Inspirasyon

80 4 4
                                    

INSPIRASYON

"Galingan mo pre!! " bulong ni Jerry sabay tapik sa balikat ng kaibigan niyang si Troy. Tumango si Troy at ngumiti ng "ngiting demonyo". 

Nilabas ni Troy ang kanyang 1100 na cellphone. Kunwari ay nagtetext, sinalubong ang lalaki. Kunwari ay hindi nito sinasadyang banggain. 

"Ano ba 'yan?!! Hindi ka ba marunong tumingin kung saan ang daan??!!" galit at nakakatakot na sabi ng lalaki. 

"Sorry po... Sorry po..." ang nagpapakumbabang sagot ni Troy. 

Padabog na naglakad palayo ang lalaki. Pagkaalis nito ay nagtinginan ang dalawang magkaibigan sabay ngiti sa isa't-isa. Tinaas ni Troy ang kanyang kanang kamay, may hawak na siyang wallet. Walang kahirap-hirap. Ang wallet ay may lamang PHP2,500.00. Mukhang sinuwerte ang magkaibigan. 

"Andiyan pa pala sa'yo yang cellphone na iyan?" tanong ni Jerry. 

"Aba!! Oo naman!! Ito yung pinakamaganda sa lahat ng na dekwat ko eh!!" pagmamayabang na sagot ni Troy habang tsinetsek ang bawat bulsa ng wallet. "Kala ko ba hindi ka pwedeng lumabas ng bahay??" tanong ni Troy kay Jerry. 

"Tingin mo ba makakayanan kong manatili sa bahay namen?? Tsk.. saka hindi ko kaya ang isang araw na hindi nakakashot!!" sagot ni Jerry. "Dami niyan!! Painom ka naman kahit isang case lang!!" dugtong pa nito. 

"Haha!! Sige.. sige..!! tara..!!" 

Nagtungo ang magkaibigan sa kanilang "tambayan". Nadatnan nilang naggigitara at nagkukwentuhan ang ibang kabarkada. 

"Jerry oh!!" inabot ni Troy ang PHP330.00 

"Kabayo ba?" tanong ni Jerry. 

"Oo!! Bilisan mo aah!!" 

Nagpunta si Jerry sa tindahan. 

"Ano iyon?" tanong ng tindera. 

"Katulad po ng dati!!" sagot ni Jerry sabay abot ng bayad. 

Binuksan ng tindera ang pinto at binuhat ni Jerry ang isang case ng Red Horse. 

"Pabili po ng isang kahang sigarilyo." Sabi ng isang lalaki na sa tingin ni Jerry ay may lahing intsik. Nasa 47 taong gulang na ito. Simple lamang siya manamit, naka T-shirt at maong na shorts. Pagkakuha ng binili ay napatingin ang lalaki kay Jerry. Si Jerry ay Moreno, medyo matangkad ay may hikaw na diamond sa kaliwang tenga. Siya ay naka sando at maong na pantaloon. 

"Iho, isa ka ba sa mga iinom niyan?" tanong ng lalaki. 

"Opo.." tila inosenteng sagot ni Jerry. 

"Ilang taon ka na ba?"  

"15 po." 

"Naku! Napakabata mo pa para mag-inom ng alak.. ipinagbabawal ng gobyerno ang pagbebenta ng alak at sigarilyo sa mga menor de edad pero wala namang nahuhuli sa mga nagbebenta kaya tuloy maraming bata ang may masamang bisyo..!! Sa bagay.. iyong mga nagbebenta rin kasi gusto kumita kaya kahit bawal, nagbebenta parin sila..!! Naku..!!" 

"Sige po. Alis na ako!!" medyo naiinis na paalam ni Jerry sa lalaki. 

Uminit ang ulo ni Jerry dahil sa sinabi ng lalaki. Iniisip niya na wala namang pakialam ang lalaki sa mga nais niyang gawin. 

*** 

Bang!! Tinamaan si Jerry ng bala sa balikat. Pinipilit niyang tumakbo kahit nais nang sumuko ng kanyang katawan. Hindi! Hindi! Hindi ako pwedeng mamatay nang ganito lang!! Gusto kong maging komportable sa buhay!! Gusto kong magkaroon ng masayang pamilya. Ayoko pang mamatay!!! 

"Waaaaaaah!!" nagising si Jerry. Panaginip lng pala. Bumangon siya at dumiretso sa kusina. Binuksan ang kaldero. Walang laman. 

"Ano Jerry? Gigising ka nalang? Tapos kakain? Tapos lalabas? San ka nanaman nanggaling kagabi? Bakit gabi ka na umuwi? Dun ka nanaman sa mga kabarkada mong adik at lasinggero? Hindi ka na nga nakakatulong dito sa bahay eh! Pinatigil na kita ng pag-aaral para matigil na yang bisyo mo, pero anong ginagawa mo? Hindi ka ba naawa samin? Wala ka talagang kwenta!!" sigaw ng kanyang ina habang bitbit ang kanilang bunsong kapatid na walang tigil sa pag-iyak. Walo silang magkakapatid. Kasalukuyang walang trabaho ang kanyang ama. 

"Haaaaaaaaaaaay..." napabuntong hininga na lamang si Jerry sabay labas ng bahay. Hindi na lang siya mag-aalmusal. Mas mabuti pa ang kanyang mga kabarkada, Masaya kasama... doon lang niya nararanasan ang saya ng buhay pag kasama ang mga kabarkada. 

Dumiretso siya sa tindahan at bumili ng sigarilyo. Umupo muna siya habang humihithit ng sigarilyo. Bata pa si Jerry ngunit tila matanda na kung tingnan. 

Nakita niya ulit iyong lalaki kahapon. 

"Nakakainit ng ulo! Andito nanaman siya!!" bulong ni Jerry sa sarili. 

"Isang kaha." Sabi ng lalaki sa tindera. Binigyan siya ng isang kahang sigarilyo. Umupo rin ang lalaki katapat ni Jerry. 

"May problema ka noh?" tanong ng lalaki kay Jerry. 

Tila mabuting tao naman ang lalaki kaya sinagot siya ng matino ni Jerry. 

"Ang hirap po kasi ng walang trabaho eh." Sagot ni Jerry. 

"Mahirap talaga lalo na't hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral tulad ko." 

"Huh? Hindi rin po kayo nakapagtapos?" 

"Oo. Hanggang hayskul lang ako. Ayaw na kasi akong pag-aralin ng mga magulang ko kasi iniisip nila na walang saysay ang pag-aaral ng kolehiyo." 

Inayos ni Jerry ang kanyang upo. Mukhang para sa kanya ay interesante ang kasaysayan ng buhay ng lalaki. Tinapon ni Jerry ang kanyang hawak na sigarilyo. 

"Tambay rin po ba kayo?" inosenteng tanong ni Jerry. 

"Hindi. Dahil sa sikap, nagkaroon ako ng negosyo, school supplies at nakapagpatayo ako ng limang palapag na bahay. 

"Talaga po? Paano po??" 

"Hiwalay kasi ang aking mga magulang. Noon ay nag-aalaga ako ng tatlong malalaking inahing baboy. Ngunit ayoko nang balikan ang pangyayaring iyon.. mahirap... napakahirap... "  

Nakita ni Jerry ang kalungkutan sa mga mata ng lalaki. 

"Napilitan akong lumuwas ng Maynila. Pagkatapos ay naglako ako sa kariton ng mga gulay. Yung tiyuhin ko kasi nagbebenta ng gulay sa Santo Cristo Padre Rada Street sa Divisoria. PHP30.00 ang aking sweldo kada araw. Mula ika-4 ng umaga hanggang ika-9 ng gabi. 

Nakaipon ako at nagrenta ako ng pwesto PHP200.00 kada buwan, doon ay nagbenta ako ng mga de lata at chitchirya. Nang medyo umunlad ay nagbenta naman ako ng school supplies ngunit ang palengkeng kinatatayuan nito ay hindi inaasahang nasunog.... 

Nakita ko kung paano lamunin ng apoy ang aking mga paninda at pera. Naramdaman ko kung gaano kasakit ang makitang kinakain ng apoy ang lahat ng iyong pinaghirapan. Naluha na lamang ako sa pangyayaring iyon. Hinding hindi ko iyon malilimutan. 

Salamat na lamang at ako ay may kaunting naitagong pera. Muli akong nagsimula at sa awa ng Diyos, naging maunlad naman ang aking negosyo. Napagtapos ko ang aking mga anak. Malaki rin ang pasasalamat ko sa aking mapagmahal na asawa. Hanggang ngayon ay patuloy na umuunlad ang aking negosyo at ito ay aking nakamtan ng dahil sa pagsisikap, tiyaga at malakas na pananampalataya sa Panginoon." 

"Ang hirap din po pala ng mga pinagdaanan ninyo.." ang malungkot na tugon ni Jerry sa narinig. 

"Kaya ikaw Iho, lagi mong tandaan na hindi hadlang ang kahirapan upang maging komportable sa buhay.." tila magulang na nagpapangaral sa anak ang lalaki. 

Natapos ang kanilang usapan. Naglakad pauwi si Jerry na masaya. Pakiramdama niya ay muli siyang nabuhayan ng loob. Sinabi niya sa kanyang sarili na bago pa mahuli ang lahat ay gagawin na niya ang mga bagay na magpapabago sa kanyang kinagisnang buhay. Ngumiti siya dahil alam niyang may dala siyang bagong inspirasyon sa kanyang puso.

Wakas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InspirasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon