ALIANA

93 34 25
                                    

Fast-forward dahil wala namang espesyal noong nagaaral pa kami

“Ang sweet naman ng boyfriend mo!”

“Oo nga, sana ganyan din akin.”

Hindi ko pinansin ang kanilang mga sinasabi at nakatuon lang ako sa mga papel na nasa lamesa ko. Nakakaramdam na naman ako ng matinding selos at inggit, dahil naunahan na naman ako...

Nandito kami ngayon sa Trabaho sa opisina, katrabaho ko si Aliana, Co-worker kung baga. Oo, kahit kung saan siya nagtra-trabaho sinundan ko siya...

Hindi na ako tulad ng dati na lampa-lampa at mukang mahina, kung susumahin ay lumaki na ang pangangatawan ko, hindi man sa nagmamayabang ngunit mas may itsura na ako ngayon..ngunit hindi pa rin niya ako napansin.

Ayos lang, hindi ko naman pinipilit na ako gustuhin niya.

“Chris, gusto mo?” Napatingin ako sa naging kaibigan ko sa trabaho na si Renee, napangiti naman ako nang alukin niya ako ng chichirya. Yung boy bawang. “Salamat, pre.”

Palihim akong sumilip sa kinaroroonan nila Aliana, dala-dala pa rin nito ang bugete ng bulaklak...napakagat ako ng labi at napatungo, tahimik lang akong kumain hanggang sa matapos ang oras ng trabaho kaya tumayo na ako at nagayos.

Nagpaalam na ako kay Renee sabay nag out, bit-bit ko ang bag ko palabas. Parang dinudurog ang puso ko nang maalala ang kanina, hindi ko alam kung sino ang lalaking nakakuha ng damdamin niya, ngunit sana tratuhin siya ng maganda at maayos..

Napatigil ako sa exit nang makita ang pamilyar na muka, may bit-bit itong bag. Nang magtama ang tingin namin ay kita ko ang kasiyahan sa kanyang mata na kahit ako ay natuwa na din.

“CHRIS!”

“EUGENE!”

Halos takbuhin ko ang labas at inambahan siya ng yakap. “T*ng*n* Tol na miss kita! Ang laki-laki mo ng damulag!” Dahil doon ay sinuntok ko ang kanyang braso na inida niya. “Sakit mo na manuntok ah!” Nagtawanan na lamang kami.

Iba na ang itsura nito kaysa noon, may kaputian na ang g*g* at mas gumwapo.

“Kelan ka pa nakauwi ng pinas?” Tanong ko. “Kanina nga lang, kasama ko magina ko. Ikaw agad pinuntahan ko nang tanungin ko yung kapatid mong si Ramon kung nasaan ka.”

Si Ramon ang bago naming bunsong kapatid,  nagaaral sa dati naming paaralan na mas pinaganda na ngayon. “May asawa at anak ka na pala?” Gulat kong tanong, mahigit ilang taon na wala kaming balita sa isa't isa kaya nakakagulat.

“Oo pre, nakilala ko siya sa Amerika, ikaw may asawa at anak ka na ba?” Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti na agad naman niya naintindihan. “Napakatorpe mo talaga..”

Hindi ko na napigilan ang maiyak at yakapin ang dati kong kaibigan. “Ano bayan pre, laki mong tao naiyak ka pa rin.” Ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sa paligid, onti lang naman ang naririto dahil sa gabi na. “Sir, alam kong nakakasira ako sa moment ninyo pero baga pwedeng dun muna kayo, may pila palabas eh.”

“Ay sorry boss.” Sagot ko kay Mang Rodel na Guard sa pinagtratrabahuham ko. Naglakad-lakad kami at habang naglalakad ay kinukwento niya sa akin ang nngyari sa Amerika.

“Anong pangalan pala nung anak mo?” Tanong ko kay Eugene. Magkasingtangkad lang kami ngunit mas maputi na siya kaysa sa akin. “Jeremiah, ayun gusto ni Misis eh.” Napatango naman ako. “Ilan taon?”

“Dos, ang galing nga nung bubwit na iyon. Kay bata-bata pa napapatawagsa  nambubuyo ang kumag.” Natawa ako. “Baka paglaki niyan magaya yan sayo, chickboy.”

“Kotongan ko yan.” Natawa ako sa sinabi niya. “Amerikana lang pala katapat mo.” Biro ko pa at bigla itong napangiti. “Kung makikita mo lang kung gaano kabait at kaganda asawa ko tol, malalaman mo ang dahilan kung bakit tumigil ako sa pambababae.”

Tagong DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon