Palakpakan mo ang sarili mo at mag smile sa harap ng iyong desktop dahil isa ka sa mga swerteng makakabasa ng mga wanderings, thoughts, walkings, at misadventures ni Kikong Ethan. Malamang nagtataka ka kung bakit ko ito tinawag na misadventures. Dahil galing ito sa kaibuturan ng isang mang mang na nilalang na binuo na may tangang puso at taliwas na paniniwala sa buhay, pag-ibig, pag-asa, at iba pang mga ahensya ng gobyerno.
Dito naipapadala ang lahat ng hinaing, sama ng loob, at pagmamaltrato ni Kiko sa kanyang notebook dahil lamang sa pagsusulat ng di-makabuluhang kwento.
Ang mga chapters/kwento ay mahahati lamang sa pamamagirtan ng oras enter date enter araw. Hindi mo masasabing mahaba o maikili ang isang chapter hangga't di mo pa ito nababasa. Parang gumawa rin ako ng diary, kaso online nga lang.
Kaya sit back, relax, at basahin ang misadventures ni Kiko.