Jhoana-4

295 5 1
                                    

JHOANA,

Nabully na naman ako, pero niligtas mo pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit ang tapang tapang mo. Hindi ko rin ineexpect na tutulungan mo ako kahit na kasama mo ang mga kaibigan mo. Gusto ko sanang sabihin sa'yong tigilan mo na ang pagligtas saakin at hayaan na lang mga nambubully saakin pero nakakatakot ka magalit lalo na habang inaaway ang mga taong nambully saakin.

Nang mawala sila ay hinila mo ako papuntang cr at nilinisan ang mga sugat ko. Sobrang focus ka sa paglinis ng mga sugat ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para titigan ka. Sobrang ganda mo pala sa malapitan. Sobrang amo ng mukha mo. Nga pala, sobrang lambot ng mga kamay mo. Gustong gusto kong hawakan ang mga ito at hindi na bitawan pa. Bigla ka nalang lumayo saakin ng may mga pumasok na school mates natin na nagtatakang tumitingin saating dalawa.

Sino nga naman ba ang di magtataka kung makikita nilang magkasama ang bully at ang binubully? HAHAHAHA
Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa Jho pero naguguluhan ako. Ano ba ang pakay mo Jhoana Louisse?

-Bea

































Who got limited edition Getblued shirt of Bea? Huhuhu sana all

Jhobea pa rin hanggang dulo 😭♥️🖤

JhoanaWhere stories live. Discover now