6th Droplet - Cellphone

429 15 5
                                    

Kasalukuyang nag-aalmusal ang mag-iinang Del Rosario nang isang nakakabiglang bagay ang naging daan para mas lalong gumuho ang mundo ni May. 

"Nakapag-usap na kami ng Daddy nyo---" seryosong sabi ni Donya Kate. Tinitigan pa niya si May bago muling magsalita." ---na hindi ka na dito sa Pilipinas mag-aaral." 

Hindi na naisubo pa ni May ang kanyang kinakaing bacon nang marinig ang sinabi ng kanyang ina. "Bakit po???" aniya habang wala sa sarili niyang inilalapag ang tinidor sa kanyang plato. 

"---kasi sa States ka na magkacollege…" giit pa ng kanyang ina.

Agad siyang napatayo dahil sa kanyang narinig."Ayoko po'ng umalis dito." giit din niya. 

"Sit down." gigil na utos ng kanyang ina, kaya naging sunud-sunuran na lang siya. Pero hindi na naipagpatuloy ang pagkain dahil sa sobrang sama ng loob. 

"Iiwan mo na kami Ate May???" takang-tanong ng anim na taon niyang kapatid na si Kim

"Yes Kim." Diretsahang sagot ng kanyang Ate Leila sa kanilang nakakabatang kapatid. Binalingan pa siya nito ng kakaibang ngiti, na halata niyang pinapanigan nito ang naging desisyon ng kanilang ina.

Simula pagkabata ay dito na siya nag-aral sa Pilipinas. Marami siyang nakilalang mga kaibigan, na hindi niya kayang mawala sa buhay niya. Higit sa lahat ayaw niyang iwan si Dino dahil hindi niya kayang magkalayo silang dalawa.

"Mommy, I don't want to leave!" sigaw niya sa sobrang inis. Hindi na rin niya napigilan ang kanyang sarili, kaya napatayo siyang muli.

"May, that's final!" sigaw rin ng kanyang ina. "…Sa Aunt Georgina mo sa Sacramento ka na titira para hindi mo na makita pa ang lalaking yun!"

Tama nga ang hinala niyang ang tuluyang paglalayo sa kanila ni Dino ang totoong dahilan ng biglaang desisyon ng kanyang mga magulang. Hindi na niya kayang marinig pa ang mga sasabihing masama ng kanyang ina kay Dino, kaya gustong-gusto na niyang umiyak sa sandaling ito, pero ayaw niyang makita siya ng kanyang mga kapatid. Kaya tinalikuran na lang ang mga ito at umiiyak na lumakad palayo sa kanilang hapagkainan.

"Come back here!" galit na tawag sa kanya ng ina, pero hindi na siya lumingon pa.

"Mommy, just let her go…" awat pa ng kanyang Ate Leila sa kanilang ina dahil alam niyang kanina pa rin ito naiinis sa kanya.

Sa lahat ng bagay ay kaagaw ang tingin sa kanya nito, lalo na sa kanilang ama, na siya ang paborito. Kaya kung aalis na siya, masosolo na ng kanyang ate ang atensyon ng kanilang ama. 

" Sige umiyak ka lang hanggang sa marealize mo ang mga sinabi ko, dahil hinding-hindi mo na siya makikita pa." Pahabol pang sabi ng kanyang ina nang nasa bandang hagdanan na siya. "…I will be happy dahil hindi na masisira ang future mo…Isa pa hindi na maririndi pa ang tenga ko sa pagtunog ng cellphone mo oras-oras..."

Napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang huling sinabi ng kanyang ina. Kinokontak pala si Dino, pero di niya man lang sila nagkakausap.

"Pa'no kung uuwi na pala siya?" aniya sa sarili sa pagitan ng mga hikbi.

Nang makarating sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ay agad niyang nakita ang kanilang telepono. Gusto niyang ilabas ang kanyang mga sama ng loob kaya tinawagan niya si Princess.

May Rain's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon