Prologue

7 2 1
                                    

"Emily?" Bulong ko nang makita ko syang naglalakad dito sa labas ng resto.

Napatayo ako sa inuupuan ko atsaka ako lumabas ng restaurant. Wala na akong pakialam kahit wala pa si Jake. Basta ang importante para sa akin ngayon ay ang malapitan at makausap ko sya. Pagkalabas ko ng restaurant ay iniikot ko ang paningin ko sa mall. Bakit hindi ko na sya makita? Iniikot ko ulit ang paningin ko sa paligid pero hindi ko parin sya makita. Naglakad na lang ako ng mabilis habang hinahanap ko parin sya. Nakita ko lang sya kanina dito, pero bakit hindi ko na sya makita ulit? Nababaliw na yata ako, paano ko makikita dito si Emily?! Kailangan ko nang tanggapin ang katotohanan na wala na sya, na iniwan na nya ako. Huminto ako sa mabilis kong paglakad. Sa tingin ko ay ito na ang panahon para sumuko na ako. Kailangan ko nang tanggapin ang tototo. Ipinikit ko ang mata ko atsaka ko ito kinusot. Minulat ko na ulit ito. At nakita ko sya. Nakita ko si E-Emily. Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ko maikilos ang mga paa ko. Bakit ganoon? Kung kailan mawawalan na ako ng pagasa ay doon ko naman sya nakita? Dahan-dahan kong inihahakbang ang mga paa ko. Sigurado akong si Emily ito, hindi akonpwedeng magkamali. Ang bagal ng hakbang ng mga paa ko, parang nag-aalinlangan itong lapitan sya.

"Emily?" Tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon.

Lumingon naman sya sa akin at hindi ko ipagkakaila na sya nga talaga si Emily, hindi ako namamalikmata. Tinitingnan nya lang ako habang pakiramdam ko ay may magbabadya nang luhang tumulo sa mga mata ko.

"E-Emily?" Nauutal kong tanong sa kanya. Nakatingin lamang sya sa akin na may halong pagtataka.

"Sir, ako po ba ang kausap nyo?" Tanong nya atsaka nya itinuro ang hintuturo nya sa sarili nya. Even their voices are the same.

We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon