1.LXXXII: The Cure

654 31 0
                                    

Nagpasya kaming maglakad-lakad na pagkatapos naming magpahinga nang kaunti at kumain ng prutas na nakuha namin sa gubat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagpasya kaming maglakad-lakad na pagkatapos naming magpahinga nang kaunti at kumain ng prutas na nakuha namin sa gubat.

Kalulubog lang din ng araw kaya't kailangan na talaga naming makarating sa talampas para maabutan namin ang Pegasus.

Huminto ako sandali sa paglalakad sabay inihawak ko ang aking mga kamay sa bewang ko. Pagkatapos ay marahas akong bumuntonghininga.

"Pagod na ako," reklamo ko.

Ilang oras na rin naman kasi kaming naglalakad mula nang matapos kaming kumain. Pagod na ang mga binti ko. Gusto ko na sanang umuwi at magpahinga.

Huminto rin naman ang mga kasama ko at tumingin sila sa'kin.

"Kaunting tiis na lang, Aika. Kukuha na lang tayo ng balahibo ng pakpak ng Pegasus tapos bababa na tayo," sambit ni Klein.

"Pagod na rin ako. Malapit na ba tayo sa talampas?" sabad naman ni Ryker.

"Guys, tingnan niyo 'yon."

Matapos 'yong sabihin ni Gunner ay tumingin kami sa gawi kung saan siya nakatingin.

Nakatanaw kami sa isang mataas na kapatagan, 'di kalayuan mula sa amin. May natatanaw kaming kulay puting liwanag na bumaba ro'n mula sa langit.

"Teka, iyon ba ang Pegasus?" tanong ko.

Para kasing puting kabayo ito na may pakpak na parang sa anghel. Nagtinginan kaming lahat pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad nang mas mabilis.

Nagtiyaga kaming umakyat hanggang sa makarating kami sa talampas na 'yon kung saan namin nakita 'yong Pegasus. Halos kapusin naman kami ng hininga habang pilit na nilalakad ang napakatarik na daan. Akala ko gagapang na ako sa lupa sa sobrang hirap at pagod na umakyat.

At nang tuluyan na kaming makarating sa talampas ay mas nakita namin nang malinaw ang Pegasus. Nakakamangha ang taglay niyang kagandahan na may pagkamisteryoso. Kumikinang ang pagkaputi ng kabayo at ang pakpak niya ay malapad na katulad ng sa anghel.

"Paano naman tayo kukuha ng balahibo mula sa Pegasus?" tanong ni Ryker.

"Dapat dahan-dahan lang tayo kasi baka mamaya lumipad 'yan papalayo pag natakot sa'tin," ani Klein.

"Sige, may naisip na ako. Si Jerome at Gunner muna ang palapitin natin sa Pegasus," suhestyon ni Klein.

"Ha? Ano namang gagawin namin do'n?" pagtataka ni Gunner.

"Si Jerome ang magdi-distract sa Pegasus, tapos ikaw ang dadagit ng balahibo niya sa pakpak," sagot ni Klein.

"Sige," sabay na pag-sang-ayon nina Jerome at Gunner.

Pagkatapos ay sabay na pumunta ang dalawa papalapit sa Pegasus. Nang malapit-lapit na ang dalawa ay naging dahan-dahan ang kilos nila.

Pumunta si Jerome sa harap ng Pegasus at umupo sa damuhan. Nang makita naman siya ng Pegasus ay napansin naming parang tinitigan siya nito. Habang si Gunner naman ay dahan-dahang lumilipad papalapit sa pakpak nito.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon