Dahan dahan nyang sinakal ang babae ,pahigpit ng pahigpit ,kita sa mga mata ng babae ang hirap at sakit .parang awa nyo na tulong ,kung may nakakakita man tulong!
Tanging sa isip nalang nya nabigkas ang mga katagang iyon .Ngunit imposible na may makakita sa kaniya dahil gabi na ,wala ng tao sa parking .
oh jusko dito na ba ako mamamatay?
"kung hindi ka para sa akin ,mabuti pang mawala kana.."ang huling narinig ng babae mula sa taong gusto syang patayin bago sya mawalan ng malay.
**
"huy!"
Natigil ako sa pagsusulat ng magsalita si Ate Wendy
"Ano nanaman yan Deyja ,nagsusulat ka nanaman,tss,alam mo naman ang nangyayari kapag nagsusulat ka diba?"nagaalalang paalala ni Ate
"Ate,alam ko ,and don't worry I know the exact time and place ,so if you please ,leave at ako'y maliligo na "she just shrugged before leaving.
I have this strange condition na nakikita ko kung kailan ,saan at anong exact time mamamatay ang isang tao ,pero hindi ko alam kung sino ang taong iyon.
Gaya ng sinulat ko kanina parking area around 10:00 in the evening ,kaya wala akong choice kundi iligtas ang taong iyon .
Pagkatapos kong naligo ay tinawagan ko si Officer Carl para samahan ako .
"Ate tell mom and dad na may pupuntahan ako"paalam ko kay ate Wendy.
"San naman?ikaw baka makikipagdate kalang ah!"
"ate naman ,pupunta ako sa lugar kung saan ko nakita yung papatayin ,okay?"she just rolled her eyes
"kasama mo si Carl?,magiingat kayo"alam kong nagaalala si ate kaya tinangka nyang ipadoctor ako dati pero walang any scientific explanation tungkol dito at isa pa pinagtawanan lang kami ng ilang mga doctor na pinuntahan namin ,kaya walang nagawa si ate kundi hayaan naang na ganito ,maliban kay ate at Carl wala ng may alam ng kakayahan kong ito.
***
"Are we really going to stay here,maaga pa "reklamo ni Carl pero kain naman ng kain ng pinamili ko sa Jollibee kanina.
"pwede bang kumain kana lang dyan"suway ko
"Ja parang wala naman eh alas diyes na oh!"tingin nya sa relos nya ,itong si Carl talaga babatukan ko na 'to eh!
"Alam mo Carl -"
napatigil ako ng may makitang babaeng naglalakad ,hindi takbo lakad ang gawa nya na para bang may humahabol hanggang sa
"ahhhh sino ka!!!"sigaw ng babae ,agad kinuha ni Carl ang baril nya,nang akmang lalabas na sya ay pinigilan ko sya
"teka ,magiingat ka"tinawanan nya ang sinabi ko ,masama bang mag alala sa kaibigan ?!
"hoy!police ako!"ayan ang kaibigan ko ,go Carl!pag chi-cheer ko sa isip ko.
Mabuti nalang hindi nanlaban ang suspect kaya napadali ang trabaho nya.
***
"Ako na ang bahala dito ,umuwi kana"Nakakulong na ang lalaki na napagalaman na manliligaw pala ng babae ng halos limang taon na ,kaya lang hindi sya sinasagot kaya ayun papatayin nalang nya para walang ibang makinabang sa babae.Gago talaga .
Madalas ganito ang scenario ng mga taong pinapatay ,meron narin akong nakita na nagpakamatay ,masaya naman dahil nakatulong pero kapag hindi namin sila nasesave parang konsenya ko din .
BINABASA MO ANG
The murder she wrote
Short Storyanong gagawin mo kung kaya mong makita ang kamatayan ng mga tao,handa kabang tulungan sila,pero paano kung sarili mong mahal sa buhay ang manganib handa kabang baguhin ang tadhanang nakalaan para sa kaniya?