For Melody (Completed)

17 2 0
                                    

Chapter 1

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto sa loob ng kwarto ko. At iniluwa dun ang pinsan kong si Mae kung saan daig pa ang naka drugs sa sobrang high ng itsura.

"So di pala uso ang katok sa'yo nuh?" Sarkastikong tanong ko sa kanya at muling itinuon ang sarili sa pagsisintas ng sapatos ko. Pero tumawa lamang ito at pabagsak na umupo sa kama ko kung saan din ako nakaupo ngayon.

"Asus! Ang arte naman nito! Haha wag mo nga akong awayin dyan. Remember? Lilibrehin kaya kitang manuod ng concert tonight. Ayy. Napanalunan ko lang pala yung ticket pero kahit nah nuh! Libre pa rin ang tawag dun." Paalala niya sakin na para bang yun na ang pinakamatalinong salitang lumabas mula sa bibig niya. Pumaikot muna ang mata ko sa ere saka nagdesisyong tumayo para magtungo sa life size mirror ng cabinet ko para tingnan ang sarili. Naka skinny jeans lamang ako, gray tee kung saan papatungan ko rin ng puting cardigan at rubber shoes naman para sa paa ko. Kinuha ko naman ang maliit kong sling bag na nakasabit lamang sa likod ng pinto at napansin ko rin ang itim na bonnet kaya nagpasya rin akong soutin din ito.

"Baka nakakalimutan mong wala naman talaga akong balak sumama sa'yo kung di lang may importanteng nilakad yung nobyo mong si Drew kaya ito ako para di ka mag isang pumunta at umuwi galing sa concert na yun." Halos hingalin pa ako dahil sa haba ng litanya ko sa harapan niya habang nakapamaywang pa.

"Okay! Okay! Chill na tayo. Binibiro lang naman kita eh. Haha highblood ka naman agad dyan, Mel. Tara na nga lang!" Pagkasabi'y agad siyang tumayo at nagtungo sa pinto para siya agad ang unang makalabas. Habang wala naman akong magawa kundi ang sumunod na lamang sa kanya at pinagmasdan siyang tuwang tuwa para sa mangyayari ngayong gabi.

Pupunta kasi kami sa isang concert tonight. Concert ng pinaka paboritong banda niya. Ang Spicy Pepper. At unang rinig ko sa band name nila ay parang nawerduhan ako, sounds gay kasi at nung sinabi ko yun kay Mae, eh ayun nakatikim pa ako ng speech. Masasabi kong isa si Mae sa mga active fans ng banda dahil halos lahat ng kibot ng bawat grupo ay kabisado niya. Oh well, administrator din kasi siya ng fanpage nila. At bilib din naman ako sa boyfriend nito na si Drew dahil sinusuportahan niya ito sa kabila ng kaalamang di lang ito simpleng fan kundi obsessed talaga. Pakiramdam ko nga eh mas marami pang pictures si Mae ng banda kesa sa kanila ng boyfriend niya.

"Naku Mel! Sina Kre andun na daw sa loob ng concert venue." Nahimigan ko yung pagkataranta sa boses niya. Magsisumula kasi yung concert by 8:30 pm pero almost 8pm na kaming nakaalis ng bahay dahil sinusubukan pa naming ayusin yung kotse ko na pagsasakyan sana namin bigla kasi itong tumirik pagkalabas pa lamang ng gate namin. Kaya eto at napilitan kaming magtaxi. Eto naman talaga ang purpose niya sa pagsama sakin eh, para magkaroon siya ng instant driver.

"Malapit nanaman tayo Mae eh, tsaka for sure di naman yan agad magsisimula ang concert." Pagkukumbinsi ko na mukhang binili naman niya dahil nagsimula ulit siyang kumalma mula sa kanyang pagkakaupo. At ayun nga, nang makarating kami ay agad siyang bumaba sa taxi at hinila ako papuntang audience entrance. Pumila lang kami ng ilang sandali at nang makapasok na ako ay parang nalula ako sa dami ng fans na gustong manuod ng concert ng bandang Spicy Pepper. Kanya kanyang fansclub ang tumambad sa mga mata ko habang patungo kami sa mga kaibigan ni Mae para doon pumwesto. Doon ko lang din napansin ang pagiging similar ng kulay pula na tee na suot ni Mae sa kanila. Bumaba agad ang tingin ko sa print ng mga shirts nila at napagtantong may nakalagay na malaking pangalan dun ang banda kaya kung tutuusin eh ako lang tong naiiba sa kanilang lahat. At maya maya'y biglang dumilim ang buong paligid at tanging mga ilaw lamang mula sa mga gadgets ng mga tao dito sa loob ang natira. Nagsimula namang magsigawan ang mga fans ng marinig namin ang boses ng banda kung saan normal na nag uusap lamang. Narinig namin ang boses ng babaeng drummer nila na si Suzzette kung saan parang nakikipag agawan sa stick ng drum sa gitarista nilang si Cleo.

For MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon