Chapter 3- Job Hunting

26 0 0
                                    

Hindi padin ako makaget-over sa lovestory ni Mang Petals at Aling Rosario, hay kasi naman! Kailangan ko pa nga pala pumunta kela Dillion at maghahanap na kami ng bagong trabaho. Sinarado na kasi ni Mang Petals ang flowershops niya kasi nakaipon na siya ng sapat, gusto niya na sa lahat ng natitirang oras ng buhay niya eh magkasama sila ni Aling Rosario.  Akala ko makakabalik pa ako, pero this time I need to look for another job, and I'm so excited na sumubok ng bago. Aba kita mo nga naman look at the sky, ang tataba ng mga ulap, ang sarap pindutin, ang sarap yakapin. Habang naglalakad ako papunta kena Dillion nilapitan ako ng isang bata, nanghihingi ng perang pangkain, sampong myra lang ang naiiabot ko. Kawawang bata, pero alam ko darating ang araw, magiging masaya din siya. Oh, ayan na ang bakla, aba feel na feel naman niya ang pagsusuot ng black dress at ang lipstick jusko, pulang-pula, at napakataas pa ng heels ng stilletos niya.

"Dillion, paalala ko lang, maghahanap tayo ng trabaho, hindi tayo pupunta sa JS prom!"

"Ito naman, sis ano kaba, syempre kailangan outstanding ka, aba malakas ang competion sa labas, kung hindi ka kapansin pansin, aba iitsapuwerahin ka lang nila, at kung hindi ako ang magsusuot nito, aba sino pa?"

Oo nga, tama naman siya, competion is always present everywhere, pero itsura naman niya, never mind na nga lang. So ano nga ba ang trabaho na hinahanap namin. Kailangan ko yung malaki ang sahod para, makapag ipon ipon ako, at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko.

"So, sis, where are we heading? Saan tayo mag-aaply?"

"Ayun, nga eh, hindi ko alam kung paano, or saan magsisimula, eh di hamak na Floral Arranger lang naman ako diba."

Wala naman kasi akong ibang alam gawin, kasi naman ang gusto ko talaga gawin sa buhay ko bata palang ako maging isang sikat na fashion designer, eh kaso hindi naman kami mayaman, dapat yun naman talaga yung tatapusin ko eh, kaso hindi talaga kaya ng bulsa, kahit na scholar ako yung other expenses para sa course nayun hindi naman kasama, kinailangan kong maging practical, kaya nag major in Floral Arrangement nalang ako. Habang pumapasok ako sa UC sa likod ng mga libro ko sa iba't ibang subjects drino-drawingan ko ng mga damit, at iba't ibang styles ng sapatos. Hindi ko na nga kailangan lagyan ng pangalan ang mga libro ko eh, kasi minsan pag na mi-misplace ko, alam ng mga kaklase ko na saakin yun, kasi ako lang naman ang mahilig mag drawing ng mga fashion styles sa libro. Wala naman akong ibang hinangad o pinangarap na career kung hindi ang pagiging isang magaling na fashion designer. Yung makarating ako sa iba't ibang lugar dahil nagugustuhan ng mga tao yung gawa ko. Hinahangaan ka kasi ibang klase yung mga ideas ko, I mean, that's the life I've always wanted to have, but just like many other people who dream to become the person they desired to be, sometimes natatalo tayo sa sitwasyon na meron tayo, hindi minsan sapat ang sipag, para sa pangarap, kung ang kalaban mo oras at pagkakataon. Everytime I draw, and think of new ideas of clothings, I'm always happy. Kasi iba yung nararamdaman ko kapag nag didisenyo ako ng damit, yung ginagawa ko yung nasa utak ko lang tapos nag karoon ng output. Sa pag gawa ng mga damit dapat totoo yung emosyon mo, yung mga materials na gagamitin mo, yung klase ng tela, yung mga kulay. Naniniwala kasi ako na ang tao malalaman mo ang tunay o kung anong klase ang pagkatao nila sa pamamagitan ng pananamit nila. Kaya ako, binabasa ko ang tao sa uri o kung paano sila manamit. Katulad noon, ayun, yung babaeng naka t-shirt ng dilaw na may scarf, at shorts ng napakaikli, at may boots na kulay asul, totoong tao lang siya, at gusto niyang maging kumportable parati hindi niya iniintindi kung anong tingin ng iba, ginagawa niya yung satingin niya magiging masaya siya. Ito naman si kuyang tumatawid na nakasando, mayabang to, kasi gusto lang niyang ipakita yung bisceps niya, at yung tattoo niya sa kanang braso niya, showy siya sa mga pinaghihirapan niya. Pero syempre joke ko lang yun, ano bang malay ko sa nararamdaman nila. Sa tingin ko lang naman madalas kasi yung mga emosyon o bagay na gusto nating iparating hindi natin masabi o magawa, kaya sa pananamit nalang natin ipinaparating.  Eh pero wala tulad yata ng pag-ibig, pati yung career ko wala din, hindi din para saakin. Pero masaya naman maging Floral Arranger.

Money Can Buy Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon