"Anak, sigurado ka na bang culinary arts ang kukunin mo?" Tanong sa akin ni mama.
"Opo mama. Bakit po?"
She gave me a faint smile.
"Iyon ba talaga ang gusto mo anak?"
Hindi ako nakapagsalita.
Mama held my hand.
"Anak, hindi ka ganoon kahilig sa pagluluto. Limited din ang alam mo sa ganoon."
"Mahilig po ako mag bake mama."
Mama chuckled. "Hindi sapat na iyon lang ang alam mo 'nak. Marami pang dishes ang kailangan aralin at gawin sa kurso mo."
Mama is also a graduate of culinary arts.
"Tsaka, 'nak, tinanong na kita noon ang sabi mo ayaw mo ng gaya ng trabaho ko gawa ng hindi ka talaga mahilig mag luto, sabi mo kakain ka nalang. Pero nang banggitin ni Hans na mag culinary arts siya, biglang iyon na din ang sinabi mong course na kukunin mo."
Natawa kami parehas.
"Naisip ko tuloy, iyon na ang gusto mong kunin dahil kay Hans, nagtampo ako kasi hindi dahil sa akin na mama mo na graduate ng culinary arts." Tumatawang sabi niya.
She then looked at me intently and sighed. She squeezed my hand. "Akala mo ba hindi ko napapansin?"
I looked at her.
"Na panay ang adjust mo, sunod mo sa mga kung anong gagawin ni Hans. Kung saan siya, nandoon ka rin. Baka mawala mo ang sarili mo anak. Iyon ang ayaw mangyari ni mama." Hinaplos niya ang aking mukha.
"Hay nako! Ano bang meron sa Hansel na iyan at hanggang ngayon patay na patay ka doon!" Sabi sa akin ni Sabrina. "Pati course mo, dahil sa kaniya!"
Nandito kami sa college campus ng SC, para mag enroll. I enrolled culinary arts. Ganoon ang course ni Hans kaya iyon din ang kinuha ko.
"Hindi ah." Sabi ko.
Hinarap niya ako. "Anong hindi? Mainly siya yung reason kung bakit iyon ang in-enroll mong course!" She rolled her eyes.
"Hindi ba pwedeng curious ako sa course?"
Tumaas ang kilay niya. "Sige, 1 percent, dahil sa curiosity mo about sa course. 99 percent, dahil kay Hansel Iain Guadalupe."
Natawa ako.
"Akala ko ba fine arts or, something related to photography ang gusto mo? Nong narinig mong mag culinary arts si Hans, biglang nag shift ang gusto mo." Litanya niya. "Hindi ka naman mahilig mag luto! Mas gusto nong kumain lang!"
"Tsaka, open na open ka noong sabihin noong tinanog ka ni tita kung gusto no maging gaya niya na di mo trip ang ganoong course, pero nung nalaman mong culinary ang kukunin ni Hans... anyare teh?" Hindi pa siya tapos.
"Ano ba, magandang trabaho naman iyon ah! Tignan mo si mama ko." Natatawa kong sabi. "Tsaka kailan ka ba matatapos sa pag sesermon mo?"
"Yes, magandang trabaho. Pero cous, ang akin lang naman, panay ang adjust mo ng buhay mo para sakaniya. Mga bagay na gusto niya, ginagawa niya, ginagawa mo rin. Eh parang hindi mo na nagagawa mga bagay na gusto mo." Ani Sab.
"Sa totoo lang, yung last na nag decide ka na based sa sarili mo is nung senior high, yung mga sumunod, wala na, dahil na kay Hans, lalo na nung lumala iyang nararamdan mo para sa kaniya." Ani Sab.
After ng incident sa cupcake, inis na inis na siya kay Hans. Mas nadgdagan pa iyon ng nadagdagan sa pagdaan ng panahon.
"Cous, mas maganda kung gusto mo talaga iyong course na kukunin mo eh." Sabi niya. "You might lose yourself kasi sa ginagawa mo eh."
Naalala ko naman ang usapan namin ni mama kagabi.
Parehas sila ng sinabi ni Sab.
Hindi, hindi ko mawawala ang sarili ko. I'll make sure of it.
"Jez!" Gulat na tawag sakin ni Hans nung nakita niya ako sa orientation.
"HRIM ka rin?"
I nodded.
"Akala ko... Anong major?"
"Culinary arts!" Masaya kong sabi.
Nanlaki ang mata niya.
"Gusto mo naman ba?" He asked.
"Oo!" I lied.
It's not that I do not like it, but there are other course na mas gusto ko, pero mas pinili ko ang gayahin ang course niya.
"Ah ganon ba? O sige, pila ka na diyan, labas muna ako." Ani Hans at naglakad na palabas.
Hindi na matimpla ang mukha niya.
His reaction. he's uncomfortable? It's obvious that he's uncomfortable. Sorry Hans, pero hindi ko mapigilan eh. I always follow you wherever you go, whatever you do.
My first semester as a culinary arts student was fine but as we go farther and farther, unti unti kong na realize ang hirap nito.
College life is not easy!
There's different ways in food preparation, depende sa kung anong dish ang gagawin. There are dishes na complicated ang preparation. There's also different ways of cooking, and serving. Hindi pala iyong basta salang, luto agad o serve basta basta.
For someone who is not fond of cooking, I really need to work harder.
Hans is now on his third year and bilib na bilib ako sa kaniya, he's a consistent dean's lister since first year! He's also one of the model students!
"Hirap!" Sabi ko at hila sa buhok ko. I was currently reviewing my answers on our take home quiz and take home activity. Hindi ko alam kung saan kukuha ng sagot sa iba.
"Okay ka lang?" Halos mapatalon ako ng magsalita si Hans.
Umiling ako at nag pout. He sat in front of me.
When I looked at him, I saw that there's something in his eyes. Hindi ko lang ma pinpoint kung ano.
"Tingin nga." Ani nito at kinuha ang notebook ko.
He then went on to explain the question to me. I looked around and saw some of my classmates, discussing the same thing. It looks like they know every bit of it.
Napapaisip tuloy ako, did I made a wrong decision? Tama ba itong pinasok ko? Did I picked the wrong course?
SCRIBBLURRY
BINABASA MO ANG
Footprints In The Sand
Teen FictionJez is a girl who is willing to go to any length to get her crush, Hans, to notice her, but will she be able to keep chasing him and following his footprints now that she is gradually losing a big part of herself? Started: 7/27/2022 Completed: 8/9/2...