Kung Bakit ako broken hearted [ one shot ]

49 3 1
                                    

0ne Shot


=Yamasona=



♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥



Bakit ako broken hearted? Sa tingin mo bakit nga ba?. Lalaki lang naman ako. Oh! Baka sabihin mo na ' Wow ha! Nasasaktan din pala kayo? ' well sasabihin ko OO, nasasaktan din kami. Di kami robot, Akala mo ba nung iniwan mo ko di ako umiyak? Di ako nasaktan? Tang*na ang sakit kaya, Di ako makapag-laro ng dota kasi wala na akong pera. Lahat ng ipon ko naubos na sayo tas iniwan mo pa ako. Di tuloy kita makalimutan kasi wala akong pang-dota. Naaalala ko pa nung nagagalit ka kapag nasa computer shop ako tas nalilimutan ko na sunduin ka. Pinapabayaan kitang ipahiya ako sa harap ng mga kaibigan ko kasi mahal kita. Pati yung pag-kuha mo sa cellphone ko at kulang nalang angkinin mo na, Naaalala ko pa nung pinagtripan ako ng mga tropa ko na nagpanggap silang babae at nag-text sa cellphone ko. Chempo naman ikaw ang may hawak kaya binugbog mo ako.Ayus lang yun sakin dahil ang pangarap ko ay ikaw na ang huling babaeng sesermunan at bubugbugin ako sa talang buhay ko, Tas iniwan mo ako?. Natatawa ako pag-naaalala ko yung nababasa kong isinusulat mo sa wattpad na iyon. Nung nabasa ko yung story mo natawa ako kasi nalaman ko ang totoong tipo mo sa isang lalaki, Cold,Unpredictable random, May abs, Maputi at makinis ang balat daig pa sa babae, Ubod ng yaman, Gwapo at talino. May mapupulang labi at hazel color na mata.

Eh! Takteng naman babes. Sa tingin mo kaya may lalaki pang ganun sa mundo? Siguro meron nga pero out of your reach naman. Hindi naman ako cold unpredictable ramdom. Maging cold nga lang ako sayo eh kulang naman buhusan mo ako ng kumukulong tubig dahil sa inis mo na baka may babae ako. Di rin ako unpredictable random, Dahil basang basa mo ang mga iniisip ko. Tititigan mo lang ako alam mo na ang plano ko. Wala din akong Abs pero di naman ako payatot average type yung katawan ko, Normal lang ako di din ako mataba no. Di kasi ako masyado nag-eexercise puro ako dota o crossfire. Ayoko namang maging kargador para lang magka-abs, Iitim ako, Di ako ganun kaputi tulad mo pero di ako dugyot kaya medyo maganda naman ang balat ko, lalo nang nandyan ka na laging sumesermon kapag amoy bomba ako. Di naman ako ubod ng yaman, Tindera lang sa sari sari store ang nanay ko habang ang tatay ko ay isa lang driver sa magandang kumpanya. Kaya gipit ako kapag gusto mong mag-date tayo at sa EK o sa SC ka nag yayayang pumunta. Di mo man sabihin alam kong sakin lahat ng gastos. Di rin ako makapag-ipon dahil sa bawat araw kailangan kitang ilibre dahil ayokong magutom ka at mawalan ng pera. Di rin ako ganun ka gwapo, Pero dahil sa mabait ako sa mga babae, Marami rami naman ang nagkakagusto sakin. Di ako heartthrob pero salamat dahil napili mo ako. Di rin ako ubod ng talino pero may alam naman ako kahit papano at thanks sayo kasi marami akong nalaman kasi nag-papapasok na ako dahil sa punyemas na pangarap mo. Yung labi ko di mapula pero di yung dry.. pero pouty at di ako maputla sakto lang kumbaga, At yung mga mata ko naman hindi hazel ang kulay pero at least di malabo diba? Nakakakita ako at nakikita kita, Sa tingin ko sapat na iyon.


Di ako yung perpektong lalaki na nasusulat mo at iniimagine mo, Pero handa akong gawin ang love story na pangarap mo.. Kasi handa ako maging parte ng buhay mo hindi ng imahinasyon mo.



Pero hindi eh. Hindi ka nakuntento. Pinaramdam mong di ako sapat, Wala nang laman ang wallet ko. Wala na akong oras sa kaibigan ko, Wala na akong panahon para sa ibang tao, Lahat kasi nasa iyo na. Ayokong magalit ka kasi pumapanget ka at naiistress ka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kung bakit ako broken heartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon