mama e.
***
"Ay ganda mo talaga Ash, gagawin kitang dyosa later." At ayun nga nag transform na ako, from Maganda to Dyosa! Hah.
Nung dumating ako sa school marami ng tao at si Gabbie? Wala pa syempre mabagal yun e. Ang gown ko? Red na simple lang pero elegante!
"Carracio! Pumunta ka na sa stage at pipicturan na." Oh okay, may ganito ganito pa. Ang theme kasi namin ay Beneath the Stars. May touch naman ako ng star e, sa hair ko thanks to dyosa!
"Okay next Sanchez, Gabbie."
"Present!!" Woah ang ganda ng bestfriend ko, well nag mukha syang babae ngayon. Usually kasi boyish yan, pero ngayon ang ganda nya.
"Uy bes! Tara na dun sa may kainan. Nagugutom na ako e!" Baboy.
"Ano ba mamaya na! Para kang tanga."
The party goes on kumanta muna kami ng Lupang Hinirang tapos Hymn. At si Bes ang kumanta non kasi nga cahmpion sya, nag cotillion muna at rigudon and then key acceptance at si Anne ang tumanggap non. Awarding na, hm sino kaya ang makakatanggap ng Prom Queen ngayon?
"Okay guys, are you excited for the awarding? Oh, me too. Tingin nyo sino kaya?"
"And the Prom King goes to... Uh drum roll please, goes to Mr. Rade Sanchez!" Woah ang galing naman ni Rade! Nagpalakpakan yung mga tao at sino ang hysterical?
"Wuuuuuu pinsan ko yan!" With matching tayo tayo pa, haaay Gabbie!
"So Mr. Rade when I call the name of our Prom Queen please escort him," Ani ni Sir. "And the Prom Queen goes to.. Ms. Ashley Carrcio!"
Huh? Ashely? Carracio? Ako?
"Yaaaaaah! Bestfriend ko naman yan! Wieeee." Ang kulit talaga ni Gabbie! Hahaha, inescortan na ako ni Rade pero I feel so awkward. Hm, ewan ko kung anong feeling 'to pero si Rade hindi nya ako magawang matignan.
Kinuhanan kami ng pictures and then kami yung unang nag saway.
"Ashley, galit ka ba?"
"Huh? A-ako? H-hindi a. Bakit naman ako magagalit sayo? E concern ka lang naman sakin." Totoo naman e, concern lang sya sakin kaya okay lang sakin.
"Talaga?!" Nakita ko sa mata nya na sobrang saya nya tapos nagulat ako ng niyakap nya ako!
Lub dub lub dub lub dub lub dub..
Yung puso ko parang kakawala na! Bakit?!
"Ashley 1. 2. 3." Sabay may pumutok na fireworks! Ang gaganda nun, tapos ang dadami pa. "Ash, advance happy valentines day." Tapos may binigay sya sakin na bouquet ng flowers. Ay! Valentines na nga pala sa isang araw. Hindi ko na naalala sa sobrang pagkaka lugmok ko.
"Waaaaaaah!! Thank You Rade! Thank you talaga." Then I hugged him. Wala akong ginawa kundi mag sabi sa kanya ng Thank you, first time ko kasi makatanggap ng ganon. Hm! Ang swerte ko..
The party goes on, at jusko enjoy na enjoy kaming lahat! May dance battle pa nga e. Tapos nag sasaway kami ni Gabbie ng modern music.
"Bes! Kunyari nasa bar tayo, paano ka mag sasayaw?!"
"Gago! Hindi ako pupunta sa ganon no!"
Naka paa na nga pala kami. Si Reign? Ayun pinapalibutan ng mga boys! Nakakatuwa nga sya kasi ang cute nyang tignan! Hahaha. So cute.
Nagpahinga muna kami ni Gabbie dahil masyado nang pawis.
"Tara picture tayo sa photo booth." Sabay hila sa akin ni Rade don, grabe naman 'to makahila o!
Pagpasok namin ang first pose ay naka peace sign kaming dalawa, yung second pose naman ay naka akbay sya sakin at ako naka smile lang. Yung pang third pose naman naka wacky kaming dalawa! At ang kinagulat ko yung fourth pose, naka kiss sya sa left cheek ko at ako naman ay yung expression na gulat. Walanjo! Hindi naman ako ininform pucha!!
***
"Mukhang improving ka na bes a," Sabi sa akin ni Gabbie. "Hindi mo na hinahanap si Ethan, at base sa mga ngiti mo mukhang napupunan na ni Rade yung kulang sayo." Tapos yinakap nya ako.
"Thank you bes, thank you for understanding me."
"Gago ka wag mo kong dramahan!"
Ang saya lang kasi kahit papaano, hindi na ako ganon kabaliw kay Ethan, tulad ngayon na hindi sya umattend ng Prom. Kaya si Anne loner sya, hm. Karma knows nga naman.
Marami akong nasaway, mga teachers, friends, batch mates. Para sakin ito ang pinaka memorable kong Prom! Kasi feeling ko ako ang pinaka swerte sa lahat ng babae kasi may nagbigay sa akin ng flowers at may fireworks pa. Bongga diba!!
Mga 1am na natapos yung party tapos syempre nag photo booth muma kami ni Gabbie! Ang kulit nga e, lahat ata ng weird pose ginawa na namin. Mamimiss ko talaga 'to! Lalo na't Gagraduate na kami. At next week, start na ng practice for Graduation. Sad!
Naunang umuwi si Gabbie sakin sinundo na kasi sya ng tito nya. Ako? Hinihintay ko pa si Papa, siguro nag loko nanaman yung Van. Pag minamalas ka nga naman ano! Alangan namang mag commute ako.
"Ashley, una na ako ha. Nag enjoy akong kasayaw ka. Bye." Nagulat ako kay Dylan usually kasi mahiyain yan. Pero ngayon nag thank you pa sya.
"No problem Dylan, sabi ko naman sayo I'm your friend." He gave me a Smile then umalis na.
"O nak, tara na. Sinundo ko pa kasi ang mga Ate mo."
"Ay kala ko nagloko nanaman yung Van Pa e!"
"Grabe ka naman! Tara na nga at umaga na. Balita ko may nag bigay sayo ng Flowers with matching fireworks ha." Ang chismoso kong tatay, bow!
Ang saya lang kasi kahit papaano napunan yung kulang sa puso ko..
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...