Marcus' POV
Pagkagising ko nabadtrip agad ako dahil sa text ni Christine. She's asking if I can buy things for the baby. Umoo na lang ako. Ayokong may nadadamay na ibang tao sa kagaguhan ko. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa guest room ni Fay.
"Good Morning Fay." I said at umupo na lang ako sa dining area. Nakakapagod maging wedding planner. Tinutulungan naman ako nina Asha kaya okay lang. Totoo nga ang sabi ni Renz na magaling sa ganito si Asha. Tinutulungan niya kasi yung ibang staff sa pag-aayos ng venue tuwing photo shoot. Sobrang lapit na rin kasi ng wedding day at gusto ko nang magmura dahil mukhang mas kabado pa ko sa mga ikakasal.
Inilapag na ni Fay yung breakfast namin at umupo na siya sa upuan sa harap ko.
"Oh, kumain ka na. About pala doon sa isang offer ng magazine, ayaw mo na muna bang tanggapin?" Tinapos ko muna ang paglalagay ng kanin sa plato ko bago ko siya sinagot.
"Hindi na muna ako tatanggap ng offer. I want to unwind."
"Ikaw ang bahala." She said at kumain na kami ng tahimik.
Totoo yung sinabi ko na gusto ko munang magpahinga sa career ko for three months. Ginugulo pa rin kasi ako ni Christine but she never threatens me na sisirain niya ang career ko and I am thankful for that. Christine is a very beautiful girl. Girlfriend material siya but I'm still not into a relationship that's why I play to those who want to play with me. I am not forcing them. Pero parang gusto kong mamilit ngayon, bwisit naman kasi si Fay e. Tigang na tigang na ako ng ilang araw.
***
I called Asha and Renz para tulungan akong bumili ng gamit na pambata. Hindi kasi pwede si Fay ngayon dahil may photo shoot daw ang isa niya pang alaga. Nasa mall kami ngayon para bumilli ng gamit pambata. May listahan ding sinend sa akin si Christine. Ihahatid ko lang daw sa condo niya at ayos na raw siya roon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung may binabalak bang kakaiba si Christine sa pagpunta ko sa kanila. Baka pikutin na naman niya ako. Naipailing na lang ako sa iniisip ko. Praning na yata ako.
"Marcus?" I came back to reality when I hear Asha's voice. I looked at her instantly.
"Yes? Bakit?"
"Kanina pa namin tinatanong yung listahan ng pamimilhin natin. What's with you bro? Takot ka na naman kay Christine." Renz said. Nagtawanan sila ni Asha habang ako naiiling na lang habang nakangiti. Oo, medyo takot ako kay Christine, I still want to seize my life. Yolo na kung yolo, at hindi ako makakapagenjoy kung may asawa at anak na ako. Parang nakakulong ako kung nagkaganoon.
"Ito na. Nakakatakot talaga si Christine lalo na sa kama." Nagtawanan kaming tatlo at nakuha namin ang atensyon ng ilang tao sa mall. Sinakyan ko na lang yung joke ni Renz. No more awkwardness. Ako pa ang nagsabi niyan. Every time na maalala ko yung ginawa ni Renz sakin, I will smile. Parang nakakagago lang kasi na out of curiosity kaya niya 'yon ginawa. I don't know kung bakit ayaw tanggapin ng sistema ko na para lang sa curiosity yun. At least, we can talk about it casually kapag kami lang. Doon siya minsan naiinis sa akin at gumaganti siya sa pagpansin sa mga babaeng nakapaligid sa akin. He's so handsome, aaminin ko na, talong talo ako ng kagwapuhan niya pero mas malakas kasi ang sex appeal ko. I laughed mentally.
Sa paglilibot namin sa department store, malapit na rin naming matapos yung listahan ng pamimilhin. Karamihan sa mga pinamili namin ay puro damit lang muna. 3 months pa lang namang buntis si Christine, at iyon ang ikinapagtataka ko 3 months ago ko lang siya nakilala, ganoon na ba kabilis ang sperm cells ko? Gusto kong tumawa sa naisip ko pero nakakahiya naman sa dalawang kasama ko na tuwang-tuwa na pinamimili nila.