Ang Pitong Duwende
Nagising ako na nanlalabo ang paningin at masama ang pakiramdam. Nilapat ko ang aking kamay sa aking noo at naramdaman ko na may basang tela rito. Panandalian ko munang ipinikit ang aking mga mata at pagka-mulat ko'y nasa kanang tabi ko na si Juan at sa kaliwa nama'y si Snow White.
"M-Magandang umaga p-po," nanghihina kong bati sa kanila at bahagyang ngumiti.
Pinilit kong bumangon mula sa pagkaka-higa upang maka-upo ngunit hindi nakayanan ng aking katawan kaya kusang ito na mismo ang bumigay.
Tumingin ako sa kanila at bakas sa kanilang mukha ang labis na pag-aalala. Halatang kakagaling lamang sa pag-iyak ang aking kapatid dahil sa namumula niyang mga mata at si Snow White nama'y mukhang hindi natulog dahil sa kulay itim sa ilalim ng kanyang mga mata.
"Ano bang nangyari sa'yo, Juana? May narinig akong malakas na kalabog na nanggaling dito kagabi kaya dali-dali akong nag-punta at nagulat na lamang ako nang madatnan kitang naka-handusay sa sahig," nag-aalalang saad ni Snow White.
"D-Dahil siguro po s-sa nakita ko k-kagabi," nanghihina kong sabi.
"Ano ba ang iyong nakita?"
"H-Hindi ko na p-po matandaan. P-Pasensya na po," sabi ko at iniwas ko ang aking tingin sa kanya.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga kaya napa-tingin muli ako sa kanya.
"Hindi, ako dapat ang humingi ng pasensya. Sa tingin ko'y nakita mo ang isa sa mga kasama ko rito," naka-yuko niyang sabi.
"A-Ano pong ibig niyong sabihin?" nagtataka kong tanong.
Bumuntong-hininga muna ulit siya at saka tumingin sa akin. "Naaalala mo pa ba no'ng araw na tinatanong mo ako kung may iba pa ba akong kasama rito?" tanong niya.
Tumango naman ako. "Mayroon nga akong iba pang mga kasama rito. At ang mga pangalan na naka-ukit sa mga kamang iyon? Sila ang nagmamay-ari no'n— ang pitong duwende," pagpapatuloy niya.
"I-Ibig sabihin po—"
"Oo, totoong may mga hindi pangkaraniwang nilalang na nabubuhay sa mundong ito," pagpuputol niya sa sinasabi ko. "Kalimitan lamang silang nakikita ng mga tao sapagkat sinasadya nilang ikubli ang kanilang sarili upang manatiling ligtas at tahimik ang kanilang pamumuhay. Ngunit isa ako sa mga mapapalad na tao na binigyan ng pagkakataon upang sila'y masilayan at maka-sama," pagpapa-tuloy niya.
Napa-lingon kaming lahat nang biglang bumukas ang pintuan at sunod-sunod na nagsi-pasukan ang pitong maliliit na mga nilalang. Naka-suot silang lahat ng mahahabang sumbrero sa kanilang ulo, itim na sinturon sa kanilang baywang at mahahabang kulay tsokolateng sapatos na mukhang yari lamang sa tela. Mayroon din silang 'di-kalakihang ilong at lahat sila— maliban sa isa— ay may mahahabang balbas na kulay puti.
"SNOW WHITE!!!" sabay-sabay at masigla nilang tawag kay Snow White. Isa-isa silang nagsilapitan sa kanya at niyakap siya ng mga ito nang mahigpit.
BINABASA MO ANG
Si Snow White (ON HOLD)
Misterio / SuspensoIsang magandang prinsesa na may makinis na balat na kasing puti ng niyebe. Tinernuhan ng labi niyang kasing pula ng isang pulang rosas ang kutis niyang ito at buhok na kasing itim ng dilim. May busilak na puso at mahal ng lahat- mapatao man o hayop...