ALIANA

89 37 24
                                    

“Go pre kaya mo yan!!” Nandito ako ngayon sa court at pinapanood nila Aliana at mga kaibigan niya. Huminga ako ng malalim, ramdam ko ang panginginig ng aking kamay.

Hindi pa ako nakakapaglaro ng basketball sa talang buhay ko kaya hindi ko alam kung paano, driniball ko muna ang bola bago umasinta sa ring ng shoot. Nasa ere na ang bola, kaso mapapamura ka talaga ng malutong dahil hindi ito pumasok, sumablay ito sa ring kung kaya napahilamos ako ng muka at napatalikod.

Maling galaw ko lang dahil bumalik sa akin ang bola at tumama sa likod ng ulo ko.

“Ay shunga.”

Rinig ko ang tawanan ng mga nanonood, mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Ni hindi ko matignan ang pwesto nila Aliana dahil sa kat*ng*han na yon.

“Ayos ka lang pre? Ayaw yata sayo nung bola.” Kamot ulo kong hinila si Eugene paalis. Hindi ko na binigyan ng tingin si Aliana, mas gugustuhin ko na lang magpalamon sa lupa...

Ngayon nga lang ako napansin ng buo kat*ng*han pa napairal.

Sakto namang tumunog ang bell kaya dali-dali na kaming bumalik sa classroom. “Kung nakita mo yung itsura ni Aliana pre, baka na ballzone ka na.”

“Ballzone?”

“Oo, tipong tatamaan na sana kaso umurong at ikaw yung tinamaan.” sabay halakhak pa ni t*ng*. “Ewan ko sayo!”

Buong klase ay puro discussion lang ang naganap, nakatuon lang ang pansin ko sa unahan habang si Eugene ay tulog sa aking tabi. Nasa bandang likod kami kung kaya hindi naman siya pansin.

Natapos na lang ang araw na hindi ko namamalayan.

Ganto lang naman lagi, papasok at sulyap kay Aliana, tapos yun lang. Uwian na...nakakatawang isipin dahil kung gaano ko siya kamahal at tinitingala ay ganun din kataas ang pursyento na hindi ko kayang aminin ang nararamdaman ko.

Gusto ko siyang maging akin..mahal ko siya ng sobra pa sa sobra, ngunit paano ko yun mapaparating kung simpleng pakikipagusap ay palpak na ako.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong binati si mama. Nagmano at humalik sa pisngi, ngunit hindi man lang niya ako nginitian o tinignan dhil may kausap siya na kapit bahay namin.

Nakita ko si Kuya na ipinagmamayabang ang bago niyang damit na binili ni papa. Hindi ko na lang yun pinansin at dumako na lang ako sa lamesa upamg tignan kung may natirang ulam pa.

Hindi namna kami ganoong kayaman pero may kaya kami sa buhay. May natirang tulingan at kanin kaya ayun na yung kinuha ko at kumain magisa, matapos ay hinugasan ko na rin ang ginamitan ko sabay pumasok sa aking kwarto.

Inilagay ko ang bag ko sa tabi sabay nagpalit na ng damit pang bahay. Napatingin ako sa salamin na nakadikit sa pader na gawa lamang sa matibay na kahoy.

Totoo nga talaga ang sabi ni Eugene...sobrang payat ko kaya parang masasabi mo na napakahina kong bata. Di bale, sasusunod magpapalaki ako ng katawan, baka kamo dun ako mapansin ni Aliana.

Napangiti ako dahil sa pag banggit ng pangalan niya sa aking isipan, masaya kong kinuha ang papel sa cabinet at lapis sabay nagsimulang magsulat ng liham para sa kanya.

Iniipon ko lahat ng liham ko bilang ala-ala para sa kanya. Wala eh, ganun talaga ang pagkagusto ko kay Aliana, nangako pa nga ako sa sarili na kung hindi siya ang mapapangasawa ko ay hindi na lang ako magaasawa.

Sabihin man nila na hindi mamgyayari yon dahil bata pa ako ay wala akong pake, desidido ako na siya lang ang babaeng gusto ko.

She was my first love, Siya ang unang babae na minahal ko maliban sa aking mama at kapatid na babae.

Napaka ganda mo kahit saang anggulo.

Sana ay alam mo ang tinatago kong pagtingin para sa iyo.

Ikaw lang ang babaeng nagpatibok ng ganito sa puso ko.

Nais kitang sintahin, nais kitang haranahin, nais kitang pagsilbihan.

Ako'y tunay na nalalaki na nagmamahal sa dilag na kagaya mo.

Kada mararamdaman ko ang presensya mo ay hindi ko alam ang gagawin ko, naalerto ako at napapatigil sa aking ginagawa.

Gusto kong humatak ng lakas ng loob para sabihin ng to sayo.

Ngunit tanging pagsilay lang talaga ang kayang gawin ng duwag na kagaya ko.

Kung alam mo lang sana Aliana...

Simula ng kami ay magkita at siya ay makilala ko ay dun na ako nagkagusto, halos lumuhod pa ako sa harap ni papa para lamang mapalipat ako sa iskuwelahan na kanyang nilipatan.

Buo araw ko pagnakikita ko siya, buo araw ko kahit sa ganoon lang ay ayos na. Kung minsan ay nagiimahe ako sa utak na masaya kaming dalawang magkasama at may anak...napapangiti ako sa aking sarili kapag naiisip ko ang ganoong bagay.

Na kahit sa utak ng aking imahinasyon lamang ay makasama kita.

Tagong DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon