Malakas na ugong....mga ingay, sigawan, mga tawanan at iyakan ...mga tunog na hindi ko alam kung saan nagmula at laging dumadalaw sa aking panaginip tuwing ako ay matutulog. Mga mukhang di ko naman maaninag, mga tinig na syang nagpapagising sa akin tuwing hating gabi!!!!
" Ryle gising.... pag-uuga at pagsisigaw sa akin ng kaboredmate ko na si Max...Binabangungot ka nanaman!!"
Pagbukas ng aking mga mata ako ay kinakabahan at kinakapos ng hininga sabay abot sa akin ng isang basong tubig ni Max na kanyang hinahanda kapag ako ay bumangon upang ako ay magkaroon ng ulirat ... mula sa aking pagkakagising!
" Alam mo nakakatakot ka na...di ko alam gagawin ko sayo tuwing dinadalaw ka ng mga bangungot mo.. Buti nalang at sanay na ako sa ganitong pangyayari sayo, kung hindi lang matagal na kitang iniwan dito kagaya ni Jimie na hindi nakatiis tuwing nangyayari sayo yan."
Si Jimie isa sa kasama namin ni Max sa kwarto na inuupahan namin, ilang beses na akong nagkakaganito noong nagsimula na akong tumuntong ng pag-kadalawangpong taon sa aking kaarawan .. at mas lumalala pa nitong mga nagdaang na araw at buwan... kung kaya't nagdesisyon na si Jimie na umalis dahilan sa mga kayang nakikita tuwing nasa ganito akong pangyayari sa kadahilanang hindi nya nakakayanan ang mga nakikita niya sa akin at humanap ng bangong matutuluyan.
Kaya dalawa nalang kami ni Max sa tinutuluyan namin at sya ang aking taga-gising, nagpapakalma sa akin tuwing at kapag ako'y sinusumpong ng aking mga bangungot.
Simula na ng mga nangyari sa akin ito halos di na ako masyadong makalabas ng aming tinutuluyan dahil sa mga bulungan ng aming mga kalapit boredmate na tumutuloy sa ibang kwarto .. Mura lang kasi ang paupahan na ito kaya nanatili ako dito at nagtitiis .. dahil simula ng pinili kung tumakas sa sa aking nakaraan at iwang ang buhay na meron ako .. Nagsimula na akong tumayo ng naaayon sa kagustuhan ko at mamuhay ng walang pumipigil upang abutin ang aking mga gusto para sa aking sarili.
Pero di ko akalain na sa aking pag-alis ay mababaon ko pala ang madidilim na aking mga nakaraan sa bagong buhay na pinili ko...
Ngayon nag-aaral ako sa isang State University at kumukuha ng Administration Course .. nung una hindi ito ang gusto ko at mas nais kung kumuha ng Tourism course sapagkat para sa akin ang piliin ito ay isang paraan upang mas makatakas ako at takbuhan ang aking madalim na nakaraan ng tuluyan.
" Ano Ok kana!!!! " tanong ni Max ... Tumango lang ako pahiwatig na mabuti na ang aking pakiramdam ...
" Ohh syaa.. babalik na ako sa aking pagtulog. Maaga pa ang pasok ko bukas." sambit nya habang papahiga na at pabukadkad ng kayang kumot upang ibalot sa kanya.. at agad na umidlip para makatulog..
Samantalang ako ay nakaliter L na higa sa aking kama .. at inilagay ang baso sa ibabaw ng mini table sa gilid ... habang inaalala ang mga pangyayari na naganap sa aking panaginip.. na alam ko na totoong nangyari sa aking buhay!!! habang inaalala ang mga bagay na ito biglang nagringgg ang aking selpon na syang nagpabigla sa akin sa mga orasss na iyon....
buti nalang at hindi natural ringtone na madalas kung marinig ang inilagay ko, kung hindi ay isang makalumang kanta mula sa western song mga dekada 1980's ...na syang ayaw pakinggan ni Max tuwing may tatawag sa akin dhil masyado daw makaluma.
Sa mga oras na to bumilis bigla ang tibok ng aking puso..bumilis din ang kaba at takot na nararamdaman ko habang nanginginig ang aking mga kamay sa pagkuha ng aking cellphone mula sa ibabaw ng aking mini table.
Pagkakuha ko ng aking cellphone agad ko itong sinagot at mga ilang segundo pa bago nagsalita ang tumawag sa akin... " Kamusta na !!!!" pagsalita ng isang lalake mula sa cellphone...ang tinig na ito ay nagpakaba sa akin lalo ng matindi, at dahilan upang matulala ako .....
BINABASA MO ANG
My Nightmare's Life
ActionIto ang unang pagkakataon kung magsulat ng kwento , kaya kung mapansin nyo po ang ilang mga pagkakamali ko, ako po ay humihinge ng paumanhin sa inyo. Sana po ay magustuhan nyo ito at ako ay suportahan. Maraming Salamat!!! Ang kwentong ito ay tungk...