Kabanata I
Dreann- pronounced as Dre-yan
———
HINAYAAN ko ang hangin na tangayin ang ilang hibla ng aking buhok sa aking mukha.
This is it.
Junior year.
Ito ang unang araw ko dito sa eskwelahang ito. Kakalipat lang namin ng aking pamilya dito sa bayan ng San Agustin.
Napabuga ako sa hangin.
I hate it here.
Sana ay hindi na kami lumipat.
'Kaya mo to Dreann'
napatingin ako sa aking paligid.
gaya nang inaasahan ko ay madaming studyante ang pumapasok dito. Halos lahat ay nakangiting bumabati sa kapwa nilang kamag-aral, para bang ang saya saya nila't pasukan na.
Pero syempre, Hindi naman talaga sila excited na pumasok, excited lang sila nakita ang kanilang mga kabarkada.
at heto ako... mag isang nakatitig sa gate ng eskwelahang ito. Since bago ako dito, wala akong kaibigan.
'kung bakit ba kasi kailangan naming lumipat?'
masaya na ako sa eskwelahan ko noon, madami akong kaibigan.
sa tingin ko... hindi ko makakasundo ang mga tao dito... bukod sa taga Maynila ako ay ibang kulturang kinalaklihan ko.
nagising ang diwa ko nang marinig ko ang tunog ng bell na nagsisilbing hudyat na magsisimula na ang klase.
napamura ako nang mahina.
ni hindi ko pa nga alam kung saan ang classroom ko.
nagmamadaling tinahak ko ang daan papasok ng paaralang ito.
NAPATINGIN ako sa aking relos.
labing limang minuto na ang lumipas pero di ko pa din mahanap ang classroom ko.
Naka ilang building na ako pero wala pa din
wala naman akong mapagtanungan dahil lahat na ng mga estudyante ay naka pasok na sa kani-kanilang mga classrooms.
Ayoko na. Ayoko ko na talaga.
Napairap ako.
Kung bakit ba naman ang laki ng paaralang ito. They should've a locator Map or something. Hindi yung section lang ang binigay nila.
nakarating na ako sa dulo ng building na ito at napatingin sa hagdan na nasa aking harapan.
'pagod na ako'
ayoko mang umakyat ay wala akong choice, kailangan kong mahanap ang aking classroom.
ngunit, di pa man ako nakaka hakbang sa hagdan ay may bumangga na sa aking balikat na naging dahilan upang ako ay madapa.
'bakit?!' ' whathaveIdoneparamagingganito ang buhay ko?!'
ang malas ko naman. late na nga ako sa unang araw ng eskwela ay nadapa pa ako.
agad kong nilingon ang taong bumangga sa akin.
isang lalaki.
ang akala ko ay sa mga libro ko lamang nababasa ang mga lalaking katulad niya... ngunit, ako pala ay nagkakamali.
dahil ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay parang bidang lalaki sa mga pocketbooks na palagi kong nababasa.
Matangkad, Matipuno, Moreno at may mala adonis na mukha.
BINABASA MO ANG
First
Romance"The first time you fall in love, it changes you forever and no matter how hard you try, that feeling just never goes away"- Nicholas Sparks ------ ALL RIGHTS RESERVED. This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents a...