ALIANA

79 27 41
                                    

Mga anak, hindi ako masyado makapag Update ng mahaba dahil nasa work ako

Lumipas pa ang ilang araw at wala akong trabaho ngayon kaya tumungo ako sa malapit na kainan upang kumain. Nilock ko muna ang pinto upang walang sino man ang masamang taong makapasok bago tumuloy sa aking nilalakad.

Simple lamang ang suot ko non at tanging pera ang dala upang pangkain, hanggang sa may madaanan akong sumisigaw na babae habang may higit-higit na lalaki sa buhok. “Mga hayop kayo! Ang kapal ng pagmumukha n'yo!”

Lalayo na sana ako dahil ayoko sa gulo ngunit nang makita ko na si Aliana yon. Nagtataka lamang ako dahil tanging saplot pangibaba lamang ang suot ng lalaking kinakaladkad niya. “Mga h*yop kayo!!” Sigaw pa nito, Kitang-kita mo talaga ang panggigigil at galit sa kanyng muka.

Madami ng nanonood sa kanila, hanggang sa may isang babae na gulo ng buhok  at lumapit kay Aliana. Bigla naman akong gumalaw dahil nagsabunutan yung dalawa, nabitawan ni Aliana ang lalaki at inaawat ang dalawang babae na nagkakasakitan.

“Ano ba!” Sigaw nito sakto naman ang pagsalo ko kay Aliana dahil marahas itong itinulak palayo nung lalaki sa babae. “Mga p*t*ng*na nyo! Mga g*g*! Ano suhol lang yung l*ntik na bulaklak?!”

“Aliana, patawar–”

“Patawarin mo muka mo, ul*l, manloloko!” Mabilis kong inawat si Aliana sa pagsugod sa dalawa na ginawang oras para tumakbo paalis. “Bitawan mo ko, p*p*t*yin ko yon!!”

“Huminahon ka lang, pinagtitinginan ka na ng mga tao.” Mga ilang segundo ay huminahon ito at tumingin sa akin. Kala ko ay magagalit siya sa ginawa ko pero bigla na lamang niya akong niyakap at umiyak sakin. “Ang kapal ng mga h*y*p nayon!”

Nawala ang hiya sakin at napaltan ng lungkot at sakit. Ganito ba talaga? Kapag nakikita mo ang taong mahal mo na nasasaktan dahil sa ibang tao ay makakaramdam ka rin ng sakit?

Inalalayan ko siya sa tabi ng kalsada upang hindi kami maka abala sa mga taong nadaan. “Ayos ka lang ba?”

“T*ng* ka ba?! Paano naman ako magiging ayos, niloko nga ako diba!?" Napakamot naman ako ng ulo. Tama nga naman, ant*ng* ko naman para itanong yon. “G-gusto mo kumain?”

Aba sorry na! Hindi ako marunong sa ganitong bagay, baka masabi ko lang sa kanya ay ‘ayos lang yan, nandito naman ako’ Napaka-corny.

“Pagkain?” Tanong niya sabay singhot. “Sige, tara, libre mo ah.” Natawa ako ng mabilis na pagbabago ng mood niya, akala ko naman ako yung sunod na makakalbo.

Habang naglalakad ay tahimik lang kami pero pilit kong hindi pinapahalata ang kilig na aking nararamdaman. Malungkot pa rin ang muka ni Aliana at nagtutubig pa ang mga mata, hindi ko naman siya masisisi. Ikaw ba naman na lokohin...

Nakarating kami sa Karenderya ni Aling Maring at pagkapasok pa lamang ay ginanahan na ako sa amoy. “Oh Chris nandito ka pala, pasok-pasok, hindi yata si Eugene ng kasama mo?”

“Hindi nga po.” Kamot ulo kong sagot, pinaningkitan ni lola ng mata si Aliana bago tumingin sa akin. “Diba siya yung babaeng---”

“La, gutom na kami baka pwede umorder?” Sinadya kong hindi patapusin ang sasabihin ni lola. Alam kong nakakabastos pero nakakahiya kung malalaman ni Aliana na sinusundan ko siya edi baka isipan ako nito ng masama.

Binigyan ko ng makahulugang ngiti si Lola Maring na agad naman nitong naintindihan bago kami pinaupo sa at binigyan ng bagong init na Lomi. “Salamat.." Bulong ni Aliana bago sumubo.

Sa bawat pagnguya ay nasinghot ito kaya naman kinuha ko ang panyo ko sa bulsa sabay bigay sa kanya. “Eto.” Kinuha naman niya yon at suminga ng suminga. Napangiwi pa ako dahil binalik niya ito sakin. “Salamat.”

“S-sayo na, baka kulang pa hehe.” Hindi naman ito umimik at nagulat ako ng bigla na lang siyng umiyak. “Ng*na kasi eh, lalaki lang yung h*y*p nayon pero iniiyakam ko!” Sabay hagulgol.

Napatingin samin ang mga ibang nakain kaya kamot sintido na lang ang nagawa ko at hinimas ang likod niya. “Tahan na...”

“Magsisisi yung g*g*ng yon, magloloko na nga lang sa panget pa!” Pinilit kong hindi matawa dahil sa pangiinsulto niya. Patuloy lamang ito sa pag-iyak hanggang sa magtanong kung may tindang alak si Aling Maring.

Nagaalinlangan pa ito na ibigay ang tinda niya pero sa huli ay nagbigay na din ng isang bote. “T-teka baka hindi mo kayanin.”

“Sinasabihan mo ba ako ng mahina?!” sigaw ni Aliana. “H-hindi naman, pero kailangan mong kumalma, hindi naman masusulusyunan ng alak ang sakit---" Hindi ako nito pinatapos dahil agad itong tumungga na ikinakamot ko na lang ng sintido.

Nang matapos ay kala ko titigil na siya pero umorder pa ng isa hanggang sa umorder muli. Hindi ako makapaniwala na nakakaya ng babaeng ito ang ganun kadaming alcohol sa katawan. “Tama na yan Aliana...”

“Anong tama na?! Etooo inom!” Dinanggi ko ang kamay niya ng bigyan ako nito ng baso na may alak. Sumimangot naman ito bago lumagok. “Bakla.”

Iling ko siyang pinapanood, nag-aalala ako dahil baka kung anong mangyari sa kanya dito, marunong namam ako mag-inom kaso hindi pwede ngayon. Lasing na kasi si Aliana, hindi naman pwedeng hayaan ko soya umuwi mag-isa.

Maggagabi na, magsasara na sana si Aling Maring pero hindi magawa dahil sa babaeng kasama ko. “Tara na...magsasara na sila oh.”

“Alam mo ba ha, Chri, ayun ang pang limang lalaking nagloko sakin!” Kahit na lasing ay may lungkot pa rin sa kanyang boses, mapupungay na mga mata na pilit na ginigising ng sarili, ni makaupo ng ayos ay hindi magawa. Dumukdok ito sa lamesa at muling bumuhos ang luha sa kanyang mata.

“Wala namang mal sa akin diba?” Umiling ako. Dahan-dahan nitong pinikit ang mga mata at mukang nakatulog na nga, dun ko na lamang nagawang haplusin ang kanyang pisngi at iayos ang kanyang buhok. “Walang mali sayo...napaka perpekto mo para makitaan ng mali, kung sana ako na lang ay hinding-hindi ko magagawang magloko.” Bulong ko sa aking sarili.

“Mahal mo talaga ano?” Napatango ako sa tanong ni Aling Maring, binayaran ko na lamang ang lahat at dahil wala na akong natirang pera ay kailangan ko na lang maglakad pauwi.

Binuhat ko na si Aliana sa aking bisig na parang lalaki at babae na bagong kasal habang ang kanyang ulo ay nakahilig sa aking dibdib. “Maraming salamat po, La!”

“Mag-ingat kayo sa daan ha!”

“Opo!” Habang naglalakad ay napapasulyap ako kay Aliana. Tanging bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw ko sa daan, hindi naman siya gaano kabigat lalo na sanay na ako sa pagbubuhat.

“Manloloko.” Rinig kong ani nito habang tulog. “Ako, hindi ko magagawang magloko sayo.” Sagot ko. Natawa na lang ako dahil nakikipag-usap ako sa tulog at lasing pa.

Lintik nga naman talaga nagagawa ng pagmamahal.

Sa loob ko ay sobrang saya ko sa nangyari ngayon. Ngayon lamang ako nagkalakas ng loob para makipagusap sa kanya na hindi nagiging t*ng*.

Umuwi ako sa bahay at inihiga siya sa kama. Bago sinara ang pinto, may sarili na naman akong bahay at lupa dahil na rin sa pag-iipon ay napagsumikapan kong kumuha ng pangsarili, tumungo ako sa upuan na gawa lamang sa kawayan habang dala ang iisang unan at dun muna natulog habang sa kwarto si Aliana.

Hindi ako makapakali sa aking hinihigaan. Tipong ang babaeng matagal ko ng tinitignan ay nasa loob ng aking bahay at natutulog sa aking kama, hindi ko kasi alam ang tinutuluyan niya kaya dito ko muna siya dinala.

Sana naman hindi ako nito patayin kinabukasan paggising...

Tagong DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon