Christopher Delosantos, kung minsan ay tawagin nila akong Chris o Opher bilang palayaw. Ako ang gitnang lalaki sa aming magkakapatid at kung susumahin ay hindi ako ganoong kapaborito ng aming magulang.
"Hoy, tara na, mala-late na tayo!" Sigaw ni Eugene sakin.
Wala naman akong nagawa kundi i-salpak ang tinapay sa bunga-nga at kinuha ang bag sabay sumunod sa kanya. High school student, grade Ten pati na rin si Eugene na kaklase ko.
"Makikita mo kaya siya?" Kahit hindi ako magsalamin ay alam kong namumula ang aking pisngi. Sino ba naman kasing hindi kung ang tinutukoy ng kumag na ito ay ang babaeng matagal ko ng tinitignan simula pa noong bata pa kami.
Aliana Dela Cruz, jusko binibigkas ko pa lamang ang pangalan niya kinikilig nako. "Alam mo, Chris, kung hindi ka magpapakatorpe ay baka wala ng makakauna sayo." Tama si Eugene, torpe ako. Hindi ko nga magawang lumapit o bumuo ng magandang topic para lamang mapahaba ang aming usapan.
Masyado akong natatameme pag siya ang kaharap ko. Ewan ko ba, iba ang pagiging praning ko sa salitang pag-ibig lalo na pag siya ang kaharap.
Makarating kami sa paaralan ay tumigil kami sa bandang gate. "Bili lang akong papel, wala na pala ako hehe." Dali-daling tumungo si Eugene sa tindahan at binili ang kanyang bibilhin.
Hindi ako nabili ng papel na para sa akin, nahingi ako sa kanya.
Habang nag-aantay ay napatingin ako dahil may nahagip ang aking mata, hindi nga ako nagkakamali. Ang bilis nga naman ng mata ng isang tao pag yung nahagip ay yung taong nagugustuhan.
Mula rito ay kitang-kita ko si Aliana, walang kupas ang ganda. Napangiti ako. Ni hindi ko nga maisip ng lubos kung paano maaagaw ang kanyang atensyon, bumibilis ang tindig ng aking puso habang sinisilayan ang siya sa malayong parte.
Kung sana may lakas loob akong ipaalam ang aking nararamdaman para sa kanya ay baka mas inilatag ko pa ang pinaka mahabang talumpati ng pag-ibig sa buong mundo.
"Hoy!" Muli akong bumalik sa ulirat ng sigawan ako ng kumag. "Ano ba?!" Inis kong sigaw pabalik.
"Kanina pa kaya ako nandito at tinatawag ka!" Napatingin ako sa hawak niyang long pad kaya abot tainga ang aking ngiti. "Penge."
"Bahal ka dyan, Bili ka sayo!" Angal niya bago ako iwan.
Kamot batok akong sumumod, hinanap ko pa nga si Aliana kaso wala na siya sa paligid, siguro nauna na sa silid. Kamag-aral ko kasi siya, hindi iyon aksidente. Dahil buong school year namin ay magkaklase kami, hindi lang yata ako napapansin.
Siguro matatawag na akong baliw at isang hamak na nakakatakot na lalaki dahil sa aking ginagawa, sumusunod kasi ako sa kanya, kung lilipat siya ng paaralan ay nanduon ako pati kung saang section ay naroroon ako. Kahit hindi ako ganoong kapaborito ng magulang ay kailangan kong magmakaawa dahil ayokong mawalay sa kanya.
Ewan ko, sadyang hulog na hulog ako sa binibining iyon simula ng kami ay magkita at siya ay masilayan ng aking mga mata.
Para sa akin ay siya na ang pinaka magandamg dilag na aking nakilala.
Pinaka mabait..kahit na sinuntok niya yung isa naming kaklaseng lalaki.
Mahinhin, charot.
Nang makatapak ako sa classroom ay siya na agad ang nahagip ng mata ko, kaso nawala ang saya sa aking kalooban ng makita siyang may kasamang ibang lalaki.
Tama nga si Eugene, kung sana ay hindi ako nagiging torpe ay hindi ako mauunahan. Ano bang magagawa ko? Napangungunahan ako ng kaba at takot, napangungunahan ako ng hiya, ni hindi ko nga mabigkas ang simpleng sagot sa harapan ng lahat sa tuwing nakikita ko siya sa gilid ng aking mga mata na nakatingin sa akin.
At habang tinitignan ko siya ngayon na may kausap na iba at mukang masaya, nakakaramdam ako ng selos na hindi naman dapat maramdaman. Wala akong karapatan para magselos, ngunit may karapatan naman siguro akong masaktan ng palihim dahil sa tago kong pagtingin.