Chapter 38: I Love You, You Love Me

24.2K 1K 305
                                    

Paris' PoV:

Ang napakagandang mukha ni Taglagas ang agad na sumalubong sa akin. She's sleeping peacefully. Para syang isang anghel na bumaba sa lupa.

Kaso parang dinosaur kapag nagagalit.

Hindi ko maiwasang mapahagikgik dahil sa aking naisip. Well, Autumn's like a mad gun when she's mad. Ratatat!

Maingat na idinampi ko ang aking kamay sa kanyang pisngi. I gently caressed her cheeks. Wala talagang maipipintas sa kanya. Ang ganda nya, sobra.

My heart's beating so fast. Para akong kinukuryente. Hindi naman ako kumain ng kahit na ano pero pakiramdam ko'y may mga paro-paro sa tiyan ko sa tuwing nasa malapit si Taglagas.

I'm really lucky to have her.

I noticed that her hands were wrapped around my waist. She's also snuggling to me. Napakahigpit ng pagkakayakap nya sa akin.

She's so cute. Hindi ko maiwasang dampian ng halik ang kanyang noo. As much as possible, ayoko na muling paiyakin si Taglagas. I'm hurting too whenever I saw her crying because of me.

Napatingin ako sa wall clock at nakitang past 1pm na.

Pero hindi ko maiwasang magtaka. Hmm... As far as I remember, hindi naman ako bumalik sa pagtulog kanina. In fact, inaayos ko pa nga ang bed para kay Autumn dahil nga masama ang pakiramdam nya.

How come that we end up in bed?

"Mabuti naman at gising ka na, Paris." Hindi ko namalayan na gising na pala ang asawa ko.

Balak ko sana syang babatiin pabalik pero agad din akong napahinto. What's with Autumn? Parang ang init ata ng ulo nya. Kakagising nya lang pero ang sama na ng timpla ng kanyang mukha.

I faked a cough. "How was your sleep?" She's staring at me intently. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nya.

"It's great." She answered. Unti-unti syang bumangon. Still, hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin. Oh God. Her piercing eyes were staring deeply at my soul.

"Natatandaan mo ba ang nangyari?"

Napakunot-noo ako. May nangyari ba?

"Huh?" I tried my best to remember what happened.

"Gusto mo bang ipaalala ko sayo?" Ramdam na ramdam ko ang diin sa bawat salitang binibitawan ni Taglagas. Hindi ko maiwasang mapalunok. Parang may nakikita akong maitim na aura na nakapalibot sa kanya.

Now, mas lalo akong nacurious kung anong nangyari. There's something off. And my guts are telling me na importante 'yun.

I snapped into reality nang makita kong nasa ere na ang kamao ni Autumn. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko. Nakailag ako sa balak nyang pag-atake.

"What the? Bakit ka umilag?" She exclaimed.

"Malakas ka manuntok eh." I reasoned out. Niready ko pa rin ang sarili ko dahil baka mamaya ay maisipan nya muling suntukin ako.

"That's better. Para talagang makaalala ka sa nangyari."

"Ano ba kasing nangyari kanina?" Nagtataka na ako sa reaksyon nya. Sumasakit lang ang ulo ko sa tuwing pinipilit ko ang sarili ko na makaalala.

"Argh! Damn it! Let me repeat it for you." She grabbed the collar of my shirt. Nanlilisik ang mga mata ni Taglagas habang nakatingin sa akin.

"I said, I love you!"

For countless time around, my world stopped spinning. Natameme ako. Para akong nasa cloud 9. Everything gets blurry. Tanging sya lang ang nakikita ko.

Biglang nagflashback sa akin ang nangyari. Never have I ever imagined myself na mahihimatay dahil nakatanggap ng 'I Love You' mula sa isang tao.

Love-struckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon