Ang ganda cover ko, Thank you KievanCastro101 handa mo na yung adoption papers HAHAHAHA
“T*ng inang yan, wala akong naiintindihan.” Lumingon ako kay Eugene na nagmamaktol kanina pa. Binabalanse niya ang ballpen sa kanyang nguso at halos madiri ako sa kanyang itsura dahil muka siyang bisugo.
“Gusto mo malaman kung ano yung nasa utak ko, pre?” Ngiwi na lang akong tumango. “Ohhhh--- ang p*k* ko na kulay rosas, namumukadkad pag hinimashimas---”
“Eugene Velasco! Dumito ka sa harapan!” Halos manigas ako sa inuupuan dahil sa gulat, binato kasi ng guro namin na si Ma'am Delvale ang kaibigan ko ng pambura ng blackboard. Kamot ulo namang tumayo si Eugene na ngayon ay nag mukang matanda dahil sa pulbos ng chalk sa kanyang ulo.
“At bakit ka nagsasalita sa gitna ng aking pagkaklase?!” Kita mo talaga galit sa muka ni Ma'am, kulang na lang bugahan ng apoy kaibigan ko.
“Hindi naman po ako nagsasalita, ma'am, kinakantahan ko lag si Chris.” Sabay turo sa kin ng kumag kaya lahat sila ay nagtinginan sa akin. Kahit si Aliana napatingin din, ramdam ko ng pag-akyat ng hiya kung kaya nakatingin lang ako sa sahig.
“Dumito ka nga, Chrisostomo.” napuno ng tawanan ang buong silid kaya mas lalo akong nahiya.
Lintik na Chrisostomo yan, mukha ba akong may Maria Clara.
Wala akong nagawa kundi ang tumayo at pumunta din sa unahan, pinaluhon kami ni Ma'am na agad naming sinunod. Hindi pa rin ako makatingin sa unahan dahil alam kong nakatitig siya sa akin.
Umalis si Ma'am Delvale at halos mapamura kami ni Eugene nung bumalik ito at may dala-dalang meter stick. “Taas kamay!” Masungit na utos nito samin. Nanginginig ko namng tinaas ang kin at maningkit-ningkit ang aking mata nang hatawin kami nito ng tatlong beses.
“Tumayo kayo sa labas hanggang matapos ang klase, dun kayo bumuo ng banda!” Muling umalingaw-ngaw ang tawanan, mamula-mula ang muka kong tumayo at lumabas habang nakasunod sa akin si Eugene.
“Ayos, tara canteen.” yaya nito, halos suntukin ko na ang muka niya sa inis. “Loko ka, nakakahiya yung ginawa mo, baka kung ano na lang isipin sakin ni Aliana!”
“Ano ka ba, ayun nga gusto ng mga babae, bad boyssss, tignan mo ako, habulin ng chixs.” Sabay kindat ng kumag kaya inambahan ko ng suntok. “Habulin ng bakla kamo.”
“Tangi, ikaw ang habulin ng bakla. May gusto kaya sayo si Jimuel sa kabilang section, kitams, hindi ka man napapansin ni Aliana, atlis kahit isa meron. Lalaki nga lang.” Kulang talaga itong h*y*p na ito sa aruga ng magulang.
“Ewan ko sayo, tara na nga!” Wala naman kaming magagawa doon sa labas. Mas mapapahiya lang ako kung mananatili don hanggang matapos ang klase. “Mag try out ka ba para sa basketball?” Tanong ni Eugene at umiling ako. “Hindi na, hindi naman ako marunong.”
“G*g* ka pala, kaya nga mag try out kasi mag tri-try, kaya tignan mo sarili mo. Payat!”
“Tumahimik ka! Ikaw nga walang utak!” pambabara ko pabalik. “Anong walang utak, meron kaya, onti lang.” Natigil kami sa pagbabangayan ng makarating sa Canteen, wala pa namang pila dahil maaga pa.
“Ate pabili po turon, bayaran mo ah.” Hindi ako nakaangal dahil kinuha na ni Eugene yung turon at tinitignan ako ng tindera na para bang tatanggalin ang kaluluwa ko pag hindi nagbayad. Lantay akong kumuha ng pera sa bulsa at kumuha na rin ng makakain ko at dalawang juice na nasa platic cup.
“Oh!” Nilapag ko ang isa sa kanyang harapan at kinuha naman niya yun, punong-puno ng turon ang kanyang bunganga kaya napangiwi ako. “Ang takaw mo.”
“Hmppbslhmpp.”
“G*g*, huwag kang magsalita na puno ang bibig!” Ngunit hindi nakinig ang loko, patuloy lang ito sa pagsasalita at dun na siya nabilaukan. Todo inom naman ito ng juice at nang matapos at tumingin ito sa hawak kong inumin at ngumiti. “Penge.”
“Siraulo!”
Patuloy lang ang kain namin, nang may pumasok na mga kalalakihan at kababaihan sa Canteen, napatingin ako sa isang lalaki na umupo sa harapan ng lamesa namin. Siya yung kanina na kausap ni Aliana.
“Sino yon?” Tanong ko kay Eugene at nginusuan yung lalaki. “Ahh, si Noel. Bakit? Crush mo? Nako, sabi ko naman sayo na si Jimuel na lang.”
“Sasapakin na kita! At hindi ano, nakita ko kasing kausap ni Aliana yun kanina.” Nguso kong kuwento, nakatanga lang sa akin si Eugene hanggang sa bigla na lang siya tawa ng tawa na kahit yung mga bagong dating ay napatingin sa gawi namin.
“Siraulo HAHAHAHAHA, nagseselos sa pinsan HAHAHAHAHA!”
Mahiya akong humingi ng pasensya sa lahat sabay batak sa kanya palabas. “Nakakahiya ka na ah!” Sigaw ko pero patuloy pa rin siya sa pagtawa. “Lintik tol, nagseselos ka sa pinsan ni Aliana? Grabe HAHAHAHA”
“Hindi ko naman kasi alam na pinsan niya yon!” Inis kong sambit. Patuloy lang siya sa ginagawa hanggang may bolang tumama sa ulo ko kaya naman napa-antras ako at tumama ang likod sa isang tao.
“S-sorry–" Kung minamalas ka nga naman talaga. Pag lingon ko ay tumambad sa akin si Aliana. “Wala yon, diba ikaw yung pinalabas ni Ma'am Delvale?”
“Oo, siya yon!” Inis akong tumingin kay Eugene. “Ah, hindi ko alam na nagba-bastketball ka pala..” Napatingin ako sa bola na aking hawak sabay tumingin sa kanya, magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ng kumag. “Oo nag ba-basketball siya!”
“Ha–”
“Pwede testing mo? Manonood kami.” Halos napalunok ako sa kaba habang ngiting aso si Eugene sa aking tabi.
Kung legal lang talaga magbaon ng katawan ng kaibigan sa lupa ay gagawin ko na.