"Ladies and gentlemen! Let us all welcome our beautiful and talented author, Mrs. Angela Gomez!" lumabas ako ng backstage nang tawagin na ang pangalan ko. Ang dami kong naririnig na palakpak at sigaw mula sa audience. Kumaway ako sakanila bago maupo sa upuan na kaharap ng emcee.
"May gusto ka bang sabihin bago tayo magsimula sa question and answer portion of our interview ngayon?" the emcee handed me a mic and I gladly took it.
"Goodmorning!" masiglang bati ko sakanila. Muli namang pumalakpak ang audience. "Gusto ko lang mag-thank you sainyong lahat sa pagbasa, pagbili, at pagsuporta sa aking mga libro. Wala sana ako sa harap niyo kung hindi dahil sainyo. Thank you so much!" napuno ang venue ng mga sigaw ng aking readers. "At maraming salamat rin sa aking pamilya at mga kaibigan na kasama ko mula umpisa ng journey ko" hinanap ng mata ko sa audience ang mga taong gusto kong makita. Nang makita ko na sila, ngumiti ako ng matamis at nagpatuloy sa pagsasalita. "My family, Mama, Papa, Matthew Ian Gomez, Avery Nicole Gomez. Mahal na mahal ko kayo" I saw Matt and Avery gave me a blow kiss. Beside them are two empty seats for mama and papa. "At sa aking mga kaibigan na sila Levi, Mia, Eli, Evelyn, at Miles. Maraming salamat, mahal ko kayo at sa pinakaminamahal ko na pinsan, Maria, I love you so much and I miss you so much" I saw Mia smiled sweetly, I smiled back and looked beside her. Empty seats reserved for my loved ones that is already up there. I really miss those guys.
"Mrs. Angela?" bumalik ako sa wisyo nang tawagin ako ng emcee. Hindi ko namalayan na nakatunganga nalang pala ako sa mga bakanteng upuan.
"Ah! I'm sorry, I just remembered something. Anyways, saan na nga ba tayo?" I laughed nervously.
"Alright! Let's proceed to the questions that your readers are dying to know the answers to" muling umingay ang mga audience.
"Ma'am author, sagutin niyo po pls!" sigaw pa ng isa na ikinatawa ko.
"I'll try my best" reply ko sa sumigaw habang tumatawa.
"For the 1st question, Ilang taon po kayo noong una niyong sinulat at pinublish ang pinaka-unang libro niyo?"
"I was 19 years old at the time I wrote my first draft of my first book. And after many sleepless nights, noong 21 years old ako, I published it" napuno ng mga 'woah' at 'ahh' ang venue.
"At ito ang pinaka-sikat niyong libro, tama ba?"
"Oo, ang pinakaunang libro na ginawa ko ang pinaka-sikat kong libro hanggang ngayon"
"Grabe naman pala ang ating author, ang pinakaunang libro sumikat" nagpalakpakan ulit ang audience.
"Baka misis ko yan!" narinig kong sigaw ni Matt na ikinagulat ko at ikinatawa naman ng emcee at audience.
"Proud na proud si Mr. Gomez oh!" comment ng emcee. Lalong natawa naman ang audience. "Anyways, ma'am author, kung hindi ka naging author ngayon, ano yung trabaho mo ngayon?"
"Flight attendant" deretsong sagot ko.
"Bakit po?!" sigaw ng isang audience.
"Ay! ikaw na pala yung emcee?" sarkastikong tanong ng emcee kaya natawa ulit ang audience at ako. "Pero tama nga siya, bakit po flight attendant?"
"'Yun kasi ang original reason bakit tourism yung kinuha ko nung college ako. Gusto ko kasing dalin sa ibang bansa ang mga magulang ko pero may sinabi sakin ang pinsan ko na nagpabago ng isip ko kaya tinupad ko talaga ang pangarap ko na maging isang author" paliwanag ko.
"Hindi lang pala talentado ang ating madam author, kung hindi mapagmahal rin pala. Edi napakaswerte mo pala, Mr. Gomez!" muling tumawa ang audience. Nakakatuwa dahil alam ng emcee kung paano papasayahin ang audience at the same time, paano masasatisfy ang audience.
"Ito na ang pinakahihintay ng mga readers mo, madam author..." napalunok naman ako dahil nagiba ang aura ng emcee. "Sino o ano ang naging inspirasyon mo sa mga libro mo?" tuwing tinatanong sakin yan, napapangiti agad ako dahil naalala ko ang masasayang araw na kasama ko sila. Ang mga taong naging inspirasyon at naging lakas ko.
"Ang mga kaibigan at pinsan ko. Sila ang naging inspirasyon ko sa mga libro na aking nasulat. Those books? para sakanila yan. I told their stories because I want the people to know how wonderful human beings they are. Kung gaano nila ako napasaya"
"Congratulations, love" Matt said as I stare at the shelf kung nasaan ang mga libro na nasulat ko habang nakaupo sa sofa. Nasa lapag naman si Avery, naglalaro ng mga laruan niya.
"Ano kaya satingin mo sasabihin nila kapag nalaman nila na yung mga stories nila yung bestselling books ngayon?" I aked Matt.
"I'm sure na proud na proud sila sayo, Angela. At for sure ilan sakanila ay umiiyak ngayon dahil ang mga libro na ginawa mo ay para sakanila" Matt said as he holds my hand.
"I wish they're here. I miss them so much..." I rested my head on Matt's shoulder.
"Same, love. I miss them" I felt Matt's head on my head.
Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Reminiscing the unforgettable memories with them. Even years passed, I will always treasure them and the memories we've made together.
"Mama!" bumalik ako sa reyalidad nang bigla akong tawagin ni Avery.
"Yes, baby?" kinarga ko siya at iniupo sa hita ko.
"Can you tell me po ba kung tungkol saan yung unang story mo?" she said with puppy eyes. Avery is 5 years old but she learns to talk very quickly.
"Sure, baby. I'll tell you the story of one of the bravest, intelligent, and strongest person I know"
"Who is that po?"
"Your very own, tita Maria"----------------------------------------------------
Disclaimer:
This is all fiction. All characters, places, and accidents are all products of the author's imagination.
YOU ARE READING
10 Seconds
General FictionSome would call it a blessing but, it's different for Maria Diwa Tolentino. For her, it's a living nightmare. Always seeing visions of a person's death but not knowing when will it happen. It's driving her nuts, until she met Aiden Martinez, whose d...