Mai-NET sa Pinas

28 1 0
                                    

 Sige pa, sige pa, ipasok mo pa,

Init ng katawan ko ubusin mo na.

BERDENG dila ko’y hugutin mo pa,

Lawa’y ko’y unti-unting natutuyo na!

Tara na, tara na, umupo ka na,

Pictures ko sa FB i-like mo pa.

Damdamin ko’y i-popost ko na,

Wag kang MAHIYA, mag-comment ka pa!

Hala ka, hala ka, poser ka,

Lagot ka kay Idol huli ka niya.

Tama lang yan, mag-tweet ka,

Sabihin mo sa kanya PANOT na buhok niya!

Ayaw na, ayaw na, sadista siya,

Kada hiyaw ko may hampas na.

Ba’t di nakilala nung bago pa siya,

Ngayon karapatan namin DINIDIKTAHAN na!

Grabe i-NET dito sa Pinas,

Ngipin ko’y pinurol, kinalas.

Bakit TUWID na daan ni PNoy,

Tila masahol pa ang amoy sa abnoy!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mai-NET sa PinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon