Break.
"Happy birthday, Reisha!"
Malakas akong napatili nang maramdaman na may kung anong binato sa akin sina Charlynn at Gabriella.
"Oh my! Ang baho!" Tili ko nang mahawakan ang basag na itlog sa buhok ko.
Malakas na tumawa ang dalawa. Napabangon ako sa aking kama saka inis na sinamaan ng tingin ang dalawa. Inis kong pinahiran ng itlog ang dalawang babae sa harapan ko.
"Hindi ko naman birthday ah," reklamo ni Charlynn.
"Idea mo naman kasi ito, Cha," si Gabriella habang humahalakhak sa inilagay kong itlog sa kaniyang pisngi.
"It's fun naman, right?"
Malakas kaming nagtawanan. Sabay-sabay kaming naligo sa kani-kaniya naming bathroom. Natagalan nga lang ako nang sobra dahil kahit anong gawin ko, hindi matanggal ang amoy ng egg sa buhok ko. Halos dalawang oras tuloy ako sa loob ng bathroom.
Paglabas ko, confetti naman ang sumalubong sa akin at ang sabay na pagkanta ng dalawang kaibigan ko ng happy birthday. May party hat pa sila sa kanilang ulo. Nilagyan din ako ni Gabriella sa aking ulo. Si Charlynn ang may hawak ng cake na may hugis na ari ng lalaki.
Wtf! This minor!
"What the fuck is that?" Natatawang tanong ko habang nakatingin sa kandila na hugis gano'n din.
"Blow the candle, Rei."
Malakas na humalakhak ang dalawa nang may tumalsik na puting liquid nang ihipan ko ang kandila.
"What the heck! Ikaw na minor ka!"
"Girl, days lang tanda mo sa akin! Makapag-judge 'to akala mo ang laki ng agwat sa akin!" Reklamo ni Cha.
Malakas akong humagalpak ng tawa, gano'n din sila. Si Gabriella ay halos hindi makatingin sa cake habang si Charlynn ay tuwang-tuwa rito. Pakiramdam ko ang pangalawa na naman ang may pakana nito.
"God, Charlynn. May bata rito," natatawang sabi ko sabay baling kay Gab.
"Ay sorry, ha? Labas ka muna, Nene!"
Malakas kaming tumawang dalawa habang si Gabriella ay nakanguso sa amin. Pinicturan pa ako ni Charlynn habang hawak ang cake na inihanda.
This is just for memory. Mula nang umalis ako sa Davao, hindi ako nag-upload ng kung ano sa aking social media account. Balak ko na ngang i-deactivate ang aking account.
"Anong oras tayo aalis?" Tanong ni Cha sa akin.
"Later na lang? Mas maganda magbar kapag gabi na. Maraming boys," humalakhak ako.
"Makakapasok ba ako roon?" Tanong ni Gabriella.
Ngumisi ako sa kaniya. "Don't worry, mas mukhang haharangin si Charlynn kaysa sa'yo."
"Excuse me? Makakapasok tayo roon, okay? Walang haharang! I am not a De Dios for nothing," mayabang na sabi ni Cha.
Nanood kami ng movie matapos naming kumain ng breakfast. Si Charlynn ang nasunod sa panonood ng K-drama na kinakaadikan niya pala. Si Gabriella ay nanonood din kahit na halatang inaantok sa pinanonood.
Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng lamesa nang makitang umilaw ito. Saglit itong nilingon ng dalawa na agad din namang tinuon ang atensyon sa pinanonood.
Don't reply:
Where are you? I'm inside the resort. Please meet me.
Don't reply:
Kahit 5 minutes lang?
Umirap ako.
"Labas muna ako saglit," paalam ko sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...