"Paano niyo po nalaman?"
Nangibabaw ang kuryosidad sa tanong ni Klein sa matandang fairy.
"Shienna, palitan mo muna ang sign," utos niya sa kanyang apo na ginawa naman kaagad ni Shienna.
Pagkapalit ni Shienna ng Closed na sign sa pinto ay kumuha siya ng isang upuan at binigay ito sa kanyang lola.
"Salamat," sambit nito sabay upo.
"Ako si Samira at isa akong forest fairy. At dahil na rin sa edad ko, alam ko na agad na sinumpa ang isang nilalang kahit tingnan ko lang ito," sagot niya.
"Underworld University 'yang uniform niyo, 'di ba?" usisa bigla sa'min ni Shienna.
"Oo. Researchers kami mula ro'n at dito kami nakadestino ngayon," sagot ni Klein.
"Natanggap ako sa university na 'yan at papasok ako bilang freshman sa high school next year," masayang balita nito sa'min.
"Talaga? Congratulations," bati namin sa kanya.
"Pero, Shienna. Ang bilin ko, ha? Hindi ka puwedeng maging Hunter Student. Maliwanag ba?" paalala sa kanya ng kanyang lola.
"Opo, Ada."
"Ms. Samira, matutulungan niyo po ba kaming makahanap ng lunas para dito sa sumpa?" tanong ko.
"May kilala akong flame fairies na nakatira sa paanan ng bundok. Magkapatid sila. Kambal na babaeng fairy. Sila ang maaaring makapagbigay ng lunas sa mga kasama niyo," sagot ni Samira.
"Paano po namin sila mahahanap doon?" usisa ni Klein.
"Madali lang sila mahanap dahil nag-iisa lang naman silang bahay do'n. Tapos ang bubong ng kanilang bahay ay hugis ulo ng kabute," sagot ni Samira.
"Ngunit paalala lang, ang sumpa ng dark fairy ay kailangang malunasan agad bago kayo abutin ng pagsikat ng araw kinabukasan. Kung hindi, magiging permanente na silang ganyan at hindi na sila makakabalik pa sa dati."
Matapos namin 'yong malaman ay inihain na nila agad sa'min ang in-order naming almusal. Nagmadali kami nang kaunti sa pagkain para makabiyahe na kami agad papunta sa paanan ng bundok para hanapin ang kambal na flame fairy.
Pagkatapos naming kumain at magbayad ay umalis na rin kami kaagad. Nagpasalamat din kami sa kanila bago kami umalis. Nagpunta kami agad sa sakayan ng karwahe na malapit sa cafe para magpahatid sa paanan ng bundok.
---
Thirty minutes ang tinagal ng biyahe. Ibinaba lang kami ng kutsero sa tapat ng isang masukal na pathway sa paanan ng bundok. Pagbaba namin ay agad kaming pumasok sa pathway na 'yon.
"Saan kaya 'yon dito?" tanong ni Klein habang nililibot namin ang aming paningin.
Kagubatan na itong dinadaanan namin. Napalilibutan kami ng iba't ibang klase ng mga puno at halaman. May parteng mataas ang damo, meron din namang parte na maiiksi ang damo pero mabato.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasía[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...