PALAKAD-LAKAD si Aubrey sa lansangan, naghahanap nang puwedeng mapasukan na trabaho pero mag-ha-hapon na ay wala naman siyang nahanap. Palaging sagot sa kaniya ay napakabata para raw niya. Sa edad na labing-pito, daig pa niya ang mga taong nasa edad tatlumpo na dahil sa mga problema niya. E, ano naman kung labing-pito lang siya? Mayroon siyang binubuhay na tatlong kapatid. Pahinto-hinto na nga rin siya sa pag-aaral dahil ultimo pagkain nila sa isang araw ay hindi pa niya kompletong maibigay sa mga kapatid.Binubuhay niya ang tatlong kapatid sa pamamagitan ng pagsali sa mga singing contest. Kaso naubusan na ng pa-contest ang baranggay nila at kung meron man ay hindi rin siya puwede dahil namamaos na ang boses niya sa kaka-kanta, paano ba naman ay sa tuwing may nag-si-celebrate sa kapit-bahay nila ay most requested siyang pakantahin, ang isang kanta ay kapalit ng dalawampung piso.
Habang naglalakad ay ilang beses na siyang tumikhim dahil masakit na talaga ang lalamunan niya, napasabak kasi siya kagabi. Ang isa pang sinasalihan niya ay dance contest, kung gaano niya kahilig kumanta ganoon din siya kagaling kung sumayaw.
"Swerte ko parin kasi may talent ako," pagpapalakas niya ng kaniyang loob.
Kaya lang ay napasimangot siya dahil bukod sa nakakapagod na ay hindi naman malaki ang nakukuha niyang halaga.
Napasinghap siya nang matanaw niya sa kanto, papasok na sa eskenita kung saan sila nakatira si Julie, as usual ay marami na naman itong mga bitbit.
"Ate Julie!" Malakas ang boses na tawag niya rito. Lumingon naman ito. Tumakbo siya palapit sa dalaga.
Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. "Baka naman pwede niyo akong matulungan sa paghahanap ng trabaho, oh?" Ang alam niya ay hindi rin naman nakapag-tapos ng pag-aaral si Julie pero may trabaho ito at malaki ang kinikita.
Bumuntonghininga lang ito. "Hindi ka pwede sa trabahong pinapasukan ko, bata ka pa," sagot lang nito sabay talikod na sa kaniya at naunang naglakad papasok sa eskenita. Hindi naman kasi kasiya ang dalawang tao.
Mabilis siyang sumunod. "Edi, kapag nasa tamang edad na ako, pwede niyo na akong ipasok?" Pangungulit pa niya.
"Brey, hindi iyon ganun kadali. Kung puwede ay huwag mo akong tutularan," sagot nito sa kaniya habang patuloy parin sila sa paglalakad sa masikip na daan.
Malalim siyang napabuntonghininga. "Napapagod na kasi ako ate Julie sa mga raket ko," pag-amin niya. "Buti sana kung sapat na ang lahat ng mga kinikita ko para sa mga gastusin namin," malungkot na aniya.
Hindi naman araw-araw may pa-contest. Hindi naman araw-araw may nag-bi-birthday na kilala siya para lang kumanta pero araw-araw silang kumakain, araw-araw silang may pangangailangan kaya dapat ay mayroon siyang stable na trabaho.
"Hindi na ba umuwi si mama niyo sa inyo?" Pag-iiba nito ng usapan.
Mabilis na umikot ang mga mata niya. "Naku! Ate, huwag mong hihilingin na umuwi iyon sa bahay, baka may anak na namang iiwan sa akin o di kaya ay pag-tripan na naman ang mga kapatid ko na hampas-hampasin, wala na nga siyang maimbag, ang lakas pa ng loob na mamalo!" Naiinis na sagot niya sa ate.
"Pero...nanay mo parin iyon," ate Julie.
"Na dapat magpasalamat ako na binuhay niya ako?" Pabalang na tanong niya sa galit na boses. "Kahit kailan ay hindi ako magpapasalamat sa buhay na ibinigay niya kasi hindi ko ito ginusto, mas magpapasalamat pa siguro ako kung hindi na lang niya ako binuhay!" Hindi niya maiwasang hindi magtaas ng boses kapag tungkol sa ina ang pinag-uusapan.
"Sa bagay....pasensiya ka na," humingi ito ng puamanhin.
"Patatawarin kita kapag tinulungan mo akong makapasok sa trabaho mo," nakangising pakikipag-argumento niya rito.
Tumigil ito sa paglalakad kaya napahinto rin siya.
"Aubrey, hindi malinis ang paraan nang pagkuha ko ng pera! Nagta-trabaho ako nang gabi-gabi sa bar para magpaligaya ng mga lalaki!" May galit sa mga matang humarap ito sa kaniya.
Wala sa sariling napa-atras siya habang nanlalaki ang mga mata sa kaharap.
"Ngayon mo sabihing gusto mo pang magtrabaho sa pinagta-trabauhan ko?" nakatiim baganag na anito.
BINABASA MO ANG
Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5)
General FictionAubrey Lozano, once a young girl who dreamt to be a flight attendant someday but due to the fact that they are living in a place where you must die to earn a single centavo, and strive to feed your stomach, she had long given up about her dream. At...