Nagising si Celestine dahil sa mga sunod sunod na katok sa kaniyang pintuan. "Sandali lang.." inaantok na wika niya. Sandaling tumingin sa salamin ang dalaga at agad na inayos ang kaniyang buhok. Agad niyang binuksan ang pinto at tumambad sakaniya ang kaniyang pinsan na si Hillary."Magandang umaga.. Nagambala ko ba ang iyong mahimbing na tulog?" nakangiting tanong nito. "Pasensya ka na, hehe." dugtong nito sabay kamot sa kaniyang ulo.
"Ayos lang. Ang totoo niyan ay kagigising ko lang din noong kumatok ka." niyaya ni Celestine ang kaniyang pinsan papasok sa kaniyang kwarto at pinaupo ito sa kaniyang kama habang siya'y pumasok sa palikuran upang maghilamos ng mukha at magsepilyo nang ngipin. Pagkatapos ay lumabas narin ito at pinunasan ang sarili. "Ano ang iyong sadya?" malumanay niyang tanong. Tumikhim naman muna si Hillary bago sagutin ang tanong ng kaniyang pinsan.
"Ako'y magtutungo sa unibersidad na aking pinapasukan.. Nais ko sanang imbitahan kayo nila Carla at Riessha upang makita niyo narin ang unibersidad na inyong papasukan sa susunod na buwan.." nanlaki ang mga mata ni Celestine sa sinabi nang kaniyang pinsan. Hindi pa niya nakikita sa personal ang eskwelahang iyon at tanging sa mga larawan lamang kung kaya't hindi siya makapaniwala na pupuntahan nila ito ngayon.
"Talaga?! Kung gayon puntahan na natin sila Riessha at Carla sa kanilang silid!" dali dali silang lumabas sa silid ng dalaga at tumakbo papunta sa pinakadulong bahagi nang pasilyo. Kumatok nang tatlong beses si Celestine at nakangiting naghihintay na magbukas ang pintuan.
Samantala, si Riessha naman ay kakalabas lang ng palikuran nang marinig ang tatlong katok aa kanilang pintuan. Dali dali niya itong nilapitan upang buksan.
"Magandang uma—" nagulat si Riessha nang makita ang kaniyang kaibigan kasama ang pinsan nito. Isinarang muli ni Riessha ang pinto dahil sa pagkabigla at tinignan ang itsura sa harap ng salamin.
"Carla.. B-Bilisan mo dyan." pakiusap niya sa kaibigan na kasalukuyang ginagamit ang palikuran. Nahihiya ang dalaga sa kaniyang hitsura sapagkat hindi pa siya nakakapagsuklay. Kaniyang inaalala ang sandaling nagtama ang paningin niya at ni Hillary. "Riessha, pagbuksan mo kami. May sasabihin kami ni Hillary sainyo. Bakit mo ba sinarang muli ang pinto?" narinig niyang tumawa ang kaniyang kaibigan at tsaka nagsalitang muli. "Sanay naman na akong makita ang iyong hitsura sa tuwing ikaw ay bagong gising. Huwag ka nang mahiya at buksan mo na ito."
"S-Sandali lang!" natataranta niyang sagot. Paikot-ikot siya sa kanilang silid at hindi mapakali. Paano niya haharapin si Hillary? Paano kung nakita nito ang kaniyang hitsurang magulo ang buhok at walang ayos ang mukha? Napahinto ang dalaga sa pagpapalakad lakad. Bakit nga ba niya inaalala ang magiging reaksyon ni Hillary?
Napasabunot sa sarili si Riessha at hinihiling na makalabas na nang palikuran si Carla. Kakatukin na sanang muli ni Riessha si Carla nang marinig niya ang boses ni Hillary. "Riessha..." malambing ang pagkakasabi nito na naging dahilan uoang bumilis ang tibok ng puso ni Riessha. Napahawak ang dalaga sa kaniyang dibdib.
"Ang puso ko.. A-Anong nangyayari sa akin?" bulong niya sa sarili. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Bakit ganito ang kaniyang nagiging kilos ngayon? Bakit ganito na lamang kabilis tumibok ang kaniyang puso sa tuwing naririnig niya ang boses ni Hillary? Bakit siya natataranta sa tuwing nakikita ang presensya nito?
"Oh, anong nangyari sa iyo?" napatingin siya sa kay Carla na bagong labas sa palikuran. "W-Wala ito..." halos pabulong na saad niya. Nagulantang si Riessha nang muling may kumatok sa pinto. "Tabi diyan!" dali dali siyang pumasok sa loob ng banyo at ikinulong ang sarili. Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan at tsaka isinandal ang sarili sa pader.
"Oh, kayo pala iyan Celestine.. Magandang umaga, magandang umaga din sa iyo, Hillary." pagbati ni Carla sa dalawang dalaga na nasa kaniyang harapan at tsaka niyaya itong pumasok sa loob ng silid.
YOU ARE READING
The Art of Love
RomanceIsang masayahin at palangiting babae. Iyan ang isa sa mga katangian ni Celestine. Siya ay mayroong mataas na ambisyon para sa kaniyang sarili at sa minamahal na pamilya. Ngunit sa isang iglap, naglaho lahat ang kaniyang mga pangarap dahil sa isang k...